10 Steps To Be A Lady by Khira1112

14K 121 7
                                    

Synopsis:



Si Rhea Louisse Marval ay isang babaeng hindi marunong magpakababae. Boyish, siga, sadista at amazona. Nangarap na maging lalaki ngunit dahil napapaligiran siya ng mga taong sumasalungat sa pananaw niya ay hindi niya mabago ang sarili bilang tomboy. Hanggang sa umeksena ang taong tinuturing niyang mortal na kaaway - si Lawren Harris Delgado. Ang lalaking kakumpetensya niya sa lahat ng bagay. Ang taong kahit kailan ay hindi pa niya natalo. Ang taong naging dahilan ng kanyang pagbabago. At dahil sa pambablackmail nito sa kanya ay napilitan siyang sundin ang naisip nitong kalokohan. Kung ang Diyos ay may sampung utos, si Ren na feeling diyos ay may sampung paraan para mag-transform siya bilang babae na kung mapapagtagumpayan niyang gawin ay titigil na ito sa pamemeste sa buhay niya. Magiging babae ba siya o paninindigan ang kagustuhang niyang maging lalaki?


---------


Hello guys!!! I'm going to add another batch of good stories on my list that you might enjoy reading. I assure you na these stories are worth your time!!!

I just finished this story and I'm excited to share it.


Ito ay tungkol sa isang tomboyish na babae named Rhea na kelangan gawin ang isang consequence dahil she lost a basketball game from her mortal enemy named Ren or she prefer to call by his last name Delgado. Kelangan nyang ifulfill ang "10 steps to be a lady". Dito magsisimula ang walang katapusang asaran at bangayan ng dalawa.


First thing that I love about this story is, I can see that it was well research. Yung mga advices at words of wisdom na binabanggit ay kapupulutan talaga ng aral and it is very relatable. Habang nagbabasa ka masasabi mo nalang sa sarili mo na "oo nga noh" "tama nga naman" "ouch sapul ako dun ha". Mga realization na may pagkakapareha sa ugali ni Rhea. Second is yung love story nila OMG!!!! grabe sobrang kinilig ako kay Ren nakakaloka sya. Saan kaya ako makakabili ng isang Ren Delgado? After nung confession hindi sumablay ng pagpapakilig si Ren. Tuwang-tuwa ako sa pagiging clingy at malandi nya hahaha. Ang sarap mgka-boyfriend ng katulad nya. Nakakamiss tuloy maging teenager. Third ay sila yung isang example ng Young Love. Kahit bata pa sila at marami pang pwdeng mangyari sa relationship nila they make me believe in forever chos!!! "Relationship Goals" ang peg ng dalawa, nakakainggit.


I'm already contented with the ending, because it leaves me a happy feelings. This story will teach you about finding your self, learn to accept who you truly are and enjoy being young and inlove.


Highly recommended!!

Enjoy reading!! <3

Best Wattpad Stories (English - Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon