51. Dreizen

10.6K 378 104
                                    

So dapat Thursday ang update. Pero anyare diba? Yung feeling na ang hirap isulat nito, mas mahirap pa sa inaakala 'ko! Nahirapan talaga ako. Sorry kung ngayon lang din ang update,ang busy lang. New cover pala. Okay lang? Hihi thank you guys! Love you!!

//

#TeamBabe #CTFT


"Ang sarap mo talaga, tangina, hindi ako makapaghintay na tikman ka!" Sabi ng isang lalaki sabay hawak sa dibdib 'ko. Gusto kong sampalin siya, gusto kong saktan siya, gusto kong patayin siya pero wala akong magawa kundi ang umiyak at magmakaawa na tigilan na nila ito.


"Tangina sana lang talaga hindi na makarating sa oras iyong gagong 'yon para alam na diz!" Sigaw naman ng isa habang nakakatitig sa akin. Sa tingin pa lang nila ay nakakatakot at nandidiri na ako. Ang kakapal ng mukha ng mga ito, makatakas lang talaga ako dito, ipapasigurado 'ko na wala ni isa sa kanila ang makakaalis sa kulungan.


Kanina pa ako iyak ng iyak dahil pakiramdam 'ko ay ang dumi dumi 'ko ng babae. Kanina pa ako pinagkakatuwaan ng mga tauhan ng lalaking iyon at ang "boss" nila ay walang ginawa kundi manood at ngumiti sa ginagawa nila sa akin. Tinanggal pa nila ang pagkakatali ng paa 'ko para kung anu-anong parte pa ng katawan 'ko ang mahawakan nila, at ako.. Akong nababasatos ay walang magawa para sa sarili 'ko.


Masakit kasi nangyari ito ng wala akong laban. Napaka walang kwenta 'ko, kahit sarili 'ko ay hindi 'ko nagawang ipaglaban.


Wala na akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak. Tumigil lang sila sa pangbababoy na ginagawa nila ng biglang nag-salita na ang boss nila. Kahit na lumayo na sila ay patuloy pa din ako sa pag-iyak. "Tama na 'yan. Isang minuto na lang, kapag wala pa yung gagong 'yun, pagsasawaan niyo din 'yan."


Isang minuto na lang at wala pa din siya. Alam niya na siya lang inaasahan 'ko para makatakas ako dito, pero mukhang hanggang dito mabibigo pa ako.


"Ang sasama ng ugali niyo." Mahinang bulong 'ko habang patuloy lang ako sa pag-iyak. "Mamatay na kayo!" Malakas na sigaw habang umiiyak. At kagaya ng nangyari kanina ay patuloy lang sila sa pagtawa sa akin, na para bang lahat ng ito ay malaking biro lang para sa akin.


Lumapit ang "boss" nila sa akin at ngumiti. "Pwedeng-pwede na akong mamatay kapag nakapaghiganti na kami sa gagong 'yun." Nagtawanan na naman sila pagkasabi niya 'non. "Pero alam mo kung ano ang mas mabuti?"


Yumuko siya at hinawakan niya ng sobrang higpit ang mukha 'ko. Wala naman akong magawa kundi ang tumitig lang sa lalaking ito at panoorin kung gaano siya kasamang tao. Pinakita na naman niya ang nakakatakot niyang ngiti sa akin bago siya lumapit sa akin. Pinilit kong umiwas pero mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa mukha 'ko. "Kung pati siya, mamamatay."


Hindi 'ko alam pero kung natatakot ako ngayon, hindi 'ko na maipaliwanag yung nararamdaman 'ko nang sinabi niya iyon. Alam 'ko may hidni nagawang mabuti si Jared sa akin, kaya ngayon lumalayo ako pero hindi bakit ang sakit isipin na kahit kailan ay hindi 'ko na siya makikita pa?


Umiling-iling ako habang patuloy lang ako sa pagiyak. Takot na takot ako dahil alam kung hindi imposible iyon. Sa itsura pa lang ng lalaking ito ay mukhang madami na siyang nagawang hindi mabuti at kasama na doon ang pagpatay ng ibang tao.


"Bakit parang takot na takot kang mamatay siya? "Hindi ba ito yung gusto mo? Wag mong sabihin na pagkatapos ka niyang lokohin at gamitin hahayaan mo na lang siya?" Natatawang tanong niya sa akin bago siya umayos ng upo. Oo gusto kong masaktan si Jared. Gusto kong maranasan niya iyong mga bagay na ipinaranas niya sa akin, gusto kong mahirap siya, gusto kong masaktan siya ng sobra sobra. Pero kahit kailan hinding hindi 'ko hihilingin na sana mamatay siya. Kasi kahit gaano kasakit yung ginawa niya sa akin, siya pa din iyong taong nakasama 'ko sa mga magagandang alaala na ikkwento 'ko sa kapag tumanda na ko. Kasi kahit nasaktan ako, alam 'ko si Jared ang first love 'ko.


Umiling na lamang siya bago tumingin siya sa relo niya. "Okay last 10 seconds. Magdasal dasal ka na, dahil mauuna ka sa aming lahat kapag hindi pa siya dumating.. Okay, Time's---"


Nagulat na lang kami ng biglang kumalabog ang malaking pinto, agad na pumasok doon si Jared. Halata sa kaniyang mukha na pagod na pagod na siya, pero nandito pa din siya. Pinuntahan niya pa din ako. Ililigtas niya ako.


"Magpasalamat ka, Kira. Sumakto sa oras ang gagong 'to, dahil kung hindi, siya mismo ang makakasaksi kung paano ka namin bababuyin." Malakas niyang sabi bago siya tumawa. Sigurado ako na rinig na rinig iyon ni Jared.


Patakbo siyang pumunta sa kinaroroonan namin. Malayo pa lamang ay kitang-kita 'ko na ang pagtitig niya sa akin, hindi 'ko mabasa iyon pero kitang-kita 'ko ang galit sa mata niya. Wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak.


Kitang-kita 'ko ang galit sa mata ni Jared nang tumingin siya sa "boss" nila na nasa harap niya. Inabot niya ang isang case sa lalaki sa harap 'ko. "Nandyan na lahat ng kailangan mo, Dreizen. Walang mga pulis. Ako lang. Putangina, palayain mo na si Kira." Matigas at punong-puno ng galit ang boses niya.


Ngumiti si Dreizen bago kinuha ang case mula sa kamay ni Jared. Iniabot ni Dreizen iyon sa kaniyang mga tauhan at nakita kong puno gn pera ang laman ng case na iyon. "Okay boss, kumpleto." Sigaw ng isang lalaki sa boss niya.


Ngumiti si Dreizen kay Jared. "Mabuti naman at marunong ka ng tumupad sa usapan ngayon, Jared?" Tumawa-tawa pa ito at dahan-dahang lumapit kay Jared. "At dahil ayos naman tong usapan natin.. Ano pang hinihintay mo? Ikaw na ang magpalaya sa prinsesa mo. Wag kang magalala, tutupad din ako sa usapan natin. Kailangan 'ko lang naman ang pera mo." Tumawa pa siya bago sila tumabi sa isang gilid kasama ang tauhan niya.


Hindi 'ko alam pero bakit pakiramdam 'ko may masamang mangyayari pa din?


Wala na sinayang na pagkakataon si Jared, tumakbo agad siya papunta sa akin at agad na hinalikan ang noo 'ko. Gusto kong magpasalamat pero hindi 'ko magawang magsalita dahil sa pagiyak 'ko. "Are you okay? I love you Kira." Paulit ulit niyang bulong sa akin habang tinatanggal ang tali sa kamay 'ko, pero hindi 'ko magawang tumitig sa mata niya dahil pinapanood 'ko ang bawat kilos ng lalaki sa likod niya.


Napatingin lang ako kay Jared ng may ibinulong ulit siya sa akin habang tinatanggal ang pagkakatali ng aking kamay, "Makakaalis din tayo dito."


At sakto naman sa pagtanggal ng tali sa kamay 'ko, pagkabalik ng tingin 'ko sa mga lalaking nasa likod ni Jared ay ang pagtapat ng baril sa direksyon kung nasaan si Jared.


"..Pero wala naman sa usapan natin na bawal bumaril." Pagkasabi noon ni Dreizen ay agad agad kong itinulak si Jared dahilan para ako mabaril. Ramdam na ramdam 'ko kung gaano kasakit ang pagbaon ng bala na iyon sa katawan 'ko. Pero kahit papaano ay masaya ako na ako ang nakaramdam nito at hindi si Jared.


Naramdaman 'ko na lang ang malamig na simento nang bumagsak ako. Hindi 'ko alam kung epekto lang ba ito pero naramdaman 'ko pa na may humawak sa kamay 'ko at maliban doon may patak na tumulo sa bandang pisngi 'ko. "Babe please wake up.."


Hindi 'ko na magawa pang buksan ang mata ko, para bang may kung ano na bagay ang kumukuha ng lakas 'ko na pati ang pagdilat ay mahirap ng gawin. Ilang sandali ay may malakas na putukan na naman akong narinig hanggang sa naging sunod sunod na iyon.


Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon