Ang Mahiwagang Bra Ni Lola by owwSIC

13.4K 130 17
                                    


Synopsis:

May brang mamahalin. May brang mumurahin. Pero ang bra ng ating bida'y kakaiba. Ang bra niya kasi ay kulay pink na nga't may bonus pang hiwaga. Mahiwaga ang bra ng ate ninyo. Kaloka, 'di ba?

Mula ng mamatay ang tatay ni Concepcion Cordova, Coco for short, sarili nalang niya ang karamay niya sa buhay. Para mapunan ang sariling pangangailangan, kinailangan niyang maghanap ng part time job habang nag-aaral siya. Pero dahil mabait, matalino, at mabait ulit si Coco, nahirapan siyang makahanap ng trabaho. Hindi naman kasi siya maganda't sexy. Pero kahit na, aba. Mabait, matalino, at mabait ulit naman siya. 'Yun nga lang. Hindi talaga siya maganda't sexy.
Hanggang sa may isang lola siyang nakilala na nagbigay sa kanya ng bra. At hindi lang ito basta-basta bra, ah. Bukod kasi sa color pink ang bra ni lola, may dala rin itong hiwaga. Ang taray, 'di ba? Kabogera ang lola niyo!
Ang bra'ng ito rin ang naging dahilan para magbago ng tuluyan ang buhay ni Coco. Nasabi ko na bang hindi lang trabaho ang nahanap niya kundi dalawang gwapo and smoking hot din na mga lalaki? Oo, dalawa. As in two. Boom panes.
Ang kwentong ito ay tungkol kay Coco, sa kaharutan niya, at sa misteryong napapaloob sa mahiwagang bra ni Lola.

----------------

I'm hooked with this story! To be honest I'm not really expecting too much. Trip ko lang basahin kasi I'm curious because the title is weird and funny, akala ko nga puro kalokohan lang to eh (no offense hehe) but then I was proven wrong. Yes, definitely may kinalaman sa magic bra ang kwento, but it was way beyond that. You shouldn't judge the book by its title. This is something. It has fantasy, comedy, drama, romance and a little bit of action.

Si Concepcion Cordova o Coco ay isang babaeng pangit, as in pangit talaga, pero sa kabila ng pisikal na anyo hindi iyon naging dahilan para panghinaan sya sa buhay. At dahil sa taglay nyang magandang kalooban, ang ate nyo sobrang haba ng hair. Dalawang hotties lang naman ang mag-aagawan sa kanya. Si Travis a.k.a. Manyakol na mala aksyon star "daw " ang kagwapuhan. Sobrang laughtrip silang dalawa ni Coco, grabe ang mga lumalabas na kalokohan sa bibig nya, walang filter hahaha. Si Heron naman ay isang sikat na artista, na sobrang gwapo at kababata ni Coco. Anu nga ba ang mangyayari kay Coco once mapasakanya ang mahiwagang bra? Anung magiging papel ni Travis at Heron sa buhay nya? Sino kaya ang pipiliin nya? Takte ang ganda nya talaga! (sarcasm hahaha)

Hindi lang puro tawa at kilig ang kwentong ito, ang dami rin mapupulot na aral. Ilang beses rin akong naiyak. Magaling talaga ang pagkakasulat.

Definitely worth reading and highly recommended!

Happy Reading!
xoxo


Best Wattpad Stories (English - Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon