Chapter 21 - Part 2 of 4

15.8K 347 25
                                    

Please Pa-like naman po my page sa FB :)

http://www.facebook.com/pages/fedejik-stories/432094690201815

 Pasensya na po if di ako nag-update agad, maunti lang kc votes hehe pero oks lang po. bahala na po kayo, basta weekly na lang po mag-UD sa parts.  Mas masarap din naman sa feeling kung iboto pinaghirapan mo diba? oh well...

Si Gerald nga ba ang secret admirer ni Corine? hahaha :D saya lang! hahaha eto na malalaman nyo na agad-agad!!!

#dean

*********

 CHAPTER 21 - Part 2 of 4

  

            “Oh, thank you…”  Tipid pa siyang napangiti dito.  “Ikaw ba y-yung--”

            “I just want to give you this.”  Iniabot pa niya ang mga white roses.

            “Thank you.” 

            “But I’m sorry,”  Pigil pa ang tawa nito.  “I am not whom you expect me to be.”  Napakamot pa iyon ng ulo.  “Napag-utusan lang po.”

            “Huh?”  Taka pa siyang napatitig dito. 

            May lumapit muling lalaki sa kanya at gwapo rin tulad ni Gerald pero tulad din nito, nagpakilala lang iyon sa kanya at nag-abot lang din ng mga white roses sa kanya at umalis din.  Nagpatuloy ang routine na iyon hanggang sa hindi na niya nabilang kung pang-ilang lalaki na ang nag-abot sa kanya ng mga roses.  Nakababa na nga ang ibang roses dahil talaga namang hindi na siya makadala.

            “Wait!”  Awat pa niya sa paparating na lalaki na noo’y itinatago rin ang mukha sa hawak nitong mga white roses.

            Agad naman ding napatigil ang lalaki.

            “Whoever you are at kung ikaw man 'yung secret admirer ko or possibleng baka nagtatago ka lang din sa paligid,”  Sinadya pa niyang ilakas ang boses niya.  “I really do appreciate itong bongga mong surprise,”  Iginala pa niya ang paningin sa paligid.  “Pero siguro naman din, alam mong may boyfriend na ako and I love him so much.”  Panay pa rin ang linga niya sa paligid sa pag-asang lilitaw na ang totoong admirer niya.  “Ayoko lang mamis-interpret mo ang pagpunta ko dito. I just wanted to meet you at pasalamatan ka na rin for somehow taking the effort na mapasaya ako. Thank you.”  Napabuntong-hininga pa siya.  “Sorry din if hanggang sa friendship lang ang kaya kong i-offer sa’yo.”

            “Are you done with your speech, madam?”  Bigla pang nagsalita ang lalaki na nagtatago pa rin sa mga roses na dala nito.

            “S-sorry…”  Bahagya pa siyang napatanga sa pagkarinig sa boses nito.  Kilalang-kilala niya ang boses na 'yun.

            “I am more than happy to finally reveal myself to you.”  Mas lumapit pa ito sa kinalalagyan nang naguguluhan pa ring babae.  “And, I want to thank you for making me happy too.”  Noon na nito unti-unting ibinaba ang roses para ipakita ang kanyang mukha.

            “Liam?”  Hindi siya makapaniwala!  Ang nobyo at ang matagal na niyang secret admirer ay iisa!

            “Surprise!”  Nakangiti pang sabi niya sa napatulalang nobya.

            “Ikaw lang 'yun?”  Hindi siya makapaniwala.  “Paselos-selos ka pa, ikaw lang pala 'yun!”  Agad pa siyang napaiyak at mabilis na yumakap dito.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon