Published: June 13, 2013
Well, this is it! the end... oh well, thank you po sa mga nagbasa, bumoto at nag-comment 'til the end... pati na rin siyempre dun sa hindi man nagparamdam pero nag-abalang tapusin 'tong story na 'to. Thank you rin sa mga nainis at hindi na itinuloy basahin ang story na 'to. Lahat na! hehehe :D Maraming thank you po! Na-inspired nyo rin po ako kaya yung supposedly 10 chapters lang talaga, naging 30 chaps. Saya diba? So, thank you! over over! umaapaw!!! :D
I have upcoming KimXi story din po entitled "Married To You". hope support nyo pa rin! :) kung hindi naman, ok lang din hehe :)
So, this is it for now! God bless everyone! Please do share this wonderful story to others, para naman marami rin ang ma-inspired, at mainis na rin! wahahaha
Love,
Ate Dean :)
********
CHAPTER 31- ( No Ordinary Finale )
CORINE’s POV
Ano kayang pakulo ni Liam? Bakit naman kailangan pang dito kami sa dating school namin magkikita? At sa stadium pa talaga?! Ang dilim-dilim pa naman. Baka may mumong lumitaw pa dito! Naiisip ko pa lang kinikilabutan na ako! Wala naman sana! Kung hindi ko lang talaga siya namimiss nang sobra hindi ako dito tutuloy. Tagal na kasi naming hindi nagde-date dahil sobrang busy na kasi siya sa trabaho at inaayos niya ang gusot na naging kagagawan ng mag-inang Ian.
Actually, lalabas na lang sana ako ng stadium nang biglang may marinig akong mahinhin na kumakanta sa paligid. Unti-unting nagliwanag ang buong stadium. Oh my God, totoo ba ‘to? Halos mapuno ng rose petals ang paligid at may choir na kumakanta sa likod ko.
♪♫ Sana’y ako ang pagbigyan ng puso
Pangako sa’yo
Ikaw ang iibigin ♪♫
♪♫ Araw-gabi, Ikaw nasa isip
Unang tingin
Ako ay nabighani ♪♫
♪♫ Tunay ang nararamdaman
Sa’yo magpakailanman ♪♫
♪♫ Ako’y sa’yo lamang
Ibibigay higit sa kaya
Ako’y sa’yo lamang
Bigyan mo sana ng pag-asa
Sa’yong sa’yo lamang
Tiwala mo ay iingatan
Ako’y sa’yo lamang
Iyong-iyo lamang
Ako… ♪♫
♪♫ Iyong-iyo lamang
Ako… ♫♪
Oh my, eto na ba 'yun? Magpo-propose na ba sa akin si Liam? OA na nga siguro ako masyado pero naiiyak talaga ako. Tagal ko kayang hinintay ‘to! Isip ko nga, nakalimutan na niya ang promise niya noon na papakasalan niya ako.
“Babe…” Si Liam!
“Babe…” Napatitig lang ako sa kanya at may dala siyang white roses.
“Hi…” Hi? Seryoso siya sa ‘hi’ niya? Eto nga at panay na ang moment ko?
“A-ano bang ginagawa m-mo?” Umirap ako sa pero naiiyak pa rin ako.
BINABASA MO ANG
NO ORDINARY LOVE
Teen FictionDati ng crush ni Corine si Liam, isang sikat na football star player sa school nila. Pero hindi niya iyon ipinapaalam sa kanyang mga kaibigan dahil na rin sa hiya na pagtutuksuhin siya ng mga ito. Pero bago pa man sila magkakilanlan ng husto ni Li...