34. Boss

30.6K 591 31
                                    

Super duper late update. Sorry guys! Super duper busy din ako. Loool. Alam kong naiintindihan niyo ako! Lol. Love you, guys! <3

//

 Kanina pa ako nakahiga sa kama, iniiwasan kong gumalaw-galaw kasi baka magusot o baka madumihan pa yung dress 'ko. May date kasi kami ngayon ni Jared, nung isang araw lang sila lumabas sa Hospital pero nabobored na daw ang loko ngayon. Mabuti na lang at pinayagan siya ni Nanay. 

Kanina pa ako paulit-ulit na nagtetext pero hanggang ngayon wala pa ding reply o kung ano, tapos ngayon, tinatawagan 'ko siya pero hindi din siya sumasaog. "Leche, pag ako talaga nainis, hindi na ako makikipagdate sa unggoy na 'to!" Sigaw 'ko habang tinatawagan ulit siya.

Sa pangatlong ring, sinagot din naman agad niya, "JARED!" Malakas na malakas na sigaw 'ko. Nakakainis, kanina pa nauubos ang oras, load at pasensya 'ko sa unggoy na 'to! 

Malakas ang sound effects na nariring 'ko sa kabilang linya, Hindi naman sa player ako, pero ang hula 'ko sa mga dota o kung anu-anong games pa 'to. "Hello, babe?" Tanong niya sa akin. Lalong kumulo ang dugo 'ko, ang lakas na ng sigaw 'ko, hindi pa din niya ako naririnig?! 

"Wag mo akong mababe-babe diyan, Jared! Kanina pa ako dito! Idate mo na lang kaya iyang sarili mo?!" Malakas na sigaw 'ko ulit para marinig niya. Humina naman ng onti ang sound effects na nariring 'ko ngayon. 

"Hello, babe? B-babe? I cant hear you!" Aniya. "Ay shit, gago talaga 'yun si Aron! Fuck!" Aniya mukhang dalang-dala ang unggoy sa nilalaro niya. 

"Gago ka pala eh?! Lumabas ka kaya ng marinig mo ako!" Sigaw 'ko sa kaniya. Kung pwede 'ko lang siguro batuhin ng vase si Jared, ginawa 'ko na dahil sa sobrang inis 'ko. 

"H-hello!?-- Fuck, asar talaga! Gago talaga 'to!-- Hello, I cant hear you babe! I'll call you la---" Alam kong nariring niya ako ngayon, pero naglalaro lang siya kaya nagdadahilan siya kaya hindi pa siya tapos sumagot na ako. 

"Go, ibaba mo. Basta, tandaan mo kapag binaba mo 'to, wala ka ng nililigawan! Go, ibaba mo na Jared." Nakangising sabi 'ko. Lalong lumapad ang ngiti 'ko nang marinig kong nawala na ang maiingay na sound effects ng kung ano man ang nilalaro ni Jared. "Oh bakit hindi mo pa ibaba!?"

Narinig 'ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. Lumapad ang ngiti 'ko, tingnan natin. "Fine," Aniya. Sa sobrang gulat 'ko sa sagot niya ay agad akong napabangon sa pagkakahiga 'ko. 

Shutanginers. HIndi ako makapaniwalang pumayag siyang maglaro na lang at tigilan ang panliligaw niya sa akin! So talagang una palang hindi na siya seryoso sa akin kasi mas pinili niya pang maglaro ng kung ano ang nilalaro niya ngayon! Aba, edi magsama na lang sila!

"ANO?!" Malakas na sigaw 'ko. Pakiramdam 'ko, lalabas na ang puso 'ko dahil sa sobrang galit na nararamdaman 'ko ngayon. "Aba, edi magsama na lang----"

"Anong sinasabi mo?" Bastos talaga tong unggoy na 'to! Hindi manlang pinatapos ang sinasabi 'ko! Mabuti nga talaga at hindi 'ko siya sinagot! Ang kapal kapal naman ng mukha niya!

"Fine sabi mo?! Ungas ka ba?! Edi talagang pinipili mo yang---"

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon