My Boss Is A Freak/My Boyfriend Is A Freak by missflimsy

14.9K 62 5
                                    

Synopsis:


My Boss Is A Freak


Sa storyang ito, malalaman mong hindi lahat ng tinatawag na "freak" ay dorky, nerd, or just generally not nice-looking. Dahil minsan, may mga freak din na filthy rich. At matalino. At gwapo - hindi lang pala gwapo, kundi saksakan ng gwapo. (At saksakan din ng suplado.) At minsan pa, nagkakataong ang freak na 'yun ay ang iyo mismong boss. Meet Mirathea Custodio a.k.a Mira - isang accountant na ang tanging gusto lamang ay ma-hire bilang ang next Accounting Department Head ng Medialink Marketing Inc., isa sa mga pinaka-high profile na company sa bansa. Ngunit dahil 'yata sadyang unlucky day ni Mira nang mismong araw ng interview niya sa Medialink, isang reckless driver na nakasakay sa isang sosyal na Audi ang sumira sa pangarap niya. Meet Vren Andrei Ayala Montevilla a.k.a. Vren - kilala bilang ang notoriously good-looking yet notoriously mean din na owner-slash-president-slash-CEO ng bigtime company na Medialink Marketing, Inc. At ang number one sa kanyang everyday to-do list: ang magsuplado. But in spite of being rich, mega-successful, and unbelievably handsome, hindi pa rin siya nakaligtas from that one fateful morning na simula pala ng pagpasok ng isang painfully annoying na babae sa buhay niya. Well, what can they do? No one is safe from destiny.


My Boyfriend Is A Freak


Kung sa My Boss Is A Freak ay napatunayan niyong posibleng magkaroon ng isang unbelievably handsome, smart, and mega-rich na freak, dito naman sa pagpapatuloy ng ating storya ay malalaman niyong posible rin palang ang freak na 'yun ay ang mismong maging first boyfriend mo. Yup, you read it right. Meet Mirathea Custodio, ang accounting department head ng Medialink Marketing, Inc. Kung dati, public enemy number one niya ang kanyang freak na boss, ngayon... Sabihin na lang nating nagka-change of heart na siya. Meet Vren Andrei Montevilla, ang big boss ng Medialink na kilala sa pagiging notoriously handsome yet equally notorious din sa kasupladuhan. Pero dahil all is fair in love and war, 'ika nga, kahit naman siya ay marunong ding magmahal. Two most unlikely persons who are now officially in love - 'yan ang status ng dalawa nating bida ngayon. But will they maintain that status through the challenges to come?


------------



Since ang boyfriend kong si Sean O'pry ang portrayer ng story na to hindi pwdng hindi ko to mabasa HAHAHA. I admit at first yun talaga ang reason ko pero habang binabasa ko to, masasabi kong maganda nga yung story.


My boss is a freak, the first book started on how Mira and Vren met, in a disastrous way hahaha. Kaya umpisa palang ay hindi na maganda ang pgkakakilala nila. Then Mira found out na si Vren pala ang magiging new boss nya. Diba ang awkward? Sa first book actually is yung part na getting to know each palang sila and how they fell for each other.


The book has Mira and Vren alternate POVs. Natutawa ako sa sobrang pagiging conceited ni Vren sabi nga ni Mira, GGSS daw si Vren which is true hahaha. Si Mira naman ang lakas maka-Swifty kaya nakarelate ako sa kanya.


On the second book, My boyfriend is a freak, obvious naman na mg-jowa na sila dito, kaya naman kinilig ako ng sobra sa kanila. Dito narin magsisimula yung trials in their relationship, which is the comeback of the ex at ang mga revelations nito. Masusubok ang love nila sa isa't-isa. I really like the attitude of Mira because hindi talaga sya pumayag na maagaw si Vren sa kanya. Ang lakas mang-bakod ng lola nyo hahaha. Dapat naman talaga ganun diba? Ang ex at parte na ng past. Kaya go girl!!!


Hope you enjoy this story as much as I do.

Happy reading!!

Best Wattpad Stories (English - Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon