Courting the Fortune-teller

135K 1.8K 159
                                    

"Magbe-break din yan. Bago matapos ang week na 'to." Sabay ngisi 'ko sa mga kaibigan 'ko. Hindi 'ko alam kung paano 'ko yun nasabi, pero ayun ang nararamdaman 'ko. Na hindi na sila magtatagal at magtatapos na ang walang kwenta nilang relasyon bago matapos ang week na 'to. 

"Seryoso ba yang hula mo, Kira?" Tanong ni Claudia sa akin. "Madaming nagsasabi na hindi na maghihiwalay ang dalawang yun. 2 years na sila! Almost perfect na eh!" Oo nga, almost perfect na. Parehas na model. Parehas na tinitingala sa School na 'to. Parehas na matalino at laging sweet at halos hindi na mapaghiwalay. Sino ba namang maniniwala na maghihiwalay sila, di 'ba? Pero, wala eh. Nararamdaman 'ko na. 

"Hindi 'ko naman kayo pinipilit na maniwala." Ngumisi na lang ako. "Basta ang alam 'ko, kahit anong push nila, hindi na sila magtatagal."

Pumalakpak ng malakas si Maegan at kitang-kita 'ko sa mukha niya ang saya. Matagal na niya to'ng hinihintay, ang paghihiwalay ni Issay at Josh. "Naniniwala ako sayo, Kira! Dammit! I can't wait!!" Sigaw pa niya. Syempre, tuwang tuwa siya, patay na patay kaya 'to kay Josh. Kaso hindi naman siya napapansin ng Josh niya. 

Tumawa na lang si Lindsay at Claudia, habang ako naman ay napailing na lang. Sakto naman ay dumating ang lovebirds na pinaguusapan namin sa loob ng room. Isa-isa kaming nagtinginan ng mga kaibigan 'ko.

"Kinausap niya lang ako, Issay!! Sht, makinig ka naman!" Sigaw ni Josh habang sinusundan si Issay na papunta sa upuan niya. Tahimik lang kaming nanonood na apat, at abang na abang sa mga mangyayari. 

"Woah." Sabay sabay naming bulong nung nakita naming binato ni Issay ng bag si Josh. Tumama naman yun sa dibdib ni Josh. "Ay lecheng babae, sinaktan pa si baby Josh 'ko. Kapal ng mukha!" bulong ni Maegan sa tabi 'ko.

"Shut up, Josh!" Sigaw ni Issay. "Just shut the fck up!" Dagdag niya pa. Halatang badtrip na badtrip na din si Issay. Aalis na dapat siya dahil dumaan siya sa tabi ni Josh pero hinila ulit siya ni Josh.

"Ano ba?! Hindi ka ba nakakaintindi?!" Hinawakan naman ni Josh si Issay. May binubulong pa si Josh pero hindi na namin marinig yun. Medyo malayo kasi kami sa kanila at malaki din to'ng room. Hindi nga ata nila napansin na nandito kami eh. "Bitawan mo nga ako!" 

"Tigilan mo na 'ko, Josh. Pagod na 'ko. Lagi na lang ganito eh. Paulit-ulit. Nakakasawa na." Ayan na. Say the magic words, baby. Nakita naming ngumiti si Issay at kasabay nun ang pagtulo ng luha niya. "...Let's just stop. Break na tayo." Bingo! At kasabay non ang pagalis niya. Umiling na lang ako nung nakita ko'ng sumunod pa din si Josh. Dami talagang nagtatanga-tangahan sa pag-ibig 'no?

Agad na nag-form ang isang matamis na ngiti sa aking labi. "Napaaga na, Maegan." At sabay sabay kaming nagtawanan. Tumama na naman ang hula 'ko. 

So yeah, I'm Kira Fate Suarez ang fortune-teller ng Azlar High.


//

Courting the Fortune-teller

Written by Shaiceee. All Rights Reserved. 2014

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon