42. Sky

25.8K 567 31
                                    

Iba na talaga ang naramdaman 'ko pagkakita 'ko pa lang sa picture ng babaeng iyon. Iniisip 'ko kung ito ba ang mama ni Jared, pero malakas ang kutob kong hindi. Mukhang dalaga ang babae 'to kung ito ang mama ni Jared, oo, pwedeng nung kabataan ng mama ni Jared. Pero parang hindi talaga.

Kinuhaan 'ko muna ng picture ang picture ng babae iyon bago 'ko binalik sa wallet ni Jared. Habang inaayos 'ko iyon, ang daming bagay ang pumapasok sa isip 'ko at hindi 'ko alam kung saan ako hahanap ng sagot.

Gusto kong itanong kay Jared pero may kung anong pumipigil sa akin na huwag kong itanong sa kaniya. Napahiga na lang ako sa kama at napatitig sa labas ng bintana ng kwarto 'ko, kakatapos lang ng problema 'ko may bago na naman?

Unlimited problem? Wala naman akong naalala na nagregister ako. Kailan ba 'to mage-expire?

"Hello?" Mahinang sagot 'ko sa tawag ni Jared.

Hindi 'ko siya nakikita pero alam kong nakangiti siya ngayon, "Hi, babe."

"Bakit?" Walang ganang tanong 'ko sa kaniya. Wala na dapat akong balak sagutin tong tawag pero naisip 'ko kawawa naman ang isang 'to.

"Masama ba pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin. "Bakit parang lungkot mo? Galit ka ba kasi nagdrive tayo? May problema ba?"

Di ko mapigilang hindi mapangiti sa mga tanong ni Jared. "Wala, inaantok lang ako. Yung wallet mo, naiwan mo pa sakin. Bigay 'ko na lang sa School bukas."

"Okay babe." Sabi niya, hindi na ako umimik. "Inaantok ka na ba talaga? Parang wala ka namang ganang kausap ako. Kakabati pa nga lang natin, ang cold mo na agad." 

Natawa naman ako ngayon, bwisit na Jared. Ang daming drama sa buhay. "Hindi ako cold, Jared. Hot ako. Alam mo 'yan." Natatawang sabi 'ko sa kaniya habang pinaglalaruan 'ko ang dulo ng buhok 'ko. 

"Sure ka bang alam 'ko babe?" Natatawang tanong niya sa akin, "Wala kasi akong naalalang alam 'ko yan. Ngayon 'ko lang narinig eh."

Tumawa ako ng malakas bago ako sumagot sa kaniya, "Leche ka, kung hindi mo alam 'yun, wag mo na akong tawagan! Babye-"

Hindi na ako natapos sa pagsasalita 'ko kasi inunahan niya na ako sa pagsasalita, "Oo, sobrang hot ng babe 'ko. Mas hot pa 'yan sa tirik na tirik na araw ng summer! Ayan na babe, hot ka na okay? Hot tayo! Kaya nga bagay tayo diba?" Mabilis niyang sabi. Natawa na lang ako sa kaniya. 

"Ewan 'ko sa'yo, baliw ka." Sabi 'ko na lang. "Matutulog na ako, nakakapagod palang magdrive." Nagkunwari akong humikab para talagang isipin niya ay inaantok na ako. "Matutulog na ako Jared ha? Ha? Wag mo na akong mamiss, makikita mo naman ako bukas! Ha? Ha?"

Narinig 'ko ang mahinang pag-tawa niya at hindi 'ko alam pero kahit iyon lang nakakapagpabaliw na sa akin, pakiramdam 'ko lahat na lang ng may kinalaman si Jared, nababaliw na ako. Onti-onti na akong nahuhulog ng tuluyan sa lalaking 'to. Hindi 'ko itatanggi iyon. 

"Okay okay. Nakakainis gusto pa dapat kitang kausapin, I fuckin missed you voice, babe." Napangiti na lang ako. Gusto 'ko din naman kausapin pa si Jared pero may kailangan pa akong kausapin at ayusin. "Pero kailangan mo na matulog, ayaw kong napupuyat ang babe 'ko kaya matulog ka na okay? Wag ka na magonline pagtapos nito, diretso tulog agad okay? I love you." 

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon