Action 10 - The Paparazzi

99.2K 2.1K 123
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)

*Kaz's POV*

Magkahawak kamay kaming nakaupo sa likod ng sasakyan habang binabaybay namin ang daan patungo sa ospital kung saan naka-confine ang mommy ni Vivi.

"Thesis," mahina kong bulong habang inilapit ko naman ang aking mukha sa tenga niya, "may unfinished business tayo ha, huwag mo yung kalimutan."

"Loko ka talaga," natatawa niyang saad pero di naman nakawala sa paningin ko ang pamumula ng kanyang mukha.

"Huwag ka nang tumutol," pilyo kong saad.

"Kengkoy, hintayin na lang muna natin na magising si mommy," nakangiti niyang bulong.

"Bakit?" nagpout ako.

"Eh kasi," humarap siya sa akin, "gusto kong maging legal na kasal tayo bago natin yun gawin."

Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung dapat ko na bang sabihin sa kanya ang totoo o hindi. Marami kasing bumabagabag sa kanya kaya baka hindi niya maintindihan ang lahat. Paano ko sasabihin sa kanya na dapat magka-baby kami para maging legal ang kasal? Paano ko ipapaliwanag sa kanya na nakikipagkasunduan ako sa kanyang ama?

"Kengkoy?" bumalik ako sa wisyo nang tawagin niya ako, "may problema ba?"

"W-wala," saad ko, "nabitin lang ako pero okay lang," nagkunwari akong nagtampo, "sino ba naman ako para pagbigyan mo."

"Kengkoy naman eh," humilig siya sa balikat ko saka pinulupot ang kamay sa braso ko. Ang sweet ng asawa ko kaya lumingon ako sa labas upang itago ang aking pagngiti.

"Okay lang," pagpapatuloy ko sa aking pagkukunwari, "alam ko namang wala lang sayo ang makita akong nahihirapan."

"Kengkoy," mahina niyang hinila ang suot kong shirt, "papayagan kita hanggang second base lang muna; huwag lang muna yung homerun."

Nagkunwari akong nadismaya sa pamamagitan ng pagbuntong hininga saka sinabing, "okay lang, titiisin ko na lang."

Ang totoo, hindi naman ako nagmamadali. Gusto ko lang talagang gawing legal ang kasal namin dahil kapag nabuntis siya, otomatikong magiging legal ang kasal namin at hindi na niya kailangang malaman na nakikipagkasunduan lang ako sa kanyang ama.

"Ganito na lang," hinawakan niya ang aking kamay, "kapag magising si mommy at magiging legal na ang kasal natin, ibibigay ko ang hiningi mo kahit araw-arawin pa natin."

"Talaga?" nakangiti akong lumingon sa kanya.

"Oo, kahit three times a day pa," biro niyang saad.

"Nagbibiro ka lang naman eh," kunot noo kong saad.

"Totoo nga," natatawa niyang saad, "bakit? Takot ka bang hing mo kakayanin ang tatlong beses sa isang araw?"

"Thesis, huwag mo akong hamonin," seryoso kong saad, "hindi mo alam kung ano ang kaya ko."

Napagikgik siya saka inilapit ang bibig sa tenga ko, "basta't kasal na tayo, sasabayan kita kahit ilang beses pa sa isang araw," hinalikan niya ako sa pisngi saka sinabing, "sixteen."

Agad ko namang hinawakan ang kanyang pisngi para ipalingon siya sa akin saka siya hinalikan.

"Sixteen," bulong ko pagkatapos ng ilang minutong pakikidigma ng aking dila sa kanyang dila.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ