49. Always

18.4K 608 273
                                    

#TeamBabe #CTFT


"I like you na! Nako, kapag may mga problems ka or ano sa school, lumapit ka lang sakin!" Sabi ni Arcie bago kumagat sa pizza na hawak-hawak niya. Tuwang-tuwa siya kay Cloud dahil sa mga joke at kinikwento nito sa kaniya. 


Tumingin ako kay Cloud at nakita kong napatingin siya sa akin. Ngumiti ako at nag-thumbs up sa kaniya. Mabait naman kasi talaga tong si Arcie, maasahan mo talaga. Kaya nga lahat ata ng studyante dito sa Azlar High gustong-gusto siya. Pero hindi lahat ng studyante gusto niya, pumipili din ang isang 'to. 


Bakla kasi, kaya choosy!


"At ikaw na gaga ka?" Tanong niya sa akin at tinaasan 'ko lang siya ng kilay. Narinig kong tumawa si Cloud. "Ahitin 'ko yang kilay mo eh! Ang landi mo, yung Pulang 'yun pala ang target---" Bago niya pa matuloy yung sinasabi niya ay nilagyan 'ko na ng pizza yung bibig niya. 


"Ayan, para sa bibig mong mabaho ang lumalabas!" Sabi 'ko sa kaniya sabay tawa. Namiss 'ko din ang isang 'to.


Ilang minuto niya ding kinain yung pizza na ipinakain 'ko sa kaniya bago siya nagsalita ulit, "What? Bagong toothbrush kaya ako!" Sigaw niya pa sa akin kaya nagtawanan na naman kami. Dami talagang alam nito ni Arcie. 


Madami pa kaming napag-usapan pero nung nakita kong malapit na mag-five thirty ay nagsimula na akong mag-ayos, habang yung dalawa tuloy-tuloy pa din ang pag-uusap. Ito kasi yung gusto 'ko kay Arcie, magaling magpatakbo ng usapan, hindi talaga kayo mawawalan ng paguusapan kapag siya ang kausap mo. 


Habang nag-ayayos ako ng gamit sa bag 'ko ay bigla kong napansin ang cellphone kong umiilaw. 


0926139**** Calling. . . 


Sasagutin 'ko na sana yung phone 'ko pero bigla kong naalala kung kaninong number iyon. Kay Jared. Ang tanga 'ko din talaga minsan 'no? Pabura-bura pa ako ng number niya sa phone 'ko, kabisado 'ko naman yung number. Ano pang use 'non? Magpapalit na nga lang ako ng sim!


Binabaan 'ko siya at maya-maya ay nakita kong tumatawag na naman siya. Wala akong ginawa kundi ang babaan siya ng tawag. Ang kulit niya talaga 'no? Gusto niya ba talagang mas mainis lang ako sa kaniya?!


0926139****

Where the hell are you, Kira?! Reply asap!


Aba, ayaw talagang magpatalo ng isang 'to, ano? Hinayaan 'ko na lang yung text niya, pati yung mga tawag niya. Siguro nakaka-30 missed calls na siya pero hindi 'ko pa din sinasagot kahit isa doon. Ano pa bang kailangan niya?! Ano pa bang kailangan kong sabihin para lumayo siya? 


"Ang ganda mo ha, ang sikat na sikat na si Jared Chase Flinn tinatawagan ka, pero dedma ka lang! Sakin na nga lang yang buhok mo! Or gumupit ka na lang kahit onti lang tapos kabit 'ko sa hair 'ko! Baka may Jared na humabol sakin." Sigaw niya at pabiro akong sinabunutan.


"Oo, Jared na aso." Sagot 'ko sa kaniya bago tiningnan ulit yung phone 'ko na nagriring pa din hanggang ngayon. Narinig 'ko din ang pagtawa ni Cloud.

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon