7. Single

39.4K 850 46
                                    

Isa-isa ko yung binuksan at syempre, lahat ng 'yun ay tungkol sa mga fans ni Red. May mga nagagalit pa din sa akin, na hindi 'ko naman alam kung ano ang kinagagalit nila. Masyado lang kasi silang OA. At ano bang pakialam nila? Eh sa hindi 'ko nga gusto yung master o idol o kung ano na nilang 'yun! May mga nag-sorry din dahil nga sa ginawa nila sa akin.

Pero kahit isa, wala akong nireplyan. Ayaw 'ko mag-aksaya ng oras para sa mga taong tulad nila. Naiirita lang ako kapag naalala 'ko lahat ng nanyari sa akin. Sobrang nakakahiya para sa akin, pati na din kay Tiffie. Hanggang ngayon, iniisip 'ko pa lang na kumain ako sa bahay nila Tiffie ay nahihiya pa din ako.

Habang tumitingin ng mga post at pictures sa news feed 'ko ay may nakita akong isang post ng isa ko'ng friend na TRG din. Isa yung printscreen na pinakikita na naka-in relationship na si Tiffie at Red sa facebook. Last week pa sila nag-in relationship at ang daming likes! Sigurado akong puro TRG at mga fans ni Tiffie 'yon. Madami ding comments at halos lahat sila at nagulat. Ano bang nakakagulat doon? Eh halata naman sila na talaga! Umiling na lang ako tumingin pa ng ibang post.

Nakita ko namang nachat sa akin si Maegan. Sigurado akong gumagawa din 'to ng project ngayon, last week pa kasi 'to pinagawa samin pero dahil masipag kaming studyante, ngayon lang namin ginagawa at bukas na ang pasahan.

Maegan Vernique Zablan: Ateng! Tapos ka na sa project?

Mayroon pa'ng umiiyak na emoticon doon sa chat niya kaya napangiti ako. Sure ako, wala pa to'ng nagagawa kahit isa.

Kira Fate Suarez: Dahil maganda si Kira, oo tapos na siya. :)

Hindi pa nase-seen ni Maegan yung message 'ko kaya nirefresh 'ko muna yung facebook. Medyo bumagal na din kasi. Nakita 'ko namang may isang friend request at cinlick 'ko agad yun. Zeo Adrian Flinn. Hindi 'ko na napigilan ang pagngiti 'ko. Dammit. Crush ko si Zeo at in-add niya ako! Sino bang hindi kikiligin doon?!

Tumili tili muna ako bago cinlick ang accept. Pumasok pa yung kapatid 'ko para itanong kung ayos lang ba ako kasi para daw akong nirarape dito sa kwarto. Sorry, ngayon lang talaga ako nagka-crush ng ganito. Masaya naman kasing manghula-hula kaya wala akong time para maghanap ng crush noon.

Nakita 'ko na nag-chat na sa akin si Maegan pero hindi 'ko nam muna yun pinansin. Cinlick 'ko agad ang proflie ni Zeo. At halos lumuwa ang mata 'ko nung nakita 'ko ang cover photo niya, ang hot niyang tingnan dahil shirtless at kitang-kita ang abs niya. Tinakpan 'ko na ang bibig 'ko bago kumawala ng tili 'ko. My gulay, model din pala ang lokong 'to!

Tuwang-tuwa akong tiningnan ang iba niya pang-picture. Sinave 'ko pa yung iba. Pero nagulat ako nung nakita 'ko ang isa niyang picture, magkayakap sila ni Tiffie at kitang-kita ang kasiyahan sa mukha nila. Si Tiffie nga ang babaeng binalikan niya dito. Ramdam na ramdam 'ko yun. Pero anong meron sa kanilang dalawa? Kung si Red naman ang boyfriend ni Tiffie?

Medyo nawala yung kasiyahan 'ko sa nakita 'ko. Hello? Ako lang naman si Kira Suarez, walang wala ako kung itatabi mo ako sa isang Tiffie Alcaraz. Bumuntong hininga na lang ako at in-open yung message ni Maegan.

Maegan Vernique Zablan: Kaiyak, wala pa akong nagagawa! Kakauwi ko lang! Nagdate kami ni Josh <3

Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon