Chapter 22 - Part 1 of 2

14.7K 320 15
                                    

Published: April 7, 2013

Sana po patuloy nyo pa rin support ito. God bless po! :))

<3 dean :)

*********

CHAPTER 22 - Part 1 of 2

 

            Mabilis na lumipas ang panahon at nakatapos na rin sa pag-aaral sina Corine at Liam.  Sa kasalukuyan nga ay nagta-trabaho si Corine sa isang malaking kumpanya sa Makati.  Si Liam naman ay kasalukuyan ring namamahala sa isa sa mga kumpanya nila ng clothing apparel at shoes.  Magkatuwaang silang magkapatid sa pamamahala sa kumpanyang naiwan ng mga magulang sa kanila. 

            At ngayon nga ay papunta si Liam sa opisina ng nobya.  May kung ilang araw na rin kasi silang hindi nagkikita dahil na rin sa sobrang busy nila sa kani-kanilang mga trabaho.

            “Babe!”  Si Liam na hindi napigil ang sariling yakapin ang nobya nang makita ito.

            “Babe…”  Agad naman din niyang ginantihan ang yakap na iyon.  Sobrang miss na miss rin kasi niya ang nobyo.  Pero agad din siyang humiwalay dito lalo pa nga’t ang daming nakiki-usyoso sa kanilang dalawa. Sinenyasan niya itong maupo upang kahit papaano ay makubli sila sa mga usyosero.

            “How are you?”  Si Liam na mahigpit pang ginagap ang kamay ng nobya.

            “I’m okay.  Ikaw?”  Balik tanong pa niya dito sabay himas sa gwapong mukha nito.

            “Eto, sobrang miss na miss na kita.”  Napabuntong-hininga pa ito.  “Sabi ko naman sa’yo diba?  Sa company ka na lang namin mag-work.  At least I’ll get to see you more often.” 

            “Hey, hindi naman kasi puwede 'yun at nand'un din kasi si Ian. It will be uncomfortable.”  Matapat rin namang pagsasabi niya.

            “Hmmm…”  Muli ay napahugot siya nang isang malalim na buntong-hininga.  “Pero kapag ganito ang set-up natin, mas lalong dumadalang ang pagkikita natin.”

            “Gan'un talaga. Tiis talaga…”  Malungkot din namang sagot niya.  “Buti nga pala nakapasok ka dito?”

            “Kakilala ko ang owner ng company na ‘to.  Family friend.”  Tipid namang sagot niya. 

            “Ah ganun ba?  kapwa mayayaman lang din ang nagkakakilanlanan talaga 'no?”

            Payak namang napangiti lang si Liam sa sinabing iyon ng nobya at mabilis iyong hinalikan sa labi.

            “I have something to tell you,”  Mas lalong nabago ang aura ni Liam.

            “A-ano?”  Hindi niya maiwasang kabahan sa mga pagkakataong iyon lalo pa nga’t malungkot ang boses ng nobyo.

            “Pupunta ako ng LA.” 

            “Huh?”  Hindi na niya nagawang makapagsalita. 

            Hindi rin nagawang sundan ni Liam nang salita ang naunang sinabi.  Sa halip ay mahigpit lamang niyang niyakap ang naluluhang nobya.

            “K-kailan ka a-aalis?”  Lakas loob pang tanong ni Corine kahit na nga nanginginig na ang boses niya.

            “N-next week…”  At noon na siya humiwalay sa pagkakayakap dito.  “Hindi kasi maganda ang situation ng branch company namin doon. Madalas ding magkasakit 'yung CEO doon…” 

            “G-gaano ka katagal d-dun?”  Pinipigilan pa rin niya ang sariling maiyak kahit na nga alam niyang nangingilid na ang luha niya.

            “I don’t know. I don’t have any idea.”  Bahagya pa siyang umiling.  “I want you to come with me.” 

            “Liam,”  Bahagya pa siyang umiling dito.  “May work ako dito diba?”

            “I know pero I can help you kung work lang ang concern mo.  I want you to come with me.”  Sumamo pa niya dito.

            “No, babe.”  Muli ay umiling siya dito.  “Ano na lang iisipin ng mga kamag-anak mo sa akin?”

            “Hell I care. Ang important sa akin ay ang kasama kita.  I don’t give a damn kung ano man ang isipin ng ibang tao.”  Kunot-noo pa ito.

            “As much as I want to come with you,”  Napabuntong-hininga pa siya.  “I just can’t.”  Noon na siya natuluyang maiyak.  “Alam mo naman na ang dalas na magkasakit ng nanay at tatay. Kawawa naman si Botchok kung iiwan ko pa.”

            “Hmmm…”  Napaisip rin naman siya.  “I’m sorry. That is so selfish of me.”

            “Hey,” Hinawakan pa niya sa pisngi ang malungkot na nobyo.  “Hihintayin kita dito. Hihintayin ko ang pagbabalik mo.”

            Muli ay napahugot nang isang malalim na buntong-hininga si Liam.  Ngayon pa lang ay mabigat na sa loob niyang mapahiwalay dito pero wala din naman siyang magawa. 

            “When I come back, I’ll marry you.”  Seryoso pang sabi lang ni Liam sa nobya.

            “Huh?”  Mas lalo siyang hindi makapaniwala sa narinig.  Pakakasalan siya ni Liam!

            “I just hope you wont turn me down when that happens.”  Malagkit pa niya iyong tinitigan sa mukha.

            “L-liam…”  Lalo na naman tuloy siyang naiyak.

            “Why are you crying?”  Alala pang tanong niya.

            “Nagjo-joke ka ba?”  Humihikbi pang tanong niya.

            “I am going to marry you and that is not a joke.”  Seryoso pang sagot niya at kinagat pa ang labi habang hinahaplos ang mukha nito.  “I don’t want to be apart from you anymore.  I’ll marry you when I come back.”

            “I’ll wait for you then,”  Umiiyak pang sagot niya.  “And I will marry you, Liam.” 

            “Really?”  Hindi rin naman siya makapaniwala sa sinabi nito. 

            “Yes. We will get married and  I’ll wait for you.”  Wala tigil ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

            “I’ll definitely come back, future Mrs. Liam Monteverde.”  Mariin pa niyang ginawaran nang halik ang nobya sa labi.  Tipong ayaw magpakawala.

            “Hey,”  Tinapik pa niya ang nobyo sa balikat lalo pa nga’t tila naghihintay itong tumugon siya sa halik nito.  “Not here…”   Natatawa pang sabi niya dito.  “Maraming tsismosa dito.”

            “It’s almost five.”  Napatingin pa ito sa relo nito.  “Let’s go out.”

            “Sige.”  Panandalian niyang tinalikuran ang nobyo at pinatay ang kanyang computer.  Inayos lang din niya ang ilang gamit bago muling balingan ang tila tulalang nobyo.  “Let’s go?”

            “Okay.”  Ginagap pa niya ang kamay ng nobya at holding hands silang lumabas ng opisinang iyon kasunod ang mga malisyosang mga mata ng kasamahan ng nobya sa opisina.

********

Please Pa-like naman po my page sa FB :) Fedejik's Stories

http://www.facebook.com/pages/fedejik-stories/432094690201815

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon