25. Iwas

22.6K 600 25
                                    

Ang bilis ng update, kahit ako nagugulat sa sarili 'ko. Lololol. Ewan 'ko ba, sobrang natutuwa ako sa natatamasa (wowshet. HAHAHA) ng CTFT. Sobrang nakakatuwa. Sabi 'ko talaga nung tinype 'ko 'to, wala akong pakialam kahit walang magbasa basta isusulat 'ko. Tapos ngayon ang dami niyo na :"> Tapos #11 na tayo sa FANFIC. Kinikilig ako. Thank you ng madami guys. Nakakaiyak. Lol. ;_;

-Shaiceee

//

Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha 'ko kahit todo punas na ang ginawa 'ko dito. Kaya naman nakayuko akong pumasok ng bahay. Sigurado akong nasa loob sila Mama. "Anak kong maganda, nandito ka na pala! Nasa labas ang jowabells mong napaka-pogi ah? Kumain na kayo!" Sabi ni Mama sa akin.

"Di na ma. Umalis na." Sagot 'ko na lang at nagmadali ng umakyat papunta sa kwarto 'ko. Narinig 'ko pang tinatawa ako ni Mama pero hindi na ako lumingon pa. Wala na ako sa mood. Parang gusto 'ko na lang iiyak ang lahat ng nararamdaman 'ko ngayon.

Pagkapasok 'ko sa kwarto 'ko, nilock 'ko agad ang pinto. Nilagay 'ko na din muna sa dresser ang gamit 'ko bago ako humiga sa kama. Tinakpan 'ko ng unan ang mukha 'ko bago ako umiyak ng malakas. Sabi kasi nila, kapag iniyak mo daw ng malakas ang nararamdaman mo, kahit papaano mababawasan yung sakit na nararamdaman mo.

Pero bakit wala namang naitulong 'to sa nararamdaman 'ko?

Paulit-ulit sa isip 'ko lahat ng nakita 'ko kanina. Paano nagawa ni Jared iyon sa 'kin? Akala 'ko ba seryoso siya sa panliligaw na ginagawa niya sa akin? Bakit ganoon na lang kadali na lokohin ako kung totoo yung nararamdaman niya para sa akin? Damn mahal na mahal 'ko siya, tapos ganito lang pala ang mapapala 'ko.

Narinig 'ko ang pag-ring ng phone 'ko at pagtingin 'ko doon, puro pangalan ni Jared. Naka-limang missed call na siya sa akin. Pero bago 'ko i-off ang phone 'ko, napansin 'ko ang isang message na galing din kay Jared.

Sorry. Damn. I'm so sorry, Kira. Sagutin mo yung tawag 'ko please. Sorry.

Hindi 'ko alam pero mas lalo akong nainis sa text niya. Sorry? Sometimes sorry is not enough, Jared. Kahit onting sakit, hindi mababawasan ng sorry na 'yan eh.

Kung sana inisip mo muna yung mararamdaman 'ko bago mo ginawang makipaglandian.

//

Kinaumagahan, nag-lugay ako at nilabas 'ko din ang bangs 'ko na matagal 'ko ng itinatago. Hindi kasi ako komportable pag nagba-bangs ako. Pero kailangan kong takpan ang mata 'ko ngayon. Sigurado akong mahahalata ako ni mama kapag nakita niya yung mata kong sobrang singkit.

"Nak, yung totoo? Anong pinaglalaban mo ngayon? Bakit ka nakabangs? At nakalugay ka pa? May nakain ka ba o may pinaglalaban lang talaga?" Tanong ni Mama habang kumakain kaming dalawa. Maagang pumasok ag maldita kong kapatid kasi may gagawin daw siyang project.

"May play po." Sagot 'ko na lang.

"Aba, ang taray naman. Siguro maharot yang role mo dyan 'no? Nakalugay na, nakalabas pa ang bangs. Bongga! Pero, bagay naman sa'yo, nak. Maganda kasi ang lahi natin, you know!" Maarte niyang sabi bago tumawa din ng maarte.

Umiling na lang ako atnagpatuloy sa pagkain. "Nak, wait lang ah. Nakalimutan 'ko ata yung baso doon sa labas." Tumango na lang ako at tumayo naman si Mama para lumabas. Napatingin ako sa relo 'ko, pagkatapos 'ko dito aalis na din ako. Sakto lang iyon para makarting sa school. Magta-tricycle na lang din ako.

"OMAYGULAY! Pampaswerte ata yang bangs mo, anak!" Tuwang-tuwa si Mama habang pumapasok sa bahay, dala-dala niya yung baso na sinasabi niya. "Nasa labas si Jared! Sinusundo ka ulit! Bilisan mo na anak! Sayang naman ang ganung kagwapuhan, naghihintay lang! Pinapapasok 'ko nga, kaso sabi niya doon ka na lang daw niya hihintayin!" Masayang sabi ni Mama. Pasimple akong umirap, pero fahkeensheet. Ramdam 'ko ang mabilis na pag-tibok ng puso 'ko.

Wag ka ngang kabahan, Kira. Si Jared lang 'yan! Si Jared na niloko ka! Daanan mo lang at sumakay ka agad sa tricycle! paulit-ulit kong bilin sa sarili 'ko. Bumuntong hininga na lang ako at inayos na ang pinagkainan 'ko. Pagkatapos ay nag-ayos na lang ako at nagpaalam na din kay Mama.

"Ma, mauna na po ako. Late na po talaga ako." Sabi 'ko at nag-kiss na sa pisngi niya. Si Mama naman, todo tulak sa akin palabas ng bahay tapos nakakahiya kasi nakita pa kami ni Jared. Nakita kong seryoso ang titig niya sa akin pero hindi 'ko na iyon pinansin. Sinarado 'ko ang pinto at nagsimula ng maglakad.

"Kira, sorry. Please, pag-usapan natin 'to." Aniya habang hawak-hawak ang kamay 'ko. Paulit-ulit niyang sinasabi iyon sa akin pero hindi 'ko siya hinaharap. Hinawi 'ko ang kamay niya at sakto may dumaan na tricycle, pinara 'ko agad iyon at sumakay agad sa loob.

Hanggang sa pag-alis ng tricycle ay hindi 'ko nagawang lumingon sa kaniya.

//

"KIRA FAAAAAATE!" Narinig kong sigaw ni Meagan sa akin. Kakatapos lang ng class 'ko at lumabas agad ako dahil baka makita na naman ako ni Jared. Oo, ang iwasan talaga siya ang plano 'ko.

"Ano?" Walang ganang tanong 'ko sa kaniya. Inaantok na kasi ako. Three hours lang ata ang tulog 'ko ngayon kaya ngayon, para akong nahihilo na hindi 'ko malaman.

"Nag-away ba kayo niyang Jared mo?!" Malakas niyang sigaw sa akin. Agad naman akong kinabahan sa tanong niya. Hindi ako nakapag-online kagabi. Tae, kalat na ba agad? "Kasi pinapahanap ka niya sa TRG! Kaya kung ayaw mo siyang makita, nako mag-ninja moves ka na!" Natatawag sabi niya.

"A-ah. Sige. Thanks, Mae. Sa susunod 'ko na lang ikkwento. Nagmamadali na ako. Thank you!" Sigaw 'ko at nagsimula ng magmadali sa paglalakad. Kada-lakad 'ko, tumitingin ako sa gilid at likod 'ko, kasi baka mamaya nandyan na sila.

Palabas na ako ng gate nang may biglang humawak sa magkabilang kamay 'ko. Isang babae na namumukhaan 'ko. Damn, TRG 'to. "Akala mo makakaalis ka pa ha." Bulong nung isang babae sa akin.

Pinipilit kong kumawala sa hawak niya sa akin pero ang dami na nilang nakahawak sa akin. Ang dami-dami nila. Sigaw din ako ng sigaw para bitawan nila ako, pera parang kahit isa sa kanila walang nakakarinig sa akin.

"Aray!" Sigaw 'ko nung humigpit na ang hawak ng isang babae sa akin, "Ang sakit! Bitawan mo na nga ako!" Sigaw 'ko sa kanila pero tawa lang sila ng tawa. Bwisit.

Natigilan lang sila nung narining nila ang isang pamilyar na boses. "What the fuck. Sabi 'ko hanapin niyo, hindi 'ko sinabing saktan niyo."

//

Ingat po tayong lahat! <3 Wag na munang gumala, kung meron i-cancel na lang muna kasi delikado. Mag-wattpad na lang kayo sa phone niyo! Hahaha! <3

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon