39. Letter

25.1K 588 43
                                    

#TeamBabe

//

Nung nakita kong nakapikit na si Jared habang hinahalikan ako, ginamit 'ko na ang pagkakataon na 'yun para itulak siya ng malakas at lumayo sa kaniya. Nakita kong magsasalita pa siya, pero inunahan na siya ng kamay 'ko.

Yep, I slapped him. I slapped him HARD. Kung puwede nga lang bumakat ang kamay 'ko sa mukha niya, gagawin 'ko. Para lang maalala niya yung gniawa niya sa akin. Ang kapal ng mukha niya.

Hindi 'ko alam, pero habang hinahalikan niya ako, doon 'ko din naisip na mali eh. Maling-mali.  Kasi puso 'ko na naman ang pinairal 'ko, na laging mali sa akin. Kaya this time, kahit masakit dapat gawin 'ko kung ano yung tama. Hindi pwedeng palagpasin 'ko lang yung ganito.

 Kitang-kita 'ko ang sakit sa mata ni Jared at hindi 'ko itatanggi na nasasaktan din ako kasi nasasaktan siya. Pero kasi, hindi 'ko ginawang bawiin ang ginawa 'ko. Oo, may kung ano sa akin na gustong yakapin siya at mag-sorry sa kaniya.

Ako ba? Naisip niya bang masasaktan ako sa ginawa niya? Hindi manlang niya naisip yung mararamdaman 'ko sa mga ginawa niya. Alam niya namang gusto 'ko siya diba? Pero ginawa niya pa din, pinili niya pa ding saktan ako.

"Tigilan mo na ako, Jared." Pinunasan 'ko ang luha 'ko, pero nakakatawa kasi hindi 'ko manlang agad naisip na wala ding use iyon dahil umuulan pa din. "Kung niloloko mo ako, okay na please lang. Nagawa mo na. Masaya ka na ba? Congrats, lalo ka lang naging gago sakin."

Lalapit pa dapat siya sa akin pero lumayo na ako. "I chose to be with you, that even though I'm fucking tired right now, dumaan pa din ako. Dumaan ako just to make you happy! But you? You chose to break my heart.." Umiling ako at yumuko, pakiramdam 'ko kasi parang tinuturok ng kung anong matulis na bagay ang puso 'ko ngayon. Sobrang masakit. "I'm really disappointed, Jared."

Umiling-iling ako bago ako tumalikod at nagsimulang maglakad. Mabuti na lang din at hindi na ako sinundan pa at tinawag ni Jared, mas mahirap kasi eh. Hindi alam ng lalaking 'yun kung gaano 'ko siya kamahal. Na kahit siya ang may kasalanan ng sakit na nararamdaman 'ko ngayon, kayang-kaya 'ko pa din siyang balikan.

Ewan 'ko ba pero kahit ako, sobrang naaawa na din kasi ako sa sarili 'ko. Ganun na ba ako kawalang-kwenta na kahit nandoon na ako, kailangan may iba pa? Hindi pa ba ako sapat? Hindi 'ko din alam kung paano ako nakauwi sa bahay ng ganito ang itsura 'ko.

"Susmaryosep! Ano namang nangyari sa'yo, nak? Para kang ni-rape! Tingnan mo nga yang itsura mo?! Juice colored! Shampoo na lang ang kulang, Nak! Nako, ayos ka lang ba?" Tanong niya habang tinitingnan pa din ang itsura 'ko ngayon.

Dahan-dahan akong tumango at pinilit na lang na ngumiti, "Ayos lang. Pahinga lang ako, Ma."

Pagtapos ng nangyaring 'yun, nakakatuwa kasi nilagnat din ako. Sinabi ni Mama na pumunta din si Jared, pero hindi 'ko siya pinansin at hidni din ako lumabas ng kwarto 'ko. Dahil din sa nangyaring 'yun nag-away kami ni Mama, nalaman niya kasing nag-away kami, at nagagalit pa siya sa akin dahil hindi 'ko daw binibigyan ng chance si Jared na magpaliwanag. Pero nagkaayos din naman kami ni Mama.

Lumipas na ang two weeks, pero hindi 'ko pa din pinapansin si Jared. Nagtetext siya sa akin at tumatawag minsan, pero hindi naman ako sumasagot sa kahit ano doon. Minsan nakakasalubong 'ko din siya sa school, nakikita kong gusto niya akong kausapin pero ako talaga ang kusang lumalayo at mukhang naiintindihan naman niya ako.

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon