Chapter 22 - Part 2 of 2

14.3K 317 20
                                    

Published: April 11, 2013

what will happen sa love story nina Corine at Liam?  hmmm... early warning lang 'to hahaha! but thank you really from the bottom of my heart for reading this kahit maraming di marunong mag-vote hehe but it's ok, masiyahan lang kayo, ok na.:) God bless po! :)

#dean

*********

CHAPTER 22 - Part 2 of 2

Pero sa halip na pumunta sila sa isang restaurant para kumain ay nagdiretso na sila sa condo unit ni Liam.  Simula kasi noong magtrabaho na ito ay kumuha ito ng unit na mas malapit sa opisina nito.  Si Karen naman din kasi ay dinala ng kapatid ng kanyang papa sa America para doon na rin pag-aralin. 

            “Bakit dito tayo nagpunta?”  Taka pang tanong ni Corine sa walang imik na nobyo.

            “Wala naman. Gusto ko lang makapagsolo tayo.”  Tipid na sagot lang ni Liam at diretsong inihiga ang katawan sa malambot na sofa nito.  Sinenyasan niya ang nobya na maupo at umunan siya sa mga hita nito.

            Si Corine naman ay agad na hinimas ang buhok ng nobyo.  Ramdam niya ang lungkot nito.  At gayon rin naman ang nararamdaman niya sa mga pagkakataong iyon. 

            “Can you stay here for tonight?”  Alanganin pang tanong ni Liam sa nobya sabay tingala pa dito para titigan sa mukha.

            “O-okay…”  Hindi na rin naman siya nag-alangan sa pagsagot.  Alam niyang higit kailanman, sa panahong iyon kailangang-kailangan siya ng nobyo.

            “Thank you…”  Tipid pa siyang ngumiti sa nobya at agad na ginagap ang kamay nito at buong pagmamahal na hinalik-halikan.  Ipinikit niya ang mga mata habang hawak ang isang kamay ng nobya na nakadikit sa labi niya.

            Hindi naman naiwasang maging emosyonal ni Corine sa mga pagkakataong iyon.  Sa totoo lang ay napakahirap din para sa kanya ang malayo sa nobyo.  Sa iilang araw nga lang na hindi sila magkita ay talaga namang parusa rin para sa kanya.  Paano pa kaya kung tuluyan na itong malayo sa kanya at hindi pa niya alam kung gaano katagal.

            Ni hindi nila namalayan na nakatulugan pala nila ang ganoong posisyon.  Nagising na lang si Corine nang maramdaman niyang may humahalik sa labi niya… ang nobyo.

            “Hey, nakatulog tayo parehas.”  Mapakla pa iyong ngumiti. 

            “Oo nga.”  Dumiretso pa siya nang upo at hinawakan ang pisngi ng nobyo.  “Anong gusto mong kainin?”

            “Ewan ko,”  Napakibit-balikat pa siya.  “To be honest, parang nawala ang appetite ko sa pagkain.”

            “Hindi naman puwedeng hindi ka kakain.”  Noon na siya tumayo at agad na naghalungkat sa ref ng nobyo.  “Ano nga ba?”  Malalim pa siyang napaisip habang nakatingin sa mga available na rekado na puwedeng lutuin.

            “Steak na lang.”  Si Liam na noon ay nasa likod na rin ng nobya.  “Eto o.”  Siya na rin ang kumuha ng frozen meat sa freezer.

            “Sige.”  Kinuha na rin naman niya iyon sa nobyo at agad na ring nagtuloy sa munting kusina nito.

            At habang nagluluto ay tahimik lang na nakatanghod si Liam sa nobya.  Naaaliw siyang pagmasdan iyon. 

            “Baka naman malusaw ako niyan, Mr. Monteverde…”  Iiling-iling pang sabi niya sa nobyo.

            “Sarap mo kasing titigan. Kahit di pa ako kumain, busog na ako.”  Pabiro pang himig niya.

            “Weh?”  At kahit pa nakokornihan siya sa birada ng nobyo ay kinikilig pa rin siya.  “Puro ka biro.”  Inirapan pa niya iyon.

            “Ngayon pa lang ang sarap mo na mag-alaga. What more if official Mrs. Liam Monteverde ka na?”  Matamis pa siyang napangiti dito.

            “Hmmm…”  Iniwan muna niya ang niluluto at lumapit sa nobyo.  Inayos pa niya ang kuwelyo ng polo nito at panandaling napatitig sa mukha nito.  “Mas bubusugin kita sa pagmamahal ko.”

            “I like that,”  Matamis pa siyang ngumiti at mabilis na hinalikan pa iyon sa labi. 

            “And, para lagi mo akong naaalala, 'wag na 'wag mong tatanggalin sa leeg mo ang necklace na ibinigay ko, okay?”

            “You don’t have to remind me that.”  Hinawi pa niya ang buhok nitong humaharang sa mukha nito.  “With or without necklace,”  At kinuha rin niya ang isang kamay nito at itinapat sa tapat ng kanyang puso.  “You’ll always be here… forever.”

            “Hmmm…”  Siya naman ang humalik dito.  Halik na tipong kahit minsan ay hindi siya ang nag-initiate. 

            “Damn,”  Gigil naman si Liam sa mga pagkakataong iyon lalo pa nga’t ibinitin talaga siya ng nobya at nakangising bumalik sa niluluto nito.  “One more time, please…”  Sumamo pa nito.

            “On our wedding.”  Pabiro pang sagot niya.

            “Ugh,”  Pigil pang gigil nito at kagat labi lang na napangiti sa nobya.

            Hindi naman rin nagtagal ay pinagsaluhan nga nila ang hapunang pinagtulungan nilang igayak.  Gayon pa man, kahit pa masarap ang nakahain sa mesa ay tila mas nangingibabaw pa rin ang lungkot sa pagitan nilang dalawa.

            At mabilis ngang lumipas ang mga araw, dumating na rin ang araw nang pag-alis ni Liam patungong Los Angeles.  Kasabay rin nito si Ian na panandalian ring mananatili doon para alalayan si Liam sa pag-handle ng negosyo nila.

            “Babe, I’ll call you as much as I can okay?”  Si Liam na malungkot pang hinaplos ang pisngi nang umiiyak na nobya.

            Tumango lang si Corine bilang sagot.  Pakiwari ata niya’y mawawasak ang puso niya sa sobrang lungkot.

            “Mag-iingat ka ha.  Huwag ka na rin magpapagabi masyado nang uwi.”  Mahigpit na bilin pa ni Liam.

            Muli ay tumango siya sa sinabi ng nobyo.  “Ikaw din, mag-iingat ka dun ha. Aalagaan mong sarili mo.”

            “I will,”  Malungkot pang sagot niya.  “And, when I come back, we’ll get married okay?”

            Tumango siya at yumakap lang siya nang mahigpit sa nobyo.  Alam niyang matatagalan bago iyon makabalik.  At ngayon pa lang ay sobrang nangungulila na siya dito.

            “I love you.”  Kumalas pa siya sa yakap na iyon ng nobya at buong pagmamahal pa iyong ginawaran nang halik sa labi. 

            “Liam, we need to go.”  Si Ian na in-interrupt pa ang romantic kiss ng dalawa.

            “I love you. Take care okay?”  Habilin pa ni Liam sa umiiyak pa ring nobya. 

            “I love y-you, babe…”  Humihikbi pang sagot lang din niya.

            “Bro, ikaw na ang bahala kay Corine, okay?”  Bilin pa nito sa pinsang si Andy na noo’y sumama ring maghatid sa kanila sa airport lalo na nga’t pansamantala rin nilang inihabilin dito ang pamamahala sa company nila at isa rin naman itong major stock holder.  

            “Don’t worry about it, Liam.  Ingat kayo sa byahe.”  Sagot naman ni Andy at tinapunan rin nang tingin si Ian.

            “Thanks, bro…”  tinapik pa niya iyon sa balikat bago ulit balingan ang nobya at mabilis na hinalikan ulit sa labi.  “I love you…”  at noon na ito tuluyang lumayo lalo pa nga’t tila ang bigat bigat sa loob niyang umalis.  Alam niyang hindi magiging madali ang malayo sa nobya pero alam din niyang kailangan niyang alagaan ang company nila para na rin sa future nila.

********

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon