35. Sign

29.4K 611 42
                                    

Naiinis ako kay Jared. Pakiramdam 'ko may iba siyang tinetext maliban sa akin, kanina niya pa kasi hawak-hawak ang cellphone niya at mukhang may binabasa na hindi mo malaman. Naiinis ako. Dapat na sa akin lang ang atensyon niya. Ako lang ang kasama niya kaya dapat sa akin lang. 

"Nakikinig ka ba?!" Sigaw 'ko sa kaniya. Binaba niya ang phone niya at humarap sa akin. Tumango naman siya. "Talaga lang ha? Anong buod ng kinwento 'ko?!" 

Kumunot ang noo niya sa sinabi 'ko. Naiinis ako, kanina 'ko pa gustong mag-tanong at usisain kung sino iyong katext niya, pero hindi 'ko magawa. Tuwing itatanong 'ko na, ginagapangan ako ng kaba. At sigurado naman akong aasarin lang ako ng lalaking 'to! 

May sinasabi pa siya sa akin pero hindi 'ko na siya pinansin, nauna na akong maglakad. Naiinis na talaga ako. Padate-date pa siyang nalalaman pero siya din naman itong sumisira ng date namin! And good news! Hindi lang date namin ang nasira, pati araw 'ko! 

"Kira! Hintayin mo naman ako!" Sigaw niya sa akin pero ang bilis pa din ng lakad 'ko. Paulit-ulit siya ng sinisigaw pero patuloy lang ako sa paglalakad. "What the fuck, babe!" 

Wala na talaga akong balak pansinin siya pero naramdaman 'ko ang kamay niya na humawak sa braso 'ko. "Why are you so mad, KIra? May binabasa lang naman ako!" Pagdadahilan niya. 

"Kwento mo! Lul ka!" Sigaw 'ko sa kaniya. Maglalakad na ulit dapat ako pero hinawakan na naman niya ang kamay 'ko. 

"Totoo naman, babe. Nagbabasa lang ako kanina sa UST files. May pinabasa sa akin si Aron!" 

"Oh edi sana sa computer shop na lang tayo tumambay para hindi naman masyadong nakakahiya sa'yo at sa pagbabasa mo sa UST Files 'no? Hayaan mo sa susunod na date natin! Diyan na tayo! ---Ay, wait wala na palang susunod!" Sigaw 'ko ulit sa kaniya. "Sabi mo kanina, ang sama ng pakiramdam mo kaya nagpahinga tayo, tapos paUST-UST files ka pa dyan! Nakakainis ka talaga, alam mo 'yun? Baha----"

Hindi pa ako tapos mag-salita pero naramdaman natigilan na ako nang maramdaman 'ko ang labi niya sa labi 'ko. Gusto 'ko siyang saktan, gusto 'ko siyang hampasin at sipain dahil umaatake na naman ang kamanyakan at kalibugan cells niya pero hindi 'ko magawa.

Hindi 'ko alam, pero pakiramdam 'ko may ibang kumo-kontrol sa akin. Iba ang gusto kong gawin, pero iba din ang nangyayari. Hindi 'ko alam kung anong meron sa paghalik sa akin ni Jared pero isa lang ang alam 'ko ngayon, hinahalikan 'ko na din siya. 

Hindi 'ko alam. Hindi 'ko alam kung ano na ang nangyayari. Dapat nagagalit na ako ngayon, dapat iniisip 'ko na yung mga taong nanonood at nakakakita sa amin, dapat tinapos 'ko na ang makasalanang paghahalikan namin dito. Pero ni isa doo, wala akong nagawa kundi ang suklian ang paghalik niya sa akin. 

May biglang pumasok na flashbacks sa isip 'ko kaya mas lalo akong naging panatag na ibigay ang 'oo' 'ko kay Jared. Dahil doon, mas lalo kong naramdaman na tama ang gagawin 'ko pagtapos ng event na sinasabi sa amin ni Nanay. 

Hindi 'ko alam pero dahil sa mga flashbacks na pumasok sa isip 'ko, doon 'ko lang narealize ang isang bagay: Na mahal na mahal ako ng lalaking nasa harap 'ko ngayon. Na lahat ay kaya niyang gawin para lang mapatunayan niya sa akin na totoo ang nararamdaman niya sa akin. 

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon