40. A date to remember

29.5K 714 60
                                    

Pagkabasa 'ko ng sulat ni Jared sa akin ay agad kong pinahid ang luhang natuyo na sa aking pisngi. Inayos 'ko muna si Mikey sa kama 'ko bago ako tumayo at tumakbo sa loob ng CR para maligo. Mabilis akong nag-ayos, tshirt at pants lang ay ayos na ako. Hindi pa ganoong tuyo ang buhok 'ko pero kinuha 'ko na agad ang bag 'ko at nagmadaling bumaba.

"Hep hep hep! Where are you going, dalaga?" Tanong sa akin ni Mama na talagang nag-effort pang humarang sa daan 'ko. Hindi 'ko mapigilang hindi mapangiti sa tanong ni Mama. "Oh my god! Ngumingiti ka na din! Samantalang nung isang araw, parang may patay sa bahay!"

Kung kanina ay hindi 'ko mapigilang ngumiti, ngayon ay napatawa na talaga ako. "Ma naman, dali na. Ayaw mo nun? I'm baaaaack!" Masigla kong sigaw bago yumakap kay Mama. Namiss 'ko tuloy mag-ingay sa bahay. Totoo naman talaga kasi na para akong namatayan simula nung nag-away kami ni Jared, magang-maga ang mata 'ko, ang tahi-tahimik 'ko at hindi ako lumalabas sa kwarto.

Bumitaw sa yakap 'ko si Mama at tinaasan ako ng kilay, hindi 'ko mapigilang hindi mapatawa ng malakas dahil sa itsura niya. "Tigil tigilan mo ako sa kalandian mo, Kira Fate! Saan ka na naman magpupunta?!" Sigaw niya sa akin habang dinuduro-duro ako gamit ang tinidor na hawak niya.

"Pagkatapos mag-emote ng ilang araw, ngayon biglang lalandi?Ikaw na! Baka gusto mo ng award?" Narinig kong sigaw ng maldita kong kapatid na nasa sala at nagfa-facebook.

Umarte na lang ako na kunwari ay hindi 'ko narinig ang kapatid 'ko at pinilit na lang ulit si Mama, "Dali na, Ma. Ngayon lang please. I'm going to find my binata!" Pati ako ay natawa na lang nung nakita kong tumawa si Mama sa sagot 'ko.

"At talagang pinartneran mo pa ang dalagang sinabi 'ko ha?" Tawang-tawa niyang sabi sa akin. "Osiya, sige na! Lumayas ka na! Pagbumalik ka dito, siguraduhin mong kasama mo na si Jared! Sawang-sawa na ako sa kadramahan niyong dalawa!" Sigaw niya sa akin, um-oo na lang ako at humalik sa pisngi ni Mama bago nagmadaling tumakbo palabas ng bahay.

Hindi 'ko alam kung nasaan si Jared ngayon kaya naisip kong pumunta muna sa bahay nila. Habang naglalakad na ako papunta sa bahay nila ay talagang ginapangan na ng kaba ang sistema 'ko. Parang gusto 'ko na lang bumalik sa bahay pero parang may sariling utak tong paa 'ko dahil tuloy-tuloy pa din ako sa paglalakad.

"Nandyaan po ba si Jared?" Nahihiyang tanong 'ko doon sa maid na sumalubong sa akin sa gate. Parang gusto 'ko na lang tumawa ng malakas nung nakita kong parang nagulat siya na makita ako dito.

"Madame Kira!" Sigaw niya at nagulat ako nung bigla niya akong hinila at niyakap. Natawa ako at niyakap din siya. Kung nagtataka kayo kung bakit Madame Kira, iyon kasi ang gusto ni Jared, ayaw 'ko naman talaga dapat pero mapilit ang unggoy. "Ang tagal ka po naming hinintay! Si Sir Jared po kasi!"

Agad akong bumitaw sa yakap niya nung narinig 'ko ang pangalan ni Jared, "Ano pong nangyari?" Parang lalo akong kinabahan nung hindi sumagot yung katulong nila Jared, hinila niya lang ako papasok sa loob ng Mansion ng Flinn.

Magtatanong na dapat ulit ako kung saan ako dadalhin ni Ate pero nagulat ako nung nakita 'ko si Ate Jenice na pababa ng hagdan. "Ma'am! Si Madame Chanel ho, nandito na!" Tuwang-tuwa niyang sabi kay Ate Jenice.

Nung nakita ako ni Ate Jenice ay agad itong tumakbo papunta sa kinaroroonan namin at niyakap din ako, nagtataka na talaga ako pero niyakap 'ko na lang din si Ate Jenice para hindi naman nakakahiya. "Thank God! I'm really glad that you're finally here, Kira!"

Bumitaw siya sa pagkakayap sa akin at hinawakan ang dalawang kamay 'ko, "Maniwala ka man or not, papunta na dapat ako sa bahay niyo! Just to talk to you! My God! Mabuti na lang at nandito ka na!" Sa itsura pa lang ni Ate Jenice ay mukhang nakahinga siya ng maluwag dahil sa pagdating 'ko.

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon