Action 19 - Signed, Sealed and Delivered

100K 2.1K 188
                                    

*Kaz's POV*

Pilit ko mang pakalmahin ang sarili ko, hindi pa rin nawawala ang pangamba na baka mali itong ginagawa ko. I should be there. I should stop the wedding but I am here in the airport, helplessly waiting for the unknown. Tatlong oras na lang, aalis na ako ng Pilipinas.

"Pare," lumapit si Dee-lan, "kape ka muna."

"No, thanks," pagtanggi ko.

"Relaks ka lang," tapik niya sa balikat ko, "magiging maayos din ang lahat."

"Sana nga," saad ko, "sabi nga nila all things work together for good."

"Yeah, all things work together for good," saad ni Dee-lan bago uminom ng kape habang nakita ko naman si Roger na papalapit na sa amin.

"Roger," tumayo ako, "ano ang balita?"

"Sa mga oras na ito," tumingin si Roger sa relos, "idinadaos na ang kasal."

"Wala ka bang balita tungkol kay Vivi?" tanong ko.

"Okay lang daw siya," nagkibit balikat ang kausap ko.

"Hindi ba siya umiyak? Nagtangkang tumakas? Tumutol?" tanong ko. Alam kong hindi yun pwedeng gawin ni Vivi kasi makakasira yun sa plano pero may parte sa akin na umasang tumutol siya sa kasal.

"She complied," walang emosyong saad ni Roger kaya tumango na lang ako.

"Libra," narinig kong saad ni Roger habang hawak ang cellphone niya, "I am leaving for good. I guess this is good bye," napalingon ako kay Roger.

"Hindi mo ba naayos ang problema niyo?" nag-alala kong tanong.

"Ayaw na niyang makipag-ayos," malungkot na saad ni Roger, "lalo na ngayong wala kaming anak."

Hindi na ako kumibo. Alam kong mabigat pa ang loob ni Roger. Walang nakitang tibok ng puso ang ipinagbubuntis ni Libra kaya wala silang nagawa kundi ang gawin ang induced abortion kaysa malason si Libra. This tore them apart. Ang masaklap, nalaman ni Libra na buntis si Louwinsky kaya ipinagtutulakan niya si Roger na habulin si Louwinsky.

"I'm sorry, Pare," tinap ko ang balikat niya.

"Tanggap ko na," saad niya habang ipinasok sa bulsa ang dalang cellphone, "may mga bagay sa mundo na kahit gaano mo ito kagusto, kung hindi para sayo, hindi talaga magiging sayo."

Nakaramdam ako ng konting kirot sa puso nang marinig ko ang sinabi ni Roger. Parang hindi ito matanggap ng sistema ko kaya napahinga ako ng malalim saka mariing ipinikit ang mga mata ko. Sana nga tama itong ginagawa ko. Kahapon ko pa gustong tawagan si Vivi pero alam kong hindi pwede at baka lalong magkakaproblema pa kung sakaling pilitin ko ang gusto ko.


*Vivi's POV*

Hindi ko man aminin, alam kong nararamdaman ni Angelo ang bigat ng loob ko habang nagpatuloy ang seremonya ng kasal. Ramdam ko rin ang mabibigat na hininga ni Angelo na para bang habang dumadaan ang oras ay parang aatras na rin siya.

"Bago ko ituloy ang seremonya," nilibot ng pari ang paningin sa mang panauhin sa simbahan, "may tumututol ba sa kasalang ito?"

Bahagyang tumigil ang paghinga ko sa pag-asang sana marinig ko ang boses ni Kaz. Sana dumating siya at ipatigil ang kasal. Sana, kahit ngayon lang, magpakatatag siya para ipaglaban ang sinasabi niya pagmamahal sa akin. Ngunit nabigo ako. May ilang sandaling katahimikan bago sinabi ng pari na ipagpapatuloy ang kasal. Gusto ko mang pigilan ang pamumuo ng aking mga luha ay hindi ko magawa hanggang sa tuloyan na itong tumulo.

"Angelo?" pasimple kong pinunasan ang luha ko habang hinarap ko si Angelo, "tatanggapin mo ba si Vivienne Charmaine bilang iyong asawa?" namanhid na ata ako dahil hindi ko man lang maramdaman ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon