46. Cloudy

22.7K 549 169
                                    

"Nababaliw ka na ba talaga? Pumasok ka, Zeo Adrian Flinn." Sigaw 'ko kay Zeo nung nadulas siya na may pasok pala siya ngayong Sabado.

"I'm not in the mood, Kira Fate Suarez. Isang subject lang naman 'yun. Okay lang." Sabi niya habang naglalaro sa phone niya. Parang gusto kong sapakin si Zeo dahil tinatamad na naman siya ngayon, nung isang araw hindi din siya pumasok dahil tinatamad din siya. Hinatid niya lang ako sa school at bumalik na agad siya sa condo niya.

Mahigit isang linggo na din ang nakakalipas simula nung Party ni nanay, simula nung araw na nalaman kong niloko lang ako. Hindi 'ko din alam pero simula nung araw na iyon, laging si Zeo na ang kasama 'ko. Hindi 'ko na din masyadong inisip yung pagtawag niya ng baby sa akin, pagkatapos kasi ng nangyaring iyon umiyak lang din ako ng umiyak kay Zeo. Mabuti na lang at hindi din siya tanong ng tanong tungkol doon, wala na din nangyari nun, umalis lang agad ako sa party at hinatid din agad ako ni Zeo sa bahay.

Kinabukasan nun bigla na lang siyang sumulpot sa harap ng bahay namin at sinabing ihahatid niya ako. Ayaw 'ko dapat, pero mapilit talaga ang isang 'to. At hanggang ngayon, laging siya pa din ang nakakasama 'ko. Mabuti nga at sinasamahan pa 'ko ni Zeo, kahit papaano nakakalimutan 'ko yung problema 'ko dahil sa mga pinaggagagawa naming kalokohan at mga jokes niyang mabenta.

"Malungkot ka pa din ba?" Bigla niya na lang tanong sa akin. Napatingin ako sa kaniya at nakita kong tumigil na din siya paglalaro at nakatitig na din sa akin.

Dahan-dahang tumango. "Pero pinipilit 'ko naman maging masaya kahit ganun." Pinilit 'ko na lang ngumiti ng tipid.

Gusto kong magsinungaling.

Gusto kong sabihin na hindi at masayang-masaya ako kahit wala si Jared. Pero sarili 'ko lang din naman ang lolokohin 'ko diba? Kasi alam 'ko sa sarili kong malungkot ako. Hindi 'ko nga alam kung pano pa 'ko nakakatawa at nakakangiti kada araw na dumadaan. Nakakainis isipin pero kahit ako, awang-awa na din sa sarili 'ko.

Mahal na mahal 'ko si Jared at galit na galit din ako sa kaniya. Hindi 'ko alam na pwede pala iyon, pero 'yun talaga ang nararamdaman 'ko ngayon. Naiinis ako kasi hanggang ngayon, wala pa din siyang ginagawa. At ang mas nakakainis doon, kahit na ganun di 'ko matanggi na mahal 'ko pa din si Jared.

Nung nagpaulan siguro ng katangahan sa pag-ibig, feel na feel 'ko pa yung pagligo 'ko 'no? Babad na babad pa siguro ako.

"Edi date na lang tayo, dapat masaya ka. Mamaya magbigti ka pa diyan bigla kapag iniwan kita." Natatawang sabi niya sa akin. Tumayo siya at hinawakan ang kamay 'ko, hinihila ako patayo.

Pero imbis na ngumiti ako o ano ay sumimangot ako sa kaniya, "Pumasok ka."

"Ayaw." Agad niyang sagot sa akin.

Tinanggal 'ko ang kamay niya at agad na tumayo, "Hindi. Kahit na hindi ka pumasok, hindi din ako sasama. Aalis akong mag-isa. Kapag hindi ka pumasok, hindi din kita papansinin. Kahit kailan. Seryoso ako Zeo Adrian Flinn." Kinuha 'ko yung bag 'ko at agad na tumalikod.

Pahakbang pa lang ako ay narinig 'ko na ang pagbuntong hininga ni Zeo. Hindi 'ko tuloy mapigil ang pag-ngiti 'ko. "Fine, fine! Papasok na ako. Ihahatid na lang kita sa pupuntahan mo. Okay?"

Humarap ako sa kaniya. Ngumiti ako ng malapad bago ako nag-thumbs up sa kaniya, "Deal!"

Ngumuso siya at napatawa na lang ako. Ewan 'ko na lang ata kung ano ang mangyayari sakin kung wala si Zeo ngayon, sobrang laki ng natutulong niya sa akin. Mabuti na lang hindi niya ako iniiwan. Baka hindi 'ko na din alam ang gagawin 'ko kung pati siya mawawala.

"Okay, para gumaan naman ang loob mo, magre-ready na lang ako ng sandwich sa'yo para mamaya. Okay?!" Sigaw 'ko. Ngumiti agad siya at nag-thumbs up din sakin. Tumawa na lang kami parehas sa kabaliwan namin.

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon