Camera 1 - New Life, New Chapter

97.9K 2.1K 118
                                    


*Vivi's POV*


Huminga ako ng malalim habang tinitigan ko ang sarili sa salamin. This is it. Ngayong araw na 'to magsisimula ang pagpapanggap ko bilang asawa ni Kaz. Wala namang mababago maliban lang siguro sa pagtawag sa akin ng Mrs. Legaspi.


"Ready?" tanong ng wedding organizer.


Nilingon ko siya saka tumango. Ngumiti siya sa akin saka sinabing, "naghihintay na sila."


"Viv?" lumapit sa akin si Mommy,"watch your make up. Don't cry dahil masisira ang masterpiece ni Barbie," lumingon siya sa baklang nag-ayos sa akin, "you did a great job on my daughter."


Napaikot ang mga mata ko dahil sa narinig ko. My mother never cared that I am getting married what she is more worried about is the aesthetics. Pakiramdam ko tuloy, pinamigay lang ako kasi wala man lang bakas ng pangungulila sa anak ang makikita sa mukha niya. Sabagay, sanay naman siyang iniiwan ako.


"Wait," hinawakan niya ang siko ko, "Here is something borrowed," hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang inilabas niya ang paborito niyang hikaw at isinuot sa akin. Simpleng gesture lang yan pero napakamahalaga sa akin.


"Mommy?" tawag ko.


"Naku huwag ka nang magsalita Vivienne, bawal ang drama," napangiti ako sa sinabi niya dahil sa ganoong paraan ko nalaman na mahalaga pala ako sa kanya, "Tandaan mo, hindi ka na baby, magiging Mrs. Legaspi ka na kaya umakto ka ng tama."


"Don't worry, kaya ko 'to" saad ko.


"Sabagay, sa ganyang paraan ka naman minahal ni Kaz," bahagyang kumirot ang puso ko nang margining ko ang sinabi niya. Oo nga pala, inakala niya palang tunay akong minahal ni Kaz.


Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto. Agad kong nakita si Daddy na inaabangan ako. Hindi ko alam pero parang nagtampo ako kay Daddy. Hindi naman kasi niya pinahirapan si Kaz 'di katulad ng mga manliligaw ng mga ate ko. Pero naisip ko rin na dapat akong magpasalamat dahil kung pinahirapan ni Daddy si Kaz, baka hindi magiging ganito ang kahihinatnan namin.


Iginiya ako ni Daddy patungo sa function hall kung saan gaganapin ang civil wedding namin. Ang alam ko, peke ang judge at pekeng papeles ang pipirmahan namin pero kahit ganun, kinakabahan pa rin ako. Maraming taga media ang nakaabang sa may pintuan ng function hall. Exclusive kasi sa network na pinagtatrabahuan ni Kaz ang coverage ng kasal kaya hanggang sa may entrance na lang ang ibang media men.


Bahagyang nagkagulo nang makita ako. Lahat sila gustong kumuha ng litrato ko. Sanay ako sa ganito pero hindi pa rin maiaalis na mailang ako dahil makakaharap ko na ang pinaka-gwapong nilalang sa balat ng lupa.


Natahimik ang lahat nang i-nanunsyo na ng organizer na magsisimula na ang wedding entourage agad namang binigay sa akin ang mikropono. Dalawang araw lang naming ininsayo ang kantang "Kahit Kailan" by Southborder. Ito kasi ang gustong mangyari ni Louwinsky, para daw mapansin na singer din ako.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Where stories live. Discover now