10. What the hell

39K 769 46
                                    

Masasabi 'ko talaga na para akong tanga sa itsura 'ko ngayon habang nagsusuklay at tinitingnan ang replkesyon 'ko sa salamin. Hanggang ngayon ay hindi mawala-wala sa isip 'ko ang sinabi sa akin ni Jared. Kailangan niya daw ako maging girlfriend.

"Kailangan." Mahina ko'ng sabi sa sarili 'ko at nagpatuloy sa pagsusuklay ng buhok 'ko. "Kailangan hindi gusto!" Dagdag 'ko pa. Parang matatanggal na ang buhok 'ko sa ulo 'ko dahil sa sobrang panggigigil 'ko sa pagsusuklay. "PWEDE NAMAN AKONG TUMANGGI AH!? OO NGA! TUMANGGI KA, KIRA! MABAIT KA PARA MAGKAROON NG BOYFRIEND NA GAYA NI JARED!" Sabi 'ko habang dinuduro-duro ang sarili 'ko sa salamin.

"Anak, ayos ka lang ba? Sinong kausap mo?" Napatayo ako sa upuan at pumunta sa pinto. Nakita 'ko ang nagaalalang mukha ni Mama. Nababaliw na nga ata ako.

Umiling ako at ngumiti. "W-wala, Ma. Tumawag lang si Maegan. N-nagkkwento po tungkol sa date nila ni Josh." Pagisisinungaling 'ko. Leche talaga. Dahil sa mga trip niyan ni Jared Flinn, nagsi-sinungaling pa ako ngayon sa sarili ko'ng nanay.

Ngumiti naman agad si Mama, "Mukhang nagkakamabutihan na talaga 'yan si Josh at Maegan ah. Papuntahin mo si Maegan minsan, namimiss 'ko ng kakwentuhan yung batang yun." Ngumiti ako at tumango. Lumabas na din naman si Mama sa kwarto 'ko.

Ngayon naman ay nasa harap ako ng kama 'ko habang tinititigan ang mga damit na naka-latag doon. Sinoot 'ko ang isang dress at tumingin sa salamin. Umikot-ikot pa ako doon, gaya ng mga ginagawa ng mga babae sa TV. "Mukha lang akong shunga. Hindi bagay." Nakakainis. Minsan na nga lang mag-dress hindi pa bumagay.

Isinoot 'ko din ang isang palda at isang t-shirt ulit. Nakakunot ang noo 'ko habang tumititig sa salamin. "Mukha naman akong tingting." Napa-upo na lang ako at napa-buntong hininga. Kinuha 'ko ang huling damit na nakalagay sa kama. Isang t-shirt na may cute na drawing sa gitna at isang short.. Short ba ang tawag kahit malapit na sa tuhod? Hindi 'ko alam pero ganun na nga ang sinoot 'ko.

Tinernohan 'ko ito ng havaianas na galing sa tita 'ko. Tinali 'ko din ang buhok 'ko at nilagay ang salamin 'ko. Bumuntong hininga ako habang tinitingnan ang damit na soot-soot 'ko sa salamin. "Pwede na 'to. Wag na siyang maarte! Siya na nga ang nagyaya siya pa ba ang aarte! Sipain 'ko pa siya eh."

Kinuha 'ko na lang ang wallet 'ko sa kama 'ko at nilagay 'yun sa bulsa 'ko. Oo, niyaya ako ni Jared umalis ngayon. Kagabi pa siya tawag ng tawag para lang masigurado na pupunta ako. Hindi 'ko din alam kung saan na naman niya nakuha ang number 'ko. Magpapalit na lang siguro ako. At gusto niya pang sunduin ako sa tapat mismo ng bahay naming para sure na talaga na pupunta ako. Pero syempre hindi pwede. Sigurado akong kasalan agad ang lalabas sa bibig nun.

At hanggang ngayon, wala pa din akong idea kung bakit niya ako niyaya sa Mall. At kung tungkol naman 'to sa kagustuhan niyang maging girlfriend ako, isa pa din ang sagot 'ko. HINDI.

Oo, tumanggi ako sa sinabi niya at lumabas agad sa sasakyan niya. Ang kapal naman ng mukha niya. Kung papayag ako, siya ang kauna-unahang boyfriend 'ko at ayaw ko namang ikwento sa mga magiging anak 'ko sa future na ang first boyfriend 'ko ay napilitan lang ako. Na naging boyfriend niya ako dahil gusto niya lang.

Hindi naman ako humihiling ng mala-fairytale na love story. Yung tipong perfect na perfect na. Kasi boring din ang isang relasyon kung walang problema. Gusto 'ko lang ng isang normal relationship. Gusto 'ko na ang first boyfriend 'ko ay yung taong mahal 'ko. Yung taong gusto 'ko at yung hindi napipilitan lang ako.

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon