30. Mahal na mahal

27.3K 659 27
                                    

“J-Jared.” Kinakabahan kong sabi habang patuloy pa din ako sa pagyugyog sa katawan niya. Nakapikit pa din ang mata niya at parang wala siyang kamalay-malay sa mga nangyayari. Sobrang lakas ng kabog ng puso ‘ko na umaabot sa point na iyon na lamang ang naririnig ‘ko.

Hindi ‘ko din namalayan na tumutulo na pala ang luha ‘ko habang patuloy lang ako sa pag-gising sa kaniya. Nakatitig lang ako sa kaniya, pero pati ako nasasaktan sa nakikita ‘ko. “Ma’am, papunta na po ang ambulansya. Tumawag na po kami!” Narinig kong sabi sa akin ng Guard.

Gusto kong humarap at magpasalamat kay Manong Guard pero hindi ‘ko maialis ang paningin ‘ko kay Jared. Sobrang kinakabahan ako na hindi ‘ko na magawang umiwas ng tingin. Umiiyak na ‘ko pero paulit-ulit ‘ko pa ding sinasabi ang pangalan niya.

“Tangina naman, Jared eh! G-Gumising ka nga diyan!” Sigaw ‘ko habang tinatapik ang mukha niya, lalo akong naiyak nung nakita kong patuloy pa din ang pagtulo ng dugo galing sa mga sugat niya sa mukha. Naiinis ako sa sarili ‘ko kasi hindi agad ako umuwi kanina. Naiinis ako kasi ang tagal-tagal kong hinanap yung libro na hiniram ‘ko. Naiinis ako sa sarili ‘ko. Kung napaaga pa lang sana ako sa pag-uwi ay siguro hindi pa nila nasasaktan si Jared.

Naiinis ako. Pakiramdam ‘ko napakawala kong kwenta para kay Jared.

Ipinatong ‘ko ang ulo ni Jared sa legs ‘ko at patuloy pa din ako sa pagtapik sa mukha niya, nagbabakasakaking magising siya. Pero wala. Kahit sana makita ‘ko lang dumilat ang mata ni Jared pero wala pa din. Hanggang sa marinig ‘ko na ang ambulansya na malapit sa amin wala pa din.

Habang nasa loob kami ng ambulansya at nakapikit lang ako habang hawak-hawak ng mahigpit ang kamay ni Jared. Tahimik lang akong nagdadasal at patuloy pa dinang pagtulo ng luha ‘ko. Sobrang kinakabahan ako na parang anytime ay sasabog na ako sa sobrang takot at kaba. Kahit kailan naman kasi ay wala pa akong nakitang ganito sa totoong buhay, puro lang sa TV. At hindi ‘ko din naman alam na ganito pala ang pakiramdam kapag nakikita mo yung taong mahal mo na ganito.

“J-Jared.” Umiiyak na sabi ‘ko. “J-Jared, punyeta ka. Wag mo akong iiwan ah?” Nanginginig pa ang boses ‘ko habang sinasabi ‘ko iyon sa kaniya. “J-Jared, lalaban ka naman diba?” Mukha siguro akong timang sa mga sinasabi ‘ko, pero parang mas gumagaan kasi ang pakiramdam ‘ko kapag kinakausap ‘ko siya.

“Ma’am, kailangan na po naming siyang dalhin sa emergency room.” Sabi sa akin ng isang lalaking nurse. Dahil sa takot at kaba ‘ko, hindi ‘ko namalayang nandito na pala.

Ayaw ‘ko mang bitawan ang kamay niya, wala akong nagawa kundi ang tumango at hayaan na silang dalhin si Jared sa ER. Kinakabahan pa din ako at hindi ako mapakali habang nasa labas ako ng E.R. Hindi ako mapakali kaya hindi ‘ko kayang pumirmi habang hinihintay ‘ko sa labas ng E.R. si Jared kaya palakad-lakad na lang din ako.

“K-Kira!” Narinig ‘ko ang isang pamilyar na boses sa akin. Tumalikod ako at nakita ‘ko si Ate Jenice na tumaktakbo papunta sa akin. Hindi ‘ko alam kung anong nangyari sa akin at bigla ‘ko na lang nayakap si Ate Jenice. Nung naramdaman kong niyakap niya ako ay naiyak na naman ako. “A-ate s-si J-Jared. M-May b-bumugbog sa k-kaniya,  A-Ate.”

Pinapatahan niya ako habang hinahaplos ang buhok ‘ko. “It’s okay, baby girl. Don’t worry masamang damo yang kapatid ‘ko, hindi agad ‘yan mamatay sa ganito.”  Narinig kong tumawa si Ate Jenice. Bumitaw ako sa pagyakap sa kaniya at nakita kong nakangiti siya. “I’m so happy to see you here, Kira. Sobrang nakakatuwa, kasi alam kong mahal mo talaga ang kapatid ‘ko.”

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon