55. Queen

10.6K 328 156
                                    

Tweet: #CTFT #TeamBabe

//

Nag-stay din kami ng ilang buwan sa Hospital bago tuluyang nakaalis at nakalabas si Jared. Pero hindi pa siya ganoong okay dahil medyo nahihirapan pa siyang kumilos-kilos at lalo na ang maglakad, kaya every Saturday and Sunday morning ay talagang naglalakad kami kung saan-saan ni Jared. Nakakapagod, pero tuwang tuwa naman ang loko.

At mabuti ngayon ay talagang nagiging okay na siya. At mabuti na lang at sumakto na kaya niya na talaga nung malapit na akong magbirthday, nagpaplano kasi sila Mama na magpunta kami sa isang beach sa Laguna para icelebrate ang birthday 'ko, at gusto 'ko sanang isama si Jared para kahit papaano ay makarelax din siya.

"Halika na kasi!" Sigaw 'ko kay Jared dahil nakapwesto na ako sa kama. Sabado ngayon at kakatapos lang naming maglakad-lakad ni Jared. Nandito kami ngayon sa bahay ni Nanay at sinabi 'ko sa kaniya na hihilutin 'ko na ulit yung paa niya, iyon kasi yung sabi ng doctor, mas mapapabilis at mas maganda kung hihilutin yung paa niya pagkatapos maglakad-lakad. "Isa, Jared. Kapag hindi ka pa pumunta dito sasapakin talaga kita at talagang magaaway tayo." Pagbabanta 'ko.

Napakamot si Jared sa batok niya, "Di mo naman kasi kailangan gawin 'to, babe—"

"Isa." Madiin ang pagkakasabi 'ko para hindi na tumuloy ang loko.

"Babe kasi patapusin mo---"

"Dalawa." Mas lalong lumakas ang boses 'ko at ngayon binigyan 'ko ng matalim na tingin si Jared. Hindi mapaliwanag ang itsura niya. Bumuntong hininga lang naman ang baliw bago humiga sa din sa kama.

Ngumiti ako at tumayo, "Madali ka namang pala kausapin eh. Inom lang akong tubig." Pero sandal akong huminto sa gilid niya at mabilis na hinalikan siya sa pisngi. Hindi 'ko na nakita ang reaksyon niya dahil tumuloy na ako sa paglalakad pero tumatawa ako.

Narinig 'ko ang tawa niya at ang pagsigaw niya, "Magnanakaw ka ng halik, babe! Grabe!"

"Mukha mo, gusto mo din naman! Sapakin kita dyan, 'eh!" Sigaw 'ko bago ako lumabas.

"Sapak ba ng halik, sige tara dito!" Aniya sabay halakhak na naman.

"Gago!"

"Sino naman yang kachat mo?" Tanong 'ko habang hinihilot 'ko yung paa niya. Kanina pa kasi tahimik ni Jared, dahil wala din naman akong sasabihin at kanina pa din siya nagcecellphone. Mukhang kachat yung mga kaibigan niya. Ayos lang naman sa akin pero kasi napapangiti ang loko.

"Ha?" Sabi niya at tumatawa tawa pa din. Diniinan 'ko ang paghilot 'ko. "Aww!"

"Aww-aww ka 'dyan! Sino kachat mo?" Tanong 'ko ulit sa kaniya. Tumawa naman ang baliw at umiling lang sa akin. Kumunot naman ang noo 'ko.

"Di ako nagchachat, babe. Wala naman akong gusto kausap kundi ikaw." Aniya at nilagay na sa gilid ang cellphone niya.

Tinaasan 'ko na lang siya ng kilay, nagpipigil ng ngiti, "Dapat lang."

"Wow naman kilig na kilig naman ako sa pagiging possessive ng babe 'ko. Iyong iyo lamang, bente uno!" Aniya sabay halakhak ulit.

Tumawa din ako habang hinihilot pa din ang paa niya, "Baliw ka."

"Baliw na baliw sa'yo." Tumingin ako sa kaniya at inilingan na lang siya. Tumawa lang naman siya sa akin. Baliw talaga 'to.

Hindi na ako umimik at dahil hindi na nga nagce-cellphone si Jared ngayon, sa akin lang nakatuon ang buong atensyon niya. Pinipilit kong huwag na lang pansinin ang tingin niya pero kahit anong gawin 'ko ay nakakaramdam talaga ako ng ewan na pakiramdam sa akin.

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon