45. Baby

21K 609 282
                                    

Tweet: #CTFT

//

"Maling mali na ginamit niya si Kira mga paps." Sabi ni Dane kay Xiann at Jerran. " Gustong-gusto 'ko ng sabihin kay Jared na hindi tama yung mga ginagawa niya pero ayaw kong pangunahan siya sa kung ano man ang gusto niyang mangyari. Pero ayaw 'ko lang na may nadadamay sa mga katarantaduhan niya."

Hindi 'ko alam kung anong magiging reaksyon 'ko sa mga sinabi ni Dane. Hindi 'ko alam kung tatawa ba ako kasi nagpakatanga ako o iiyak ako dahil mahal 'ko.

Ramdam 'ko ang tuloy tuloy na pagbagsak ng mga luha sa mata 'ko. Kasabay ata ng pagsabi ni Dane ng mga salitang iyon ay ang pagkawasak din ng mundo 'ko.

Gusto kong tumahan. Gusto kong tumigil sa pag-iyak. Gusto kong paniwalain yung sarili 'ko na hindi totoo iyong mga narinig 'ko. Hindi naman ako sigurado sa mga narinig 'ko, 'di ba? Alam kong hindi kayang tumabasan ng kahit anong bagay yung pagmamahal ni Jared. Kaya nga hinihintay niya ako diba? Hindi naman ako kayang lokohin ni Jared, 'di ba? Kasi mahal niya ako.

Kasi sinabi niyang mahal niya ako.

Pwede 'ko namang panghawakan iyon, 'di ba? Na kaya niya sinabi 'yun sakin kasi totoo yung nararamdaman niya. Kasi totoo siya sa akin.

Mahal ako ni Jared. Mahal ako ni Jared. Mahal ako ni Jared. Mahal ako ni Jared. Mahal ako ni Jared. Mahal ako ni Jared. Mahal ako ni Jared. Mahal ako ni Jared. Mahal ako ni Jared. Mahal ako ni Jared. Mahal ako ni Jared. Mahal ako ni Jared. Mahal ako ni Jared. Mahal ako ni Jared. Mahal ako ni Jared. Mahal ako ni Jared.

Pilitin kong tinatatak iyon sa isip at puso 'ko. Pero bakit may parte sa akin na kumokontra don? Hindi 'ko na alam. Pakiramdam 'ko sasabog na ako sa kakaisip kung ano ba talaga ang nangyayari.

"Mga paps." Automatic na napatigil ako sa paghikbi nung narinig 'ko ang boses ni Jared. Pasimple akong sumilip at hindi nga ako nagkamali, nandoon si Jared. At gaya ng tatlo, nakatalikod din sa akin si Jared. "Nakita niyo ba yung babe kong dumaan?" Mukhang masaya pa ang tono ng pananalita ni Jared.

"S-Si Kira ba, Paps?" Nauutal pang tanong ni Xiann sa kaniya.

Napansin kong palingon si Jerran sa parte kung nasaan ako, mabuti na lang at mabilis akong nakatago sa mga halaman doon sa gilid. "Bakit? Nag-CR ba siya? Wala namang dumaan, wala din doon sa likod. Naka-off yung lights, paps. Walang tao." Narinig kong sabi ni Jerran. Mabuti na lang pala at hindi 'ko pa nao-on yun.

"Huh? Pero sabi niya dito siya magpupunta ha? Sure ba kayo?" Narinig 'ko ang paglakad ni Jared at hindi 'ko alam kung matataranta ba ako dahil sigurado akong sisilip siya dito.

Pero mukhang siya mismo ay natigilan nung biglang nagsalita si Dane. "Ibang klase ka talaga 'no, Jared?" Nakaramdam ako ng ibang "Don't worry bro, wala siya dito. Wag ka na lang ding umarte na may pakialam ka kay Kira, lalo na kung ikaw mismo ang nanloloko sa kaniya. Nagmumukha ka lang lalong tanga, paps."

Bakit ba parang ang daming alam ni Dane na hindi 'ko alam? Bakit ba parang lahat sila alam ang mga nangyayari dito pero ako, walang kaalam-alam sa mga planong pinaguusapan nila?

"What the fuck is your problem, Dane?" Bigla akong nakaramdam ng kaba nang marinig 'ko ang boses na iyon ni Jared.

"Wala naman, pero nakakainis lang pala kasing makita ka ng ganyan kahit wala naman si Kira. So what's your next plan, paps? Makukuha mo na ang mana mo kay Nanay. Goodbye Kira na ba dahil nakuha mo na yung mana?" Narinig 'ko ang pagtawa ni Dane. "Ibang klase ka talaga, Jared. Pati inosenteng tao, nadadamay para lang makuha mo 'yun. Nakakahiya ka."

"Wala kang pakialam sa mga plano 'ko, Dane." Pakiramdam 'ko may kutsilyong sumasaksak sa puso 'ko dahil sa narinig kong iyon. Hindi pa ba tapos yung plano mo Jared? May panloloko ka pa bang ihahabol kaya ka ganyan?

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon