Chapter 18 - Part 2 of 2

17.2K 310 10
                                    

Published: March 7, 2013

Dedicated to her! i love her comment! super agree! :)) God bless u po!

********

God bless everyone!

#dean


********

CHAPTER 18 - Part 2 of 2

       

         “Masakit ba?”  Si Liam na mataman pang tinitigan ang nobya sa mukha.  Sa kasalukuyan nga ay nasa music room sila.  Lumuhod pa siya sa harapan nito at inikot-ikot ang kanang paa nito.

            “Aaahhh…”  Napangiwi pa si Corine nang biglaing hilahin ng nobyo ang kanyang paa.

            “You’ll be fine…”  Hinilut-hilot pa niya iyon bago bitawan.  “Why didn’t you tell me?”

            “A-ang alin?”  Maang-maangan pa siya. 

            “What are you doing here?”  Taka pa rin ito. 

            “S-sideline lang. Sayang kasi…”  Katwiran pa niya.

            “Sideline?”  Kunot-noo pa ito.  “Pero hindi mo naman sinabi sa akin.  Are you hiding something from me?”

            “W-wala 'no!”  Mabilis pang sagot niya.

            “Really?”  Hindi siya kumbinsido.

            May kung sinong kumatok at dahan-dahan ngang nagbukas ang pinto.  Si Jade.

            “Liam, etong damit oh.  Ipasuot mo muna sa girlfriend mo.”  Nakangiting inabot pa ni Jade ang isa sa mga damit niya.

            “N-naku!”  Taranta pang tanggi naman ni Corine.   “Hindi na po kailangan, Ms. Jade!  Hindi naman po nadumihan ang damit ko!  Thank you na lang po!” 

            “Bisita ka ni Liam and Liam is like a younger brother to us.  Kung sinong important sa kanya, important rin sa amin.”  Nakangiting paliwanag pa ni Jade.

            “Hindi na po talaga!”  Tanggi talaga siya.  “Kailangan ko na po bumalik sa trabaho.”  Tumayo pa siya at iika-ikang naglakad.

            “Are you sure?”  Si Liam na worried pa rin.  “Ayan nga’t iika-ika ka pa.”

            “Okay lang talaga ako, Liam…”  Naramdaman din naman kasi niyang nakaginhawa ang pagkakahilot ng nobyo sa paa niya.

            “I’ll just pay your day, okay?  Iuuwi na lang kita.” 

            “Ayoko!”  Mabilis pang tanggi niya.  “I-I mean, kaya ko naman talaga. Hayaan mo na lang ako, Please…”  Pakiusap pa niya dito.

            Hindi naman nakasagot kaagad si Liam pero sa bandang huli’y tumango na lang din siya sa nobya.  Ayaw rin naman niyang isipin nito na kinokontrol niya ito.

             

            Kaya naman matapos lang na makapag-usap na saglit ay nagpasya na ring bumaba sina Liam at Corine sa unang palapag ng bahay.  Agad na ring nagbalik sa trabaho si Corine at lumayo na muna sa nobyo.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon