He's Into Her Season 1 by maxinejiji

15.2K 261 65
                                    

Synopsis:

Masaya at madali lamang ang buhay para sa isang Deib Lohr Enrile, na hinahangaan ng napakaraming babae dahil sa itsura niya at bukod doon ay wala na. Halos ang lahat ay nasa kaniya na, mapagmahal na pamilya, maunawain at maasahan na mga kaibigan, talento, talino, magandang itsura, pera, kasikatan, magagarang gamit, kayabangan, kaaway at ugaling medyo may kasamaan. Mahilig siyang mangbully para lang mapasaya ang sarili. Kilala bilang Campus Enemy Number One dahil sa angking talento sa pang-aasar sa mga baguhang estudyante na papasok sa paaralang pag-aari rin naman ng kanilang pamilya. Sikat siya sa mga babae pero hindi dahil crush siya ng mga ito, kundi dahil takot silang mapag-TRIP-an. Para sa kaniya ay mabait pa rin naman siya, huwag mo lamang siyang aasarin.

Sa kagustuhang sagotin ng babaeng dalawang taon na niyang nililigawan ay nangako siya sa sariling magbabago at titigilan ang pagiging BULLY. Ganoon siya kadesididong maging nobya si Kimeniah, ang babaeng pinapangarap niya. Maganda, mabait, matalino at mayaman. Kung hindi lamang maliit ito ay mukha na siyang perpekto.

Ngunit sa pagpasok ng huling taon niya bilang High School student ay nagawa niyang sirain ang sariling salita. Nakilala niya ang kauna-unahang tao na naglakas-loob na patulan ang mga kalokohan niya. Ang taong kamumuhian niya ng higit pa sa inaakala niya. Ang taong nagawang baguhin ang mga pananaw niya sa buhay ng dahil lang sa hindi makatwiran nitong prinsipyo.

Siya ba ang gumulo ng buhay nito? O ito ang gugulo sa buhay niya?

Isang tao na kamumuhian niya ngunit may pagkatao na hindi niya mahulaan.

Ang babae na makapagpapatunay sa kaniya na hindi lahat ng taong gusto mo ay mahal mo.

------------

Sabi ng author nito nakaka-adik daw ang storyang ito, nung una sabi ko
"weh di nga?!!" kaya naman na-curious ang ate nyo hahaha. Matagal na to sa library ko di ko binabasa kase di pa tapos yung series ayoko ng nabibitin ako eh. Pero binasa ko parin eh pasaway lang hahaha.

Sa umpisa masasabi ko na eto yung typical na story kung saan magkakakilala si boy at girl tapos magiging aso't pusa dahil sa mainit ang dugo nila sa isa't-isa. Para saken yung first half ng story para dun lang umikot sa pag-aaway nilang dalawa. At grabe naman etong si Deib Lohr Enrile!! naloka ako sa sobrang pagiging bully nya di ko ginaya. To think na babae yung pinapatulan nya haisst. Sobrang bwisit ako sa kanya, yung pagiging childish nya eh wala na sa lugar. Eto namanng si Maxpien, isa na sya sa pinaka wierd na character na nabasa ko HAHAHA. Ang astig lang lang nya at sobrang hambog kaya nga mainit ang dugo sa kanya ni Deib eh. At kamusta naman ang endermeant nilang dalawa Taguro at Sensui HAHAHA.

Sa second half ng kwento dito na ako sobrang na-excite!!! and dami-daming tanong sa isip ko este pareho kame ni Deib. Tulad ng sino ba talaga si Maxpein? Anu ang nakaraan nya? Baket ganun ang ugali nya? Bakit ang yabang nya? STOP ME!!!! HAHAHA. Dito nadin nag-sisimula kung bakit He's into Her ang title nito. HAHAHA. Sabi nga nila "The more you hate, the more you love" eto ang peg nila Deib at Max mwahahaha. Super duper love ko rin halos lahat ng characters lalo na si Naih na sobrang nakakatuwa dahil sa expression nya na Stop Me!!! laughtrip talaga!!

Ayoko talaga ng emoticon pero this story is an excemption HAHAHA tulad ng mga to, dO_ob, dO__Ob, d>>_<<b, dTT__TTb, d^_^b, d-.-b at eto ang pinaka paborito ko d--,bvMas nafefeel ko yung nga dialogues nila eh.
Tama nga si author sobrang nakaka-adik tong basahin. At syet cliffhanger lang yung ending nitong season 1 HUHU.

Worth reading, High recommended!!

Happy Reading guys!!!




Best Wattpad Stories (English - Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon