Lights 4 - This Is It

133K 3K 277
                                    

Please like the Adonis Series Fanpage on facebook at   https://www.facebook.com/AdonisSeries?fref=ts

Or join us at   https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/

*Kaz’s POV*

Ngayon ang pangalawang araw ng pagpapanggap namin ni Viv bilang magnobyo.  Dahil sinamahan niya ako sa fan’s day ko kahapon, naisipan ko na siya ang magdedesisyon kung saan kami pupunta para sa unang official date namin bilang kunwari magnobyo.

So where do you wanna go?” tanong ko sa kanya bago kami lumabas sa kotse.  Dahil date namin ito, hindi namin kailangang isama sina Louwinsky at Roger.  Our main goal is to simply be seen together in public.

Niyaya mo ako ng date pero wala ka palang plano?” nakasimangot siyang sumagot.

Sinamahan mo ako buong araw kahapon kaya naisip ko na gagawin natin ngayon kung ano ang gusto mong gawin.  So,” lumingon ako sa kanya at agad kong nakita ang pagsilay ng ngiti niya, “ano ang gusto mong gagawin natin ngayon?

Ahm,” inilagay niya ang isang daliri sa baba at umaktong nag-isip, “alam ko na!” humarap siya sa akin na parang batang excited,”showing ngayon ang ’Clown’ manood tayo ng sine.

Clown?” napakunot ang noo ko sa sinabi niya.  Sa lahat ba namang pwedeng panoorin, yan pa talaga ang papanoorin?

Tsk, napakaisip bata,” bulong ko nang pinaandar ko ang sasakyan.

Anong isip bata?” inirapan niya ko, ”hoy Kengkoy, huwag mo nga akong asarin ngayon.  Swerte ka nga kasi sa ganda kong ’to, nakipagdate ako sayo.

Hahaha!” natawa ako, ”Maganda ka nga.  Yung kagandahan mo ay parang hangin, feel na feel mo pero hindi naman makikita.”

Alam mo Kengkoy?” sagot niya sa banat ko, “Sa lahat ng salita sa mundo, IKAW lang ang gusto ko,” sabi niya habang binigyang diin ang salitang ”Ikaw.”

Sinasabi ko na nga ba gusto mo ako,” natatawa kong saad.

Asa ka pa!” tumawa siya ng malakas, ”nagrerehearse lang ako baka kasi may mag-interview sa atin mamaya.

Hinay-hinay lang Thesis,” seryoso ko nang pinagbuksan ko na siya ng pinto, “all jokes are half-meant. Baka sa kaiisip mo sa akin, mahuhulog ka.

Asa ka namang mahuhulog ako sayo,” sagot niya na nagpatawa sa akin.

Nasa labas na tayo ng kotse,” saad ko sa kanya, ”hawakan mo braso ko at magsimula ka nang umarte.”

Napansin ko ang pagbuntong hininga niya saka ngumiti ng matamis, ”Kengkoy,” saad niya sa malambing na boses, ”Nood na tayo ng ’Clown,’ sige na please.”

Sige, pero sa isang kondisyon,” tumingin ako sa kanya, ”hindi ka mapipikon kahit anong sabihin ko sayo ngayong araw na ’to.

Ngumiti siya ng mas malapad at itinaas ang isang kamay, ”I swear, hahayaan kitang aasarin ako basta’t manood na tayo ng ’Clown.’

Sabi mo ha,” saad ko saka nagpatuloy sa paglakad.

Yung ngiting suot ko ay biglang nagbago nang marating namin ang sinehan at nakita ko ang poster na papanoorin namin. 

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon