Chapter 43

12.3K 264 26
                                    

“Hoy Julieta!”

Inilayo ko ang cellphone ko sa tainga. Asar naman itong si Kim. Kailangan talaga akong sigawan ng bongga? Ipinagpatuloy ko nalang ang pagtutulak sa pushcart. Nandito ako sa isang supermarket para mag-grocerry. Nahilot ko ang sentido at medyo kumikirot ang ulo ko.

Ibinalik ko na ulit ang phone malapit sa tainga ko. “Bakit ba?”

“Hinahanap ka ni Boss! Na saan ka ba ngayon at panay ang absent mo? Nakapagbakasyon ka lang tinamad ka na?”

“Masama ang pakiramdam ko.” Totoo naman iyun. “Nag-email naman ako sa story ko sayo kaya gawin mo nalang. Tatawagan ko nalang si Boss mamaya para ‘di ako sunugin nun at mawalan pa ako ng source of riches.”

“Ano bang pinaggagawa mo sa buhay mo?”

“Ginagawa ko ang pinapagawa mo.”

“Ilang chances nalang ba ang natitira?”

“Siyam nalang… noong pumunta ako sa San Isidro sinali ko nalang iyung sinabi niyang layuan ko na siya, so far buhay pa naman ako. Noong isang araw nga ay nakakangiti at nakakasira pa ako ng buhay mo, diba?” Tumawa ako. “Kahit na medyo epic fail ang mga to-do-list ko sa pagbuwag sa JoyRome love team. Karey ko pa naman.”

“Huwag ka nga lang pasobra at baka ma paano ka na. Tignan mo na nga iyang sarili mo? Tinalo mo pa ang may cancer ng dugo sa dami ng pasa at sugat mo. Hindi mo naman siguro kailangang saktang ang sarili mo para lang mapansin ka ni Rome sa ospital. Naku! Baka makabili pa kami ng pink na kabaung ng maaga masira pa ang plano mo.”

“Baliw! Hindi noh. Tinigilan ko na iyun.”

“Oh siya, sige, ibaba ko na ito at tatapusin ko na itong bagong storya mo. Ang Pitong Pink Froglets ni Inday Kayumanggi. Seriously?”

Natawa lang ako. Ang galing ko talagang gumawa ng title. Naks! Most creative author yata ito. Kaya magdusa ka sa pink froglets ko. “Pinoy version iyan ng Snow White.”

“Pansin ko nga,”

“Sige na, bye.”

“Bye,”

Pinatay ko na ang cellphone ko at ibinalik iyun sa bag. Masakit talaga ang katawan ko nitong nakaraang araw. Uminum naman na ako ng gamot at nawawala naman iyun. Trangkaso lang siguro at over fatigue. Sa mga ginagawa ko ba namang kalokohan lately. Hindi na ako magtataka na sumbatan ako ng galit ng mga kasukasuan at balat ko sa inis.

Magpapa-belo nalang ako kapag sumahod na ako.

Napapikit ako bigla. Hindi ko alam peru biglang umikot yata ang paningin ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa handle ng pushcart ko. Lalo yatang kumirot ang ulo ko.

“Julie?” Napalingon ako sa nag-salita. “Are you okay?”

“Rome?” Biglang nawala ang kirot sa ulo ko. Naks! Nakita lang si Rome nabuhay lahat ng good bacteria sa katawan Julie? Ngumiti ako sa kanya ng super sweet of course. “Anong ginagawa mo dito?”

“May binili lang ako,” napatingin ako sa basket nito at napangiti. Hindi parin pala talaga siya nagbabago. Mahilig parin siya sa mga junkfoods. Peru hindi na gaanong marami tulad noon.

“Hindi parin pala nawawala ang hilig mo sa mga junkfoods kahit ‘di naman iyun healthy sa katawan Rome.”

“Minsan lang naman… pampawala ng stress.”

“Okay lang iyan, masarap talaga ang bawal.”

“Malapit lang ba ang bahay mo dito?”

“Naku hindi,” umiling ako. “May dinaanan kasi ako kanina.”

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon