19. Like

28.6K 808 111
                                    

"Kailan ka pa nililigawan nitong kapatid 'ko?" Nakangiting tanong sa akin ni Ate Jenice. Kanina 'ko pa naman siya kaharap at nakakausap, pero hindi 'ko talaga alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa din mawa-wala tong kaba na nararamdaman 'ko. Hindi manlang ako nakapapractice sumagot sa harap ng salamin.

Kaya ngayon? Sigurado akong 99% na mukha akong shu-shunga shunga dito.

"A-ah.. A-ano po.." Naka-yuko pa ako habang sinasabi 'yun. Pano ba naman, mas mahirap pa sa topic namin sa Math ang tanong ni Ate Jenice. Paano 'ko ba to sasagutin kung ako mismo walang alam kung nililigawan ba ako o kung kami na o kung loko-loko lang ba to.

Naring kong napatawa ang boyfriend ni Ate Jenice na si Kuya Aron, "Kinakabahan ata sa mga tanong mo si Kira oh!" Napatingin ako sa kaniya bago yumuko ulit. Shit, mukha na naman akong kamatis na ewan dito. "Pagpasensiyahan mo na tong si Jen, ganito lang talaga siya magtanong."

Sasagot pa sana ako pero nanuna ng sumagot si Jared, "Hindi pa ganun katagal, ate." Nagulat ako nang biglang kinuha ni Jared ang kamay 'ko. Shit, mas mahirap 'to. Kasi ngayon, sigurado akong alam niya na kinakabahan ako. Nanlalamig ang kamay 'ko. Ah! Sheet lang. "Hindi pa matagal pero seryosong-seryoso ako sa kaniya, ate." Napatingin ako kay Jared at sigurado akong namumula na ako na parang ewan dito habang nakatitig sa kaniya. "..At alam kong hindi magtatagal, sasagutin niya din ako."

Kumindat pa siya sa akin, napailing na lang ako at napatingin sa ate niyang nakangiti pero bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Ganun na ba ka-babaero tong si Jared at mukhang hindi makapaniwala itong ate niya sa pinagsasasabi niya?

"So, siya na ba ang ipapakilala mo kay Nanay at Tatay?" Medyo kinabahan pa ako sa sinabi ni Ate Jenice. Anong ipapakilala? Kailangan ba talagang ipakilala ako? Pero, hindi pa ako handa! Juice colored. Nakakaloka naman 'to.

"Yes." Nakangising sagot ni Jared habang hawak-hawak pa din ang kamay 'ko. "And I'll make sure na kami na ni Kira, pagdating ng araw na 'yun." Hindi 'ko alam kung ano ba ang dapat maging reaksyon 'ko sa mga pinagsasasabi ng mookong na 'to.

IS IT REAL? IS IT REAL?

"Well kung ganun.." Tumabi sa akin si Ate Jenice at niyakap ako ng pagkahigpit-higpit. "Welcome to the family, baby girl!" Masayang sabi niya. Naptingin ako kay Kuya Aron na naka-thumbs up sa akin. Nakakatuwa kasi, ramdam na ramdam 'ko yung pag-welcome nila. Kaso ang nakakalungkot lang, wala akong alam kung totoo ba lahat ng mga pinagsasasabi ni Jared o kung pakulo na naman niya 'to.

Gusto kong hulaan, pero ayaw 'ko namang masaktan. Ngumiti ako sa kanila at pati na din kay Jared. Puwede naman siguro akong umasa na parehas kami ng nararamdaman, 'di ba? Kahit ngayon lang.

-

Feel na feel 'ko pa ang pagkain dahil nga kanina pa ako nagugutom nang biglang hinawakan ni Jared ang kamay 'ko. Ito na naman siya At ito na naman ang puso kong grabe kung magwala. Sobrang bilis na naman ng tibok ng puso 'ko. Siguro kailangan 'ko ng pag-practice-an ang pag-arte ng normal kapag ganito si Jared.

"Ate Jenice, papahangin lang kami ni Kira sa labas." Napatingin ako sa kaniya, magpapahangin? Malamig naman dito ah? Saka naka-aircon naman, bakit kailangan pang magpahangin? Nagugutom pa nga ako eh!

Sumimangot si Ate Jenice pero napalitan agad yun nagpagtawa, pati si Kuya Aron ay napatawa, "Go. Alam naman naming gusto mo masolo yang soon to be girlfriend mo." At, nagtawanan ulit sila. Ramdam na ramdam 'ko ang pamumula ng pisngi 'ko dahil sa pagtawa nila. Napatingin ako kay Jared nang naramdam 'ko ang mahigpit na paghawak niya sa kamay 'ko.

"Talagang sosolohin 'ko siya." Sagot niya at tinulungan pa akong makatayo sa kinauupuan 'ko. Lalo uloy akong namula! Mas nakakakilig sana kung totoo lahat ng sinasabi niya. Mas nakakakilig sana kung lahat ng sinasabi niya sa kanila, galing talaga sa puso niya at walang halong kalokohan.

Hinihintay kong bitawan niya ang kamay 'ko pagkalabas namin ng bahay nila pero napansin kong llalong humigpit ang hawak niya doon. Gabi na din, kaya malamig na din sa labas. Mabuti na lang may malaking parang poste ng ilaw dito sa Garden nila na nagbibigay ng liwanag. Umupo kami sa parang maliit na bench doon.

Nasa garden kami. Gabi na. Magkatabi kami sa isang bench. Hawak-hawak niya ang kamay 'ko. Ang awkward.

Nakunwari akong naubo bago ako nagsalita, "B--bakit mo sinabi 'yun?" Kinakabahan kong tanong pero mas kainakabahan ako sa isasagot niya.

Bakit? Kasi malakas ang pakiramdam 'ko na pinapaikot at niloloko lang ako ni Jared. Gusto kong paniwalain ang sarili 'ko na hindi 'yun totoo, pero yun talaga ang nararamdaman 'ko.

Wala na akong pakialam kung nakakahiya, tumingin ako ng diretso sa mata niya at tinanong siya, "Ano ba talaga, Jared? Ang gulo gulo mo! Bakit ba kailangan pang sabihin 'yun? Hindi mo ba---" Natigilan na lang ako sa pagsasalita nang bigla niya akong hinila at hinalikan. Nanlaki ang mata 'ko at hindi 'ko alam kung ano ang gagawin 'ko.

Fahkeensheet. Hinalikan ako ni Jared Chase Flinn at hindi 'ko alam kung ano ang gagawin 'ko.

Nakapikit pa din ako at para akong statwa nang lumayo siya sa akin. Ramdam 'ko ang pag-kabog ng puso 'ko at pamumula ng pisngi 'ko. Dahan-dahan kong idnilat ang mata 'ko at nakita ko si Jared na titig na titig pa din sa akin. Para saan 'yun?

Nakatitig pa din ako sa kaniya habang dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi 'ko. Ang lapit-lapit niya sa akin. Ramdam na ramdam 'ko din ang bawat pag-hinga niya. "Diba sabi mo sabihin 'ko kung ano ang gusto 'ko?" Mahina niyang tanong habang nakatitig pa din sa akin. Dahan-daha akong tumango, pinipigilan ang pagngiti 'ko. "I like you, Kira. And, I want you to be my girlfriend." Dahan-dahan niyang sabi sa akin at pakiramdam 'ko.. huminto na ang mundo 'ko.

"I---I like you too." Mahinang sabi 'ko. Mukhang nagulat si Jared sa sinabi 'ko at agad akong napatakip sa bibig 'ko. Bwisit! Nasabi 'ko ba talaga 'yun?

Nakita kong natatawa si Jared sa sinabi 'ko. "Seryoso?" Natatawa niyang tanong bago kinurot ang pisngi 'ko.

"J-joke lang 'yun." Sabi 'ko at umiwas ng tingin. Lalong namula ang pisngi 'ko nang marinig 'ko ang malakas niyang pag-tawa. Nagulat na lang ako nang bigla na naman niyang hinarap ang mukha 'ko sa mukha niya.

"Dont be shy, baby. Ayos lang yan, edi mas mapapadali lang pala tong panliligaw 'ko eh." Natatawa niyang sabi. At mas lalo akong nagulat sa ginawa niya, hinalikan niya ako sa noo bago niyakap ng mahigpit. "Magiging akin ka din, Kira. At pagdumating ang araw na 'yun, walang gago ang makakalapit sayo."

Please lang. Kung panaginip 'to, wag niyo na lang akong gisingin.

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon