32. Passed

24.3K 628 40
                                    

Tagaktak ang pawis ‘ko kakahanap ng mabibilhan ng pizza na gusto ni Jared. Kaya wala na akong choice kundi dumiretso sa pinaka-malapit na mall sa Hospital. Ayos lang naman kasi, isang sakay ng jeep lang naman at nandoon na. Mabuti na nga lang din at walang traffic kaya nakadating din agad ako doon.

Para akong batang tuwang-tuwa nung nakabili na ako ng pizza ni Jared. Napapagod na kasi ako. Kanina pa ako lakad ng lakad at pakiramdam ‘ko, nasa paligid ‘ko lang ang lola ni Jared kaya wala akong karapatang maupo kahit sandal lang.

Bumili na din ako ng mga kailangan ni Jared sa Hospital. Plano ‘ko din namang lumabas kanina, hinihintay ‘ko lang talaga ang lola niya. Wala na din kasi siyang mga alcohol at kung anu-ano pa doon. Habang naglalakad ako palabas ng mall ay may nadaan akong kapelocco. Paborito dito ni Mama dahil masarap ang hot choco nila dito, kaya kahit ako nahilig na din. Kahit ang mga tinapay nila ay masarap.

“Mayaman naman sila Jared. Bahala na nga.” Dumiretso ako doon para bumili ng pinaka-masarap nilang tinapay at isang hot choco para sa Lola niya. Sana naman magustuhan ‘to ng Lola ni Jared. Bigla ‘ko kasing naalala ang Lola ‘ko, simula daw ng tumanda siya, hindi na siya nahilig sa mga pizza. Ewan ‘ko ba.

 

Medyo na-traffic ako nung pabalik na ako sa Hospital. Mga 30 minutes din ang byahe ‘ko. Pero parang biglang nawala yung pagod ‘ko nung nakita kong nagtatawanan si Jared at ang Lola niya. Ramdam na ramdam kong masaya si Jared kapag kasama niya yung lola niya. Makikita mo sa mata niya na ang saya-saya niya at parang ang gaan-gaan lang ng pakiramdam niya. Kahit kailan, ngayon ‘ko lang nakita iyon.

 

“Kira!” Napangiti ako sa kanila at gumapang na naman ang kaba sa sistema ‘ko nang maramdaman kong tumitig na naman sa akin ang Lola ni Jared. Hindi ‘ko talaga alam kung bakit ganoon lang ang nararamdaman ‘ko kapag tumititig siya.

Pumasok ako sa loob at inabot agad pizza kay Jared, “Kumain ka na. Traffic lang kaya medyo natagalan ako.”

“Sumakay ka pa?” Gulat na tanong sa akin ni Jared.

“Ay, hindi. Lumipad ako. Tapos na-traffic ako doon! Ano ba ‘yan, Jared. Sa malamang, sumakay ako. Walang bilihan ng pizza dito. Pero ayos lang naman, malapit lang naman.” Sagot ‘ko. Kanina kasi habang naglalakad ako habang pabalik sa Hospital, napaisip ako. Bakit ‘ko pa kailagan maging mabait sa harap ng lola ni Jared? Kung hindi naman ako ganun. Bully ako eh. At wala akong pakialam kung hindi iyon magustuhan ng Lola ni Jared, kasi ako iyon. Ayaw kong magbago para lang magustuhan ako ng isang tao.

Mas maganda kung magugustuhan nila ako bilang ako. Ayaw kong magpakitang-tao sa Lola ni Jared.

“Tanga mo din e, ‘no?” Sigaw sa akin ni Jared. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinila dahilan para mapaupo ako sa tabi niya. “Edi napagod ka lang! Madami pa namang pagkain diyan! Bakit mo kailangang pagurin yang sarili mo? May driver pa, Kira! Dapat tinawagan mo ako at pinasundo kita!” Galit niyang sigaw sa akin.

Naiinis na naman ako sa kaniya. Ganito din ang mga pinagaawayan naming noon, yung mga maliliit na bagay, gustong-gusto niya talagang pinapalaki.

Sa sobrang asar ‘ko, binatukan ‘ko siya. “Ang arte mo din e, ‘no? Ayan na nga yung pizza mo ang dami mo pang satsat! Isa pa, kung tatawagan kita, sayang sa load. Hindi kaya ako unli! Mamaya manakaw pa yung cellphone ‘ko! Tapos ano, uutusan mo na naman si Kuya? Eh pano kung may ginagawa din siya! Akala mo kasi lahat ng tao, ready na paglingkuran ka! Tapos masasayang lang yung gas ‘no! Eh pag sumakay ako, 15 lang! Tipid pa. Ikaw kasi, mayaman ka kaya hindi mo alam kung gaano kamahal yung gas ngayon!” Sigaw ‘ko sa kaniya. “Nakakainis, kumain ka na nga lang dyan.”

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon