12. Ikaw

32.4K 777 50
                                    

Pagkababa 'ko ng cellphone, humarang agad ako sa harap ni Jared ng nakapamewang. "Hoy, unggoy! Ano na naman ang sinabi mo sa mama 'ko?! Anong boyfriend?! Ang kapal ng mukha mo, uy! Walang-wala ka pa sa kuko sa paa ng mga crush 'ko!" Sigaw 'ko.

Napatawa siya na parang hindi makapaniwala, "Sa gwapo ko'ng 'to, ayaw mo pa? Tomboy ka ba?" Tanong niya at tumawa.

"Anong tomboy! Ang kapal mo naman!" Sigaw 'ko.

Tumitig siya sa akin bago bumaba papunta sa dibdib 'ko ang tingin niya. Kumunot ang noo 'ko at agad na tinakpan 'yun. "Flatops ka din. Kung hindi ka tomboy, baka bakla ka?" Tanong niya. Sa sobrang bwisit 'ko kinuha 'ko yung unan na nasa paa niya at agad binato sa mukha niya.

"Bastos ka! Babae ako no!" Sigaw 'ko. Tumawa siya pero napatigil siya nung lumakas ang palakpakan na nanggagaling sa pinapanood niya sa TV.

"Tumabi ka nga, oy!" Sabi niya habang sumisilip sa TV. Ako naman, todo takip doon sa pinapanood niya. Hanggang sa nainis na ako at hinila 'ko sa plug yung TV. Tingnan natin kung makapanood ka pa. Bwisit! "What the fucking shit!" Malakas niyang mura. "Nung isang araw 'ko pa inaabangan 'yun! Shit naman! Ano bang problema mo'ng palengkera ka!?"

"Ikaw!" Sigaw 'ko. "Ikaw ang problema 'ko! Anong pumasok dyaan sa ulo mo at sinabi mo'ng girlfriend mo ako?! Aba, ang aga mo naman mangarap! Ang panget mo at hindi pa kita sinasagot no!" Sigaw 'ko pa. Pakiramdam 'ko biglang nawala yung sakit 'ko nung narinig ko'ng sinabi ni Mama na boyfriend 'ko to'ng unggoy na 'to.

Tumawa siya sa akin. At hindi 'ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa tawa na 'yun, parang sobrang mapang-akit ng tawa niya! "Edi tanggal ka na sa Azlar bukas?" Tanong niya habang naka-ngisi sa harap 'ko.

Kinagat 'ko ang labi 'ko at umiwas ng tingin. Shit naman kasi. Bakit ako pa? Ang dami-dami namang babae sa Azlar at gustong makipagpalit sa pwesto 'ko, pero bakit ako pa ang trip ng unggoy na 'to?! Lecheflan na buhay 'to. Napatingin ako sa kanya nung tumawa na naman ulit siya. "Wala ka ng choice, Suarez. Magiging girlfriend kita sa ayaw at gusto mo."

Aalis na dapat siya para pumunta sa kwarto niya, "Bakit ako? Ang daming babae pero bakit ako! Ayaw 'ko nga sayo eh, hindi mo ba maintindihan yun!?"

Nakaharap pa din ako sa likod niya at hindi manlang niya magawang humarap sa akin, "Kasi ikaw ang gusto 'ko." Ano daw? Hindi 'ko alam pero parang bigla akong nawala sa sarili nung sinabi niya 'yun. Bumilis ang tibok ng puso 'ko at parang bigla na lang akong mawawala sa sarili. "Wag ka ng choosy kasi hindi ka maganda."

Dumiretso na agad siya sa loob ng kwarto niya pero ako parang wala pa din sa sarili 'ko. Wala naman na akong pakialam kahit sabihin niya hindi ako maganda, wala naman kasi akong pakialam kung sa tingin niya sakin. At isa pa, sanay na ako sa panlalait ni Jared. Nung nagpaulan ata ng kasamaan ng ugali, sinalo lahat ni Jared.

Pero hindi talaga mawala sa isip 'ko yung una niyang sinabi ako ang gusto niya? Ayaw 'ko naman mag-feeling maganda (kasi sabi niya nga hindi) pero bakit ako?

Tumakbo agad ako sa kwarto ni Jared at kinatok 'yun. Narinig 'ko ang paglakas ng volume ng TV niya nung pagkatok 'ko kaya lalo ko'ng nilakasan ang katok. "HOY UNGGOY BUKSAN MO TO!" Sigaw 'ko katok pa din ako ng katok. Tinry 'ko ding buksan yung kwarto niya pero wala talaga. "JARED! BWISIT BUKSAN MO TO!" Sisipain ko na sana yung pinto kaso naisip 'ko, baka masira sayang lang yung pera namin kaya patuloy lang ako sa pagkatok.

"Matulog ka na!" Sigaw niya. Nawala na ang malakas na tunog na nanggagaling sa TV niya at nawala na din ang ilaw na nakita 'ko kanina sa bawat sulok ng pinto na kinakatukan 'ko. Kumunot ang noo 'ko at tiningnan ang buong unit niya. Saan ako matutuloy dito?!

Ang liit ng sofa niya at parang dalawang payat na tao lang makakaupo doon. Hindi nga ako makahiga doon tapos dito niya ako patutulugin? Bwisit, gwapo lang talaga to'ng si Jared pero wala talagang kabaitan na dumadaloy sa dugo niya. "Saan ako matutulog dito?!" Singhal 'ko.

Matagal pa bago siya mag-salita. "Itry mo sa CR!"

"Bastos! Ikaw kaya matulog sa CR! Bwisit ka talaga, Jared! Leche!" Sigaw 'ko. Narining 'ko ang malakas na tawa niya pero hindi 'ko na narinig na sumagot pa siya. Padabog akong naglakad papunta sa sofa at inisip kung paano ako hihiga.

"Wala talagang modo. Kainis!" Bulong 'ko sa sarili 'ko habang kinukuha ang unan na nasa kabilang sofa. Uupo na lang ako para matulog! Wala na din naman akong magagawa pa!

Uminom muna ako ng tubig bago natulog. Umupo lang ako sa sofa at pinatong ang paa 'ko sa maliit na table sa harap 'ko. Niyakap 'ko ang maliit na unan na nakalagay sa sofa at pinikit ang mata 'ko. Medyo nawala ang sakit ng ulo 'ko, pero medyo masakit pa din.

-

Medyo nakaramdam ako ng kakaiba sa may bandang tyan 'ko kaya nagising ako. Pagdilat 'ko, nakita 'ko si Jared na natutulog habang ang kamay niya ay nakalagay sa bandang tyan 'ko. Nakita 'ko din ang sarili 'ko na nakayakap sa kanya. W-wait.

"Aaaaah!!" Malakas ko'ng sigaw at natulak siya. Kamuntikan na siyang malaglag pero mabuti na lang at napahawak siya sa side table. Wala akong pakialam kung magalit siya. Anong ginagawa 'ko dito?! Diba sa sofa ako natulog?! Shit.

Nagmumurana si Jared sa tabi 'ko pero ang katawan niyang walang saplot ang napansin 'ko. What the.. Nanginginig pa ang kamay 'ko habang inaangat ang kumot na nakabalot sa katawan 'ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nung nakita ko'ng may damit pa ako. Pero bakit ako napunta dito?

"Maganda lang ang kinakama 'ko kaya wag ka'ng umasa." Kumunot ang noo 'ko at tinulak ulit siya. Ngayon ay nalaglag na talaga siya. "Shit naman, Kira!" Sigaw niya sa akin. Pero wala akong pakialam!

"Bakit ako nandito?! Ha?! Nakakainis ka!" Sigaw 'ko habang tinutulak-tulak pa din siya. Pati yung ibang unan ay nalaglag na. Pero hindi pa din ako tumitigil. Natigilan na lang ako nung nakita ko'ng seryoso na ang mukha niya. Tumayo na siya at pinagpupulot ang mga unan. Habang pinupulot 'yun, rinig 'ko na naman ang malulutong niyang mura.

"Mabuti nga pinatulog ka pa dito! Inaantok pa ako tapos para kang bata dyan! Tangina, umayos ka nga Kira!" Sigaw niya at humiga ulit sa tabi 'ko. Bigla akong kinabahan kasi sobrang sama talaga ng tingin niya sa akin. Nakatalikod lang siya sa akin ngayon kaya tumalikod na lang din ako.

Sobrang laki ng pagitan namin na parang masusunog kami pareho kung magka-dikit ang balat namin. Nakakainis kasi. Bakit ba kasi ayaw niya na lang sumagot ng maayos? Edi ibigsabihin binuhat niya ako dito? Bakit hindi 'ko manlang naramdaman!

Nagulat na lang ako nung bigla siyang nag-salita, "Tulo-laway ka pa. Gross."

Nanlaki ang mata 'ko at dahan-dahang kinapa ang gilid ng labi 'ko. Napapkit ako at nmahinang napamura sa kahihiyan nung naramdaman ko'ng meron nga. Shit naman. Hindi na lang ako sumagot at nagkunwaring tulog na lang.

Bakit ba madaming kahihiyan ang nangyayari kapag kasama 'ko ang unggoy na 'to?!

//

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon