21. HHWW

28.7K 610 21
                                    

"Oh, bakit ka na naman nakasimangot dyan?" Natatawang tanong ni Jared habang nagda-drive siya. HIndi 'ko siya sinagot kaya inulit niya ulit yung tanong niya. Leche siya, tigilan niya ako baka masapak 'ko na talaga siya!

"Ang panget mo kasi." Kalmadokong sagot. Naiirita ako sa kaniya pero gusto kong tawanan yung kakulitan niya, ang labo 'ko.

Narinig 'ko ang malakas na pag-tawa niya kaya lalong kumunot yung noo 'ko. Bakit ba tuwing masaya siya, naiinis ako? "Wag mo nga akong gawing salamin, Kira Fate. Di mo ba nakikita kung gaano ka-perfect ang mukha ng manliligaw mo?"

Tumingin ako sa kaniya at inirapan siya, bwisit na lalaking 'to! Edi siya na gwapo! Ako na panget. Leche, kailangan ipamukha sa 'kin?! "Manahimik ka na nga lang kung puro kayabangan yang lalabas sa bibig mo, Jared. Malayo pa ba?!" Inip na tanong 'ko. Kanina pa kami, pero hanggang ngayon wala pa din.

"Maliban pala sa pagiging mainitin ng ulo mo, mainipin ka pa. Ibang klase ka talaga, girlfriend." Nakangisi niyang sabi sa akin, pero diretso ang titig niya sa daan ngayon. Juice colored, bakit ba kahitnagda-drive lang ang isang 'to, naguumapaw pa din siya sa kagwapuhan?! Kainis!

"Girlfriend?" Natatawa kong tanong sa kaniya. "Kapal muks ah! Di pa kita sinasagot, oy! Wag kang feeler diyan!" Singhal 'ko sa kaniya pero mas lalo pa ata siyang napangiti sa sinabi 'ko. Ang labo niya talaga. Bipolar talaga, minsan nakakatakot, minsan sabog, tapos minsan ang lakas ng trip.

Ang hirap mong basahin, Jared Chase Flinn.

"Di 'PA'? So, sasagutin mo talaga ako, girlfriend? Dont worry, I'll wait." Kumindat pa siya sa akin at hindi na talaga mabura-bura sa mukha niya yung ngisi niya. "Alam 'ko namang hindi ka makakatanggi sa gwapong 'to." Imbis ata magalit ako, hinid 'ko alam pero mas kinikilig ako sa mga ganito ni Jared. Bwisit. Saan mo ba nakukuha yang kakornihan mo, Kira?

"Heh punyeta ka. Wag mo akong pangunahan, kasi kahit ngayon kayang-kaya kong humindi sa'yo 'no!" Sigaw 'ko at umiwas ng tingin kasi hindi 'ko mapigilang hindi mapangiti. Thank God, madilim dito! Tagong-tago yung pamumula ng mukha 'ko.

Pero bwisit talaga, kahit ano atang nakakinis na sabihin 'ko kay Jared mas lalo lang siyang natutuwa kasi ngayon, imbis na matakot siya kasi baka di 'ko siya sagutin, mas natuwa pa ata ang loko! "Whatever, girlfriend. Di mo ako matatakot kasi alam kong gusto mo din ako."

Abot hanggang langit na ata ang ngiti 'ko ngayon. Damn Flinn. Kung alam mo lang. Gustong-gusto kong hayaan ang sarili kong mahulog sa'yo, pero may iba akong nararamdaman kaya pinipilit kong huwag muna. Kahit na gustong-gusto 'ko na, 'wag muna.

Kasi natatakot ako baka isang araw, hulog na hulog na ako at bigla mo na lang akong iwan, at sigurado akong pag dumating sa punto na 'yun, ako ang mahihirapan. Mahihirapan akong tumayo sa sarili 'ko.

-

HINDI NA AKO nagtaka nung nakita 'ko kung saan ako dinala ni Jared, isang restaurant na halatang puro mayayaman lang ang makakapunta. Sa TV 'ko lang 'to nakikita at kahit kailan, hindi 'ko naisip na isang araw ako na ang makakakain sa ganitong lugar. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya habang tinititigan ang resto na nasa harap 'ko.

"Let's go?" Tanong ni Jared habang hinihintay ang kamay 'ko. Lumunok ako at kay Jared. "B-Bakit?" Wala sa sarili kong tanong sa kaniya bago ulit ako tumingin sa resto.

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon