13. Linds

32.2K 784 37
                                    

Pagkagising na pagkagising 'ko pa lang, tinaas 'ko agad ang kumot na nakabalot sa katawan 'ko. Napabuntong hininga naman ako nung nakita ko'ng ganoon pa din naman ang soot 'ko. Bigla namang pumasok sa isip 'ko ang sinabi niya kagabi: 'Maganda lang ang kinakama 'ko kaya wag ka ng umasa'.

Kumunot ang noo 'ko at hinawak-hawakan ang buhok 'ko. Panget ba ako? Hindi naman ako panget ah? Di lang ako nag-aayos! Pasimple ko'ng sinuklay ang buhok 'ko gamit ang kamay 'ko at dumiretso agad sa CR ng kwarto ni Jared. Katulad ng unit niya, sobrang linis din ng CR niya, kahit sachet ng shampoo o ano, wala ka manlang makitang nakakalat.

Nag-ayos muna ako at siniguradong walang kapintas-pintas sa itsura 'ko bago ako lumabas ng CR at ng kwarto niya. Nakita ko'ng kumakain na siya habang may babaeng nakaupo sa tabi niya, titig na titig at ngiting-ngiti habang pinapanood na kumain si Jared.

Hindi 'ko alam kung bakit bumilis na naman ang tibok ng peste ko'ng puso nung nakita ko'ng tumingin sa akin si Jared. "Eat." Walang ganang sabi niya sa akin habang tinuturo ang pinggan sa harap niya.

"Hindi ako gutom." Sagot 'ko bago dumiretso sa sofa at tiningnan ang phone 'ko na nandoon lang nakapatong. Nakakagulat kasi wala manlang text sa akin si Mama at parang kilalang-kilala na niya si Jared. Natigilan na lang ako nung nakita ko'ng may umupo sa maliit na table sa harap 'ko.

Kumunot ang noo 'ko habang tinitingnan ang shorts niya (na parang underwear na din sa sobrang iksi) at ang spaghetti strap niya na parang niliitan na ng kamag-anak niyaa dahil sa sobrang liit. Nakita ko'ng nakataas ang kilay niya habang nakatitig sa akin. "At sino ka namang makating babae ka?!" Singhal niya sa 'kin.

Bago pa ako sumagot naramdaman 'ko na agad ang kamay ni Jared sa balikat 'ko. Parang nanlamig ang buong katawan 'ko sa hawak niya sa akin. Shit. Ang weird na nito. Napatingin ako sa kanya at ganoon pa din ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Hindi mo mabasa-basa. "Let's go."

"Red, sino ba to'ng babae na 'to?! Bagong kalandian mo na naman?!" Singhal niya. Sino ba to'ng bungangera na 'to? Ang sakit niya sa ulo, seryoso.

"Shut the fuck up, Linds. Bahala ka na nga dito. Ang ingay mo!" Kinuha niya ang mga paper bags na nakalagay sa kabilang sofa at nauna ng lumabas. Sino ba to'ng Linds na 'to? Maid? May itsura naman siya, mahaba ang buhok, parang gatas ang balat at wala manlang kasugat-sugat o ano sa katawan kaya paanong magiging maid ang isang 'to?

Hindi 'ko na siya pinanasin at tumayo na lang. Paalis na dapat ako pero naramdaman ko'ng hinila ako ni Linds. "Hindi pa tayo tapos, tandaan mo 'yan." Sagot niya bago binitawan ang kamay 'ko. Ngumisi na lang ako at umiling bago naglakad palabas.

Ano bang problema ng babaeng 'yun? Na baka inaagaw 'ko si Jared sa kanya? Edi sa kanya na yung pulang 'yun! Para namang may gusto ako sa Pulang 'yun! Kadiri ah?

"Ang bagal mo!" Sigaw sa akin ni Red habang nakasandal sa loob ng elevator.

"Bagal mo. Lul!" Panggagaya 'ko sa kanya. Inirapan 'ko na lang siya at pumasok na sa loob.

"May sinasabi ka?"

"Wala!" Sigaw 'ko bago umiwas ng tingin. Umiinit lang ang ulo 'ko sa lalaking 'to! Ilayo niyo nga ako dito sa lalaking 'to! Nagiging makasalanan ata ako kapag kasama ko tong lalaking 'to!

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon