27. Babe

26.4K 612 23
                                    

Simula nung araw na iniwan 'ko si Jared sa sasakyan niya, hindi na kami naging katulad nang dati. Tuwing lumalapit siya sa akin, umiiwas ako. Tuwing nakikita 'ko siya, iiba ako ng daan. Laging ganun. Masakit, oo. Pero sa simula lang siguro iyon diba? Kasi masasanay din naman ako.


Pero iba talaga si Jared. Ibang klase din ang kakulitang taglay ng lalaking iyon. Kahit na hindi 'ko siya pinapansin, lagi siyang may iniiwan na ibat-ibang mga regalo, chocolates, bulaklak at kung anu-ano pa sa akin pero hindi 'ko iyon tinatanggap at ipinababalik kay Mama. Tapos siguro nag-sawa na ang loko kaya ngayon, pati si Mama at papa pinadadalhan niya ng regalo. Si mama naman, tuwang-tuwa.


"Alam mo ba anak, jeskelerd! Hulog talaga ng langit sa atin iyang batang si jared! Alam mo ba nung isang araw?! Ha?! Alam mo ba?!" Ma, hindi 'ko pa alam. "Nagpadala siya ng bulaklak at perero sa akin! Oo sa akin! Kasi sabi niya, kung wala daw ako aba wala ka din! Totoo naman iyon 'no! Aba kanino ka pa ba magmamana?! Syempre sa nanay mo ding diyosa!" Sabi niya sa akin habang kumakain siya ng chocolate sa kama 'ko noong sabado.


"Grabe ma ha?! Si papa din no! Puwedeng sa kaniya din ako nagmana!" Sagot 'ko habang sinusuklay ang buhok 'ko. Grabe kasi tong si Mama, kung makapagsabi, akala mo siya lang ang mag-isang gumawa sa akin!


"No no no, daaaaahling!" Tumatawa at maarteng sabi sa akin ni mama. Lalong kumunot ang noo 'ko. "Im 101 and one and one percent suuuuure na sa akin ka lang nagmana? Kasi iyong papa mong iyon?! Nako, panget iyon!" Sabi niya at tawa na naman ng malakas. "Kamukha ni bentong iyon nung kabataan namin, naawa lang ako kaya ganun! Tingnan mo naman daaaaahling! Mabait, maalaga at mapagmahal ako! Bonus na nga lang itong beauty 'ko!"


"Pero anak, nako ha?! Mukha namang mabait yan si Jared at mukhang hindi ka sasaktan! Kapag ganyan, wag mo ng pakawalan! Basta kapag alam mong mahal na mahal mo siya at alam mong siya na, wag mo ng pakawalan! Kung kailangan, ipaglaban mo! Basta anak, tandaan mo iyon ha? Wag na wag mong idadahilan sa akin na nasaktan ka o ano, kasi anak, kapag nagmahal ka dapat alam mo ng masasaktan ka. Kasi yang dalawang yan, magkakambal yan! Parang movie lang yan anak, ang boring kapag walang problema, kapag walang nasasaktan. Kaya kung may problema kayo ni Jared, wag agad bibitiw okay? Ayaw kong magsisisi ka sa huli!" Tumayo si mama sa kama at lumapit sa akin at hinalikan ako sa ulo. "Love you, nak."


Napangiti ako. Kahit na madals sabog at parang wala sa sarili tong nanay 'ko na 'to, the best pa din siya para sa akin. "Love you too, Ma."


Buong gabi akong ginulo ng mga sinabi sa akin ni Mama. Naiinis ako kasi alam 'ko sa sarili 'ko na lahat ng sinabi niya sa akin totoo. Pero may mali ba sa ginawa 'ko ngayon? Normal lang naman 'to diba? Kasi nasaktan lang din naman ako. Gulong-gulo na ako! Hindi 'ko na alam kung papansinin 'ko pa ba siya o ano. Kasi pakiramdam 'ko, niloloko na lang din niya ako.


"Maeg, please naman. Tulungan mo na ako!" Sabi 'ko kay Maegan, tinawagan 'ko siya ng 1 ng umaga dahil hindi 'ko na talaga alam ang gagawin 'ko. Pakiramdam 'ko kapag hindi ako nakapagkuwento, mababaliw na ako!


Narinig 'ko ang pagtawa ni Maegan sa kabilang linya. "Dammit, Kira. Baliw ka na! Baliw ka na talaga. Nakakaloka, parang dati yung mga project lang ang problema mo. Pero ngayon, lume-level up ka na! Problema na sa lalaki!" Tawa pa din siya ng tawa. Napairap na lang ako.


"Maegan ano ba!" Malakas na sigaw 'ko sa kaniya, tumigil naman agad siya sa pag-tawa. "Tumawag ako para humingi ng tulong sa'yo, hindi para lokohin ako. Okay?! Please, Maeg. Tulungan mo naman ako!" Kinagat 'ko ang labi 'ko.


Narinig 'kko ang pagbuntong hininga ni Maegan. "Okay, first question! Nasasaktan ka ba sa ginagawa mo ngayon?!" Um-oo ako. "Pero namimiss mo ba?!" Um-oo ako. "Pero mahal mo pa din ba?!" Dahan-dahan akong um-oo. "Gaga, edi patawarin mo!" Sigaw niya sa akin.


"Pero sinaktan niya ako, Maegan! Ganun-ganun na lang ba? Para kasing nabawasan yung tiwala 'ko kay Jared. Kilala mo naman ako diba, Maeg! At alam mo namang una kong manliligaw si Jared kaya hindi ako sanay sa mga ganito!" Sabi 'ko habang gumugulong-gulong ako sa kama.


"Edi patagalin mo! Pahirapan mo hanggang sa makakasigurado ka ng hindi ka na niya lolokhin! Kapag sumuko agad, edi ibigsabihin, walang kwenta ang sinasabi niyang nararamdaman mo sa kaniya. Tarayan mo na din at pahirapan mo! Kapag naasar iyan, dyan mo talaga malalaman ang tunay na kulay niyang lalaki na yan! Pero kung matibay at talagang di sumusuko, aba girl! Congrats! Asawahin mo na yan! Pero Kira, patagalin mo! Baka naman 2 araw lang. Aba juice ko, walang kwenta ang plano na to kung ganun lang din naman kabilis!"


Napaisip ako ng mabuti sa sinabi ni Maegan. Mukhang maganda ang plano niya. Sa lagay na iyon, malalaman 'ko kung seryoso ba talaga si Jared o hindi. Tama. Ganoon na nga ang gagawin 'ko. Hindi 'ko na muna susundin ang nararamdaman 'ko ngayon. Pipigilan kong huwag na lang munang hulaan ang mga bagay-bagay. Kasi alam 'ko namang tsamba lang iyon. Kaya kahit na nararamdaman kkong niloloko lang ako ni Jared ngayon, hindi 'ko na muna iyon papansinin.


Kinabukasan, natutulog pa ako pero nararamdaman 'ko na may humahaplos sa mukha 'ko kaya tinabig 'ko iyon. Walang pasok ngayon at inaantok pa ako! "Ang sungit talaga nito kahit tulog." Boses lalaki ang bumulong pero rinig na rinig 'ko iyon. "Good morning! Gising na, Kira Fate." Parang nagising ang buong katawan 'ko ng pumasok sa isip 'ko kung kaninong boses iyon.


Agad akong dumilat at nakita 'ko si Jared na nakaupo sa tabi 'ko. Ngumisi siya sa akin. "Good morning, baby. Breakfast in bed?" Aniya sabay kurot sa ilong 'ko. Lalong kumunot ang noo 'ko bago ako bumangon at hinampas siya ng unan 'ko.


"Anong ginagawa mo dito, leche ka!" Sigaw 'ko bago siya hinampas ulit. Tumawa naman ng malakas yung baliw.


"Para pakainin ka, payat mo kasi, babe!" Sabi niya sabay hawak ulit sa pisngi 'ko. Tinabig 'ko naman iyon.


"Wag mo nga akong ma-babe babe diyan! Hindi ako baboy! Bwiset!" Sigaw 'ko sa kaniya. "Umalis ka na! Matutulog pa ako!" Sigaw 'ko sa kaniya bago humiga ulit at nagbalot sa kumot 'ko. Kumunot ang noo 'ko nung naramdaman kong humiga siya mahigpit at yinakap ako ng mahigpit. "I really love your smell. Dammit. Nababaliw ako sa amoy mo." Bulong niya sa bandang tainga 'ko. Umikot ako at agad na sinipa ang big bird niya.


"Bastos mo!" Sigaw 'ko bago bumangon ng kama at tumakbo sa CR.

Manyak talaga tong hayop na 'to! Leche ka, Jared! Pahihirapan talaga kita sa plano 'ko! Pahihirapan kita ng sobra bago mo mabuo ulit ang tiwala 'ko.

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon