17. Bakit

31.4K 696 36
                                    

Ako? Inlove? Talaga? Totoo ba 'yun? Todo na?!

Hindi 'ko alam kung totoo bang inlove ako. Hindi 'ko alam kung love na ba tong nararamdaman 'ko. Ngayon 'ko lang naramdaman 'to at sobrang nakakairita, kay Jared pa. Hindi ba pwedeng sa ibang tao na lang? Pwede naman si Zeo! Pero bakit ito pang si Jared?

Bakit si Jared pa na sigurado naman akong pagttripan lang tong nararamdaman 'ko? Leche talaga.

Simula nung araw na 'yun, di na ako nag-open ng cellphone 'ko, dahil alam kong wala namang importanteng tawag dun at wala din namang pakialam yung mga kaklase ko kung wala na akong phone, hindi na din ako nag-open ng facebook at umiiwas na ako kay Jared. Ayaw 'ko kasi. Pwede pa naman sigurong pigilan 'to, 'di ba? Ayaw 'ko. Hindi pwedeng mainlove ako sa unggoy na 'yun! HINDI PWEDE.

Buong araw akong asar na asar kasi lahat sila, napansin na nag-bago yung itsura 'ko. Ayos na sana sa akin yung isang beses na sabihan nila ako ng 'Wow, Kira, ang ganda mo ngayon ah!' pero bwisit, kailangan bang paulit-ulit? Kailangang hawak-hawakan yung buhok 'ko? Yung totoo? OH ITO NA YUNG BUHOK KO. Magpalit ka na lang kaya tayo? Nakakainit ng blood. Seryoso. Hindi rin kasi akong sanay na nilalaro-laro yung buhok 'ko, naiinis lang ako kapag ganun. May kaniya-kaniya naman kasi tayong buhok diba?

Nakasimangot akong lumabas ng room kasi hindi pa din ako nakakain, dahil sa tambak-tambak na pinapasa ng isa naming teacher. Lalo lang ako naasar. "Hoy, ateng? Saan ka pupunta! May groupings pa tayo 'no!" Narinig ko'ng sigaw sa akin ni Maegan.

"Ano? Send mo na lang sa gmail 'ko gagawin!" Sigaw 'ko habang sumusulyap sa likod 'ko. Maliban kasi sa pagiging gutom 'ko, kaya ako nagmamadali kasi nagugutom ako. Tapos ngayon pa umepal tong si Maegan. Mamaya, nandito na naman yung Jared na 'yun. "Dali na, mauna na ako! Mamaya may unggoy na maglalakad dito!"

Bumuntong hininga si Maegan. "Gaga ka talaga, Kira! Tingin mo ba mawawala yang nararamdaman mo kapag iniwasan mo ng ganyan si Ja---" Bago pa niya matuloy yung sinasabi niya, tinakpan 'ko na agad ang bibig niya at hinampas siya ng libro. Ang ingay ingay talaga ng babaeng 'to! Pano na lang kung malaman ng kababaihan to?! Nakakahiya.

"Ingay mo! Bahala ka na dyan! Babye!" Nagmadali akong tumakbo papunta sa hagdan. Sana hindi 'ko makita si Jared. Sabi ng isa kong kaklase kanina nung breaktime pumunta daw si Jared sa room. Mabuti na lang at Sana hindi. Sana hindi. Hindi. Hindi. Hind--

Nagulat na lang ako nung may dalawang lalaki ang humawak sa dalawang kamay 'ko. Shit. Patay na ako nito. "Bitawan niyo nga ako! Ang papanget niyo!" Singhal 'ko habang kumakawala sa hawak nila.

Pero dahil nga malakas sila, wala na din akong nagawa. Dinala nila ako sa parking lot at nakita 'ko na si Jared na mukhang inip na inip na doon. Nakakunot na naman ang noo niya habang nakatitig sa akin. "Bakit ngayon lang kayo, mga ungas kayo!" Sigaw niya sa dalawang panget na kumuha sa akin.

"Boss, ang hirap hanapin nito eh!" Sigaw nilang dalawa at binitawan ako. Lalo lang atang uminit ang ulo 'ko nung nakita kong bumakat pa ang kamay nila sa braso 'ko. Namumula pa tuloy ngayon. Mga leche talaga!

Tumingin sa akin si Jared at sigurado akong mainit na naman ang ulo ng isang 'to. "Nung isang araw mo pa akong pinapahirapan! Saan ka ba nagpupupunta?!" Sigaw niya din sa akin. Ang kapal talga ng mukha ng unggoy na 'to, sinsigaw-sigawan lang tong ganda 'ko?!

"Eh sira din pala ulo mo, no? Tingin mo sakin? Laruan mo?! Na tuwing kailangan mo, kukunin mo na lang tapos kung anu-anong ipapagawa mo sa akin!? May buhay din ako Jared! Kung akala mo sayo lang umiikot ang mundo 'ko, pwes hindi! May ginagawa din ako! Pakyu ka pala eh!" Hindi 'ko na talaga napigilan. Naiinis ako sa kaniya na parang gusto 'ko na lang suntukin bigla yung mukha niya, naiirita ako sa mga nangyayari sa buhay 'ko at nagugutom na din ako!

Napatingin ako sa kanya at nagulat na lang ako nung bigla siyang naglakad papalapit sa akin. At ang mas nakakagulat pa nun hinawakan niya ang kamay 'ko ng sobrang higpit at hinila papunta sa sasakyan niya, pinagbuksan niya pa ako ng pinto. "Sakay."

Humarap ako sa kanya at tinulak siya, ito na naman siya. Tingin niya ba talaga sa akin, isa sa mga hibang na babae niya na kahit anong sabihin niya gagawin? "Ayaw 'ko."

Napa-ngisi siya sa sagot 'ko at napailing. At pag-titig niya sa akin ay seryoso na ang mukha niya at sigurado akong onti na lang talaga, maasar na 'to. "Sasakay ka o ako pa ang magsasakay sayo?"

"Ano ba, Jared. Mas gagawin pa ako! May pinapagawa pa sa akin si Mae--Ahhhh! Faaaaaaahk, ibaba mo ako! Unggoy ka talagang leche ka!" Para siguro akong tanga na sumisigaw dito sa Parking lot. Pano ba naman kasi bigla na lang niya akong binuhat. Yung parang pang-kasal na buhat. "Isa, Jared! Ibaba mo ako dito! Leche ka talaga!"

Nakita kong binuksan niya ulit yung pinto at pinasok ako doon. "Ang dami mong arte." Sigaw niya bago isinara yung pinto. Inayos 'ko pa muna yung damit 'ko dahil medyo nagulo at lalabas na dapat pero nagulat ako nung biglang umandar yung sasakyan.

"Jared, ano ba?!" Malakas kong sigaw at wala na akong nagawa kundi isara na lang ang pinto. Nakasimangot pa din ako habang nakatitig ng masama sa kaniya. Naiinis kasi talaga ako.

Ganun lang ba yung halaga 'ko? Sa kaniya? Ako lang ba talaga yung babaeng pagt-tripan at gagamitin niya lang kapag wala na siyang magawa? Ganun lang ba? Aba, leche. Ang ganda ko naman masyado para sa ganon 'no!

Akala ko makikisabay siya sa galit 'ko, pero nagulat ako nung bigla siyang tumawa. "Bumagay talaga sayo yang buhok mo." Hindi 'ko alam kung bakit biglang parang nawala ako sa sarili 'ko sa sinabi niya. Parang biglang nawala yung galit at gutom na nararamdaman 'ko at parang ang tanging nararamdaman 'ko lang ngayon ay ang pamumula lang ng pisngi 'ko.

Nung napansin ko'ng natahimik ako ay wala akong ibang nagawa kundi ang mahampas siya ng malakas sa braso niya, "B-Baliw ka!" Singhal 'ko habang umiiwas ng tingin sa kaniya.

"Dammit! Ang sakit non! Pinuri ka na nga, ang arte mo pa!" Sigaw naman niya. Dapat ngayon naasar ako sa kaniya, pero hindi 'ko alam kung bakit parang bigla ko na lang gustong ngumiti. Sheet talaga, bakit ba parang palabo ng palabo ang buhay 'ko?!

Pakiramdam 'ko, para akong tanga na walang ka-alam alam sa nangyayari sa akin. Hindi 'ko alam kung nahulog na ba talaga ako o nahuhulog pa lang o.. Ahh! Onti na lang ata, mababaliw na nga yata ako.

"Ano bang gusto mong gawin?!" Pag-iiba ko ng usapan, ayaw 'ko ng ganito. Mas lalo lang ako naguguluhan.

Napansin ko'ng ngumisi muna siya bago siya sumagot. "Ida-date ka." Mas lalo ata akong namula at nagmukhang kamatis sa sinagot niya. Umiling na lang ako at tumingin sa labas para di niya makita ang itsura 'ko. Leche talaga.

Nakakainis ka, Jared. Gago ka talaga. Bakit ka ba kasi ganito, ha?

Bakit ka ba kasi gumagawa ng paraan para mas lalo pa akong mahulog?

//

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon