23. Sweet

24.1K 580 28
                                    

"Okay, bye class." Halos mapatalon ako sa sinabi ni Miss Garcia. Kanina pa siya kuwento ng kuwento ng wala namang kinalaman sa subject namin. Gusto 'ko na lang sana lumabas para maayos 'ko na ang mga hinanda 'ko para kay Jared. Pero syempre, hindi namana iyon pwede.

Maniwala kayo sa hindi, naka-dalawang linggo ng nanliligaw sa akin si Jared. At sa malamang, nag-aaway kami, kami pa ba? Magtaka kayo kung hindi kami nag-aaway! Pero sa dalawang linggo na iyon, kahit madalas kaming mag-asaran, alam ko sa sarili kong mas lalo akong nahuhulog.

At ngayon, bilang mabait na soon-to-be-girlfriend ni Jared, nagbaon ako ng Adobo with Rice para sa kaniya. Siyempre, surprise 'to 'no. Ang alam niya, hindi ako makakapanood kasi may gagawin akong report na bukas na. Ilang beses niya akong pinilit pero sinabi kong hindi talaga puwede.

"Ate, pabili nga po ng gatorade. Yung blue po!" Nakita kong ngumiti sa akin yung nagtitinda sa caf kaya ngumiti din ako.

"Mukhang ang saya mo ah. Siguro may date ka ano!" Natatawang sabi ni Ate sa akin. Ngumiti na lang ako at umiling. Sa ngayon, medyo madami na ang nakakaalam na nililigawan ako ni Jared pero wala namang lumalapit o nananakit sa akin. Hindi 'ko alam kung bakit. Ang buong akala 'ko nga aawayin ako ng TRG.

Lumabas pa ako ng School para maghanap ng mabibilhan ng isaw at squidballs. Nakakatawa kasi ang bipolar na unggoy na iyon ay naadik na din sa Isaw. Hindi 'ko mapigilang hindi mapangiti habang iniisip ang magiging itsura ni Jared pag nalaman niyang bumili ako ng isaw at squidballs. Excited na tuloy ako.

Napatingin ako sa relo 'ko habang naglalakad na ako pabalik ng school. 2:45 na. Saktong 3 nandoon na ako. 3:00 talaga ang simula ng game pero ayos lang naman iyon. Para pagdating 'ko, malapit na ang break nila.

Papunta pa lang ako sa Gym rinig na rinig 'ko na ang malakas na hiyawan ng mga fangirls o sabihin na lang natin na TRG. Kung normal na studyante ka dito at walang alam sa paligid mo, siguro iisipin mo, may laban na dahil sa sobrang lakas na hiyawan. May ibang sumisigaw ng ibang players pero mas maririnig mo talaga ang pag-sigaw ng "Jared Flinn".

"'Diba siya iyong nililigawan ni Jared?" Narinig kong tanong ng babaeng kasabay kong maglakad. Hindi ako lumilingon para kunwari ay hindi 'ko pa siya naririnig.

"Oo, siya. Nakakaloka nga eh, akala 'ko ang ganda! Ang chaka naman pala, teh! Kaloka!" Narinig kong sagot naman ng kaibigan niya.

"Hala, eh kung siya ang girlfriend ni Jared eh sino daw yung babae dung nagaalaga kay Jared ngayon? Katext ko kasi si Yna kanian, tapos 'yun nga daw. May kasama daw babae si Jared!" Kasama? Sino naman iyon? Hindi 'ko pinansin yung naringi 'ko. Ayaw kong mag-away kami ni Jared dahil sa mga kwento-kwento lang.

Kung totoo man iyon, gusto kong makita sa mata 'ko, hindi marinig lang sa tainga 'ko.

Hindi ako nagpahalatang narinig 'ko sila, pero nagmadali ako sa paglalakad papuntang gym. Bawat lakad 'ko, ramdam na ramdam 'ko din ang pagkalabog ng puso 'ko. Hindi 'ko alam kung bakit ako kinakabahan ng todo-todo.

Sira ulo ka talaga, Kira. Bakit ka ba naniniwala sa mga babaeng 'yun? Kay Jared ka maniwala! Hindi ka lolokohin noon.

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon