Lights 12 - The Making of the Memories

104K 2.4K 85
                                    

*Kaz's POV*


"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" tanong ni Roger sa akin.

"Nandito na tayo," bumuntong hininga ako, "it is now or never."

"Mahal mo na ba?" tanong niya ulit.

"Ano?" napabaling sa kanya ang tingin ko.

"Tinatanong ko lang kung natutunan mo na ba siyang mahalin dahil pwedi nating totohanin ang kasal," nakangiti niyang saad.

"Gusto ko lang siyang mapasaya. Para ganun lang, mahal na agad?" inirapan ko siya.

"Hindi mo gagawin ang lahat ng ito kung hindi siya ganun ka-espesyal para sa'yo,"  pamimilit ni Roger.

"She is special but not the kind of special that you are implying," matabang kong sagot.

"Sige na nga, pero bakit?" tanong niya ulit, "bakit kailangan mong gawin 'to sa kanya?"

"Dinala ko siya sa sitwasyong ito," sumandal ako sa sofa saka napatingala, "pakiramdam ko nakulong siya sa isang kasunduan kaya hindi siya makapagpamuhay ng normal.  I want her to enjoy being a woman. Ayokong pagsisihan niya ang mga araw na nagging bahagi ako ng buhay niya."

"Masasaktan pa rin siya kung hanggang kapatid pa rin ang turing mo sa kanya," malungkot na saad ni Roger.

"Sinusubukan ko naman, di ba?" sagot ko.

"Iba ang sinusubukan sa ginagawa," saad ni Roger, "subukan mong tigilan ang pagmanman at paghihintay kay Patricia."

"Hindi madali pero pinipilit ko," mahina kong sagot.

"Paano kung mahulog siya at hindi mo pa rin siya kayang saluhin?" nag-alalang tanong ni Roger.

"Excuse me," tawag sa amin ng receptionist, "Pwedi na po kayong pumasok sa opisina ni Mr. Sy."

Hindi ko na nasagot si Roger dahil agad kaming tumayo at tinungo ang opisina ni Mr. Sy. 

"Good afternoon, Mr. Sy," bati ko sa isang lalaking prenteng nakaupo sa kanyang swivel chair.

"Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong niya.

Hindi ko pinahalata na kinabahan ako.  Ang totoo, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya pero umaasa ako na bubuksan niya ang kanyan puso sa sariling anak, "I am here to talk about Viv," sagot ko.

"Kung ang pagpapakasal niyo ang pag-uusapan natin, hindi na kailangan.  Nakausap ko na ang asawa ko kaya pumayag na ako sa kasal-kasalan ninyo," saad niya habang pinaikot ang swivel chair.

"It is not just about the wedding," saad ko, "It is about Vivienne."

"Matigas ang ulo ng batang yun," sinabi niya habang hindi lumingon sa akin.

"Baka hindi niyo lang siya naintindihan," pagtatanggol ko.

"Si Vivienne," hinarap niya ako, "she does what she wants, she never listens and she never compromised.  She challenges rules and she is so childish. She –"

"She is your daughter who thirst for your appreciation and hungered for your approval," putol ko sa kanya.

"Ilang buwan mo lang ba nakilala ang anak ko?" tanong niya sa akin, "isa, dalawa, anim? Kahit sabihin mong isang taon mo siyang nakilala, ako pa rin ang ama niya.  I know her since birth," pagmamalaki niya.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon