11. Tanga

34.9K 784 74
                                    

"Hoy anong problema mo?" Sigaw sa akin ni Jared nang bigla akong huminto sa paglalakad. Hindi 'ko alam pero kanina pa lang nung pumipili kami ng damit ay nakaramdam na talaga ako ng pananakit ng ulo. Tapos ngayon naman medyo nahihlo ako.

"Ha? W-wala." Sabi 'ko na lang at dinala na ulit yung mga dala na bitbit 'ko. Hanggang ngayon ay nagmumukha lang akong katulong nito ni Jared dahil habang dala-dala 'ko ang mga malalaking paper bags ay nakasunod ako na parang buntot sa kanya.

Nung nakita ko'ng papasok na siya sa loob ng isang resto ay nakabuntong hininga na din ako. Makakupo na din ako sa wakas! Kanina pa kami palakad-lakad, ang dami-dama ko'ng bitbit tapos isama mo pa ang pag-sakit ng ulo 'ko. Nakakabwisit talaga.

Nakasandal lang ang ulo 'ko sa upuan habang nakapikit. Narinig 'ko ang pag-order niya at wala na akong pakialam doon, kahit naman mag-sabi ako ng gusto 'ko alam ko'ng siya pa din naman ang masusunod kaya ano pang use?

Nagulat na lang ako ng bigla ko'ng naramdaman ang paghawak niya sa noo 'ko. Idinilat 'ko ang mata 'ko at agad akong sumimangot.

"Shit, Kira." Mahina niyang sabi bago umupo ulit sa upuan niya.

Tiningnan 'ko din kung mainit ba ang katawan 'ko, at hind 'ko alam. Wala talaga akong alam sa mga ganitong bagay kasi alagang-alaga talaga ako ni Mama. "Mainit ba 'ko?" Wala sa sarili ko'ng tanong.

"Tangina." Mahina niyang sabi bago kinamot ang buhok niya. Sigurado akong naasar na naman to sa akin. Mali bang magtanong? Bwisit! Feeling ko lalo akong magkakasakit sa pangiinis nito ni Jared. "Babae ka ba talaga? Hindi mo manlang alam na inaapoy ka na sa lagnat?!" Singhal niya.

Yumuko na lang ako at hindi na sumagot. Bwisit. Eh sa hinid 'ko nga alam eh! Mukha naman nakonsensya siya. "H-hoy! Kumain ka na, tapos uminom ka na lang muna ng gamot sa condo bago kita ihatid. Baka kung ano pang sabihin ng mama mo."

Dahan-dahan akon tumango. Una dahil naasar pa din ako sa lalaking nasa harap 'ko, pangalawa, sobrang sumasama na talaga ang pakiramdam 'ko. Bakit kaya ako nagkasakit? Ayos naman ako kanina ah. Sabagay, sino ba naman ang hindi magkakasakit kung lalaking gaya ni Jared ang makakasama mo?

Pagtapos naming kumain ay kinuha 'ko na ulit yung mga paperbags na nakalagay sa kabilang upuan. Nagulat ako nung biglang kinuha ni Jared yung papaerbags, napatingala ako sa kanya. "A-ako na.." Hindi 'ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig 'ko, wala na din kasi akong naisip na sasabihin.

"Arte." Sabi niya at hindi na tinuloy ang pagkuha ng paperbags. Inirapan 'ko na lang siya at nagpatuloy na lang din sa paglalakad. Medyo mabagal lang ako maglakad kasi sumasakit talaga ang ulo 'ko. Hindi pa kami nakakalabas ng mall nang biglang tumalikod sa akin si Jared. Tinaasan 'ko siya ng kilay pero nagulat ako nang kinuha niya lahat ng paperbags. "Amin na nga! Ang arte arte naman kasi tapos ngayon, magddrama. Mga babae talaga." Sabi niya at nauna na ulit.

Ano bang gingagawa 'ko? Anong nagda-drama? Nakakaknins talaga to'ng si Jared. Kahit kailan! Wala na nga akong ginagawa sa kanya, pero siya talaga lagi nag-iisip ng dahilan para maasar ako sa kanya.

Pinikit 'ko lang ang mata 'ko at isinandal ang ulo 'ko sa upuan habang nagddrive si Jared. At hindi mo alam kung nangaasar ba talaga siya, imbis na patahimikin niya na lang ang sasakyan, nagpatugtog pa siya ng mas lalong nakapagpasakit ng ulo 'ko.

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon