Chapter 21 - Part 1 of 4

16.2K 308 21
                                    

Please Pa-like naman po my page sa FB :) fedejik's stories

http://www.facebook.com/pages/fedejik-stories/432094690201815

Have a great weekend! God bless everyone!

#dean

*********

CHAPTER 21 - Part 1 of 4

 

            At dumating na nga ang araw ng birthday ni Corine.  Iyon na ang araw na sobrang nakaramdam siya ng excitement lalo pa nga’t alam niya, gagawing espesyal ng nobyo ang birthday niya.  Hindi naman dahil sa masyado siyang assuming pero nararamdaman niya.  At sa pagmamahal na nararamdaman niya galing sa nobyo, alam niyang may inihahanda itong malaking sorpresa para sa kanya.

            “Happy Birthday, babe!”  Si Liam na agad pang sinalubong nang yakap ang nobya.

            “Hey,”  Matamis pa ang pagkakangiti niya dito at tinanggap naman ang mahigpit na yakap na iyon ng nobyo.  “Thank you.”

            “I’m really sorry if hindi na kita nasundo kanina. Ang aga rin kasi ng klase ko kanina. Alam mo naman 'yun diba?”  Mataman pa niya iyong tinitigan sa mukha.

            “I know. Okay lang po…”  Pigil ang kilig niya dito.  Papaano naman kasi’y mas lalo ata iyong gumuwapo sa bagong gupit ring buhok niyon.

            “Pa-kiss nga!”  kunwa’y mabilis pa niya iyong hinalikan sa lips.  Ni hindi na hinintay na makapagsalita iyon.

            “Liam…”  Dinilatan pa niya iyon. 

            “What?”  Hindi pa niya mapigil ang matawa. 

            “Nasa school tayo, okay?  Hinay lang.”  Binuksan pa niya ang locker niya at gayon na lang din ang gulat niya nang tumambad sa kanya ang isang dosenang white roses.  “Thank you.”  Binalingan pa niya ang nobyo.

            “That doesn’t came from me.”  Mabilis pang sagot naman ni Liam.

            “Really?”  Kinuha pa niya ang card na nakaipit sa roses at mabilis na binasa. 

                Happy Birthday, Corine!  I would really want to personally greet you. Is it okay, if we meet up at the pool area the soonest you read this?  Only if it is okay with you?  I’ll be waiting.

                                                                                     Your Secret Admirer

                                                               

            Agad namang napatingin si Corine sa nobyo at pilit na tinantiya ang reaksyon nito.

            “Okay ‘tong admirer mo ha…”  Napabuntong-hininga pa si Liam.  “His timing is impeccable.”                  “Is it okay?”  Alanganin pang tanong niya dito.

            “Hmm…”  Malalim pang napaisip si Liam.  “Mukhang mas prepared pa sa akin ang kolokoy na 'yan at may roses na kaagad ah.”                

            “Liam?”  Alanganin talaga siya pero interesado lang siyang makilala ang secret admirer niyang iyon.

            “I know that you’ve been waiting for this time to finally meet him.”  Mataman pa niya iyong tinitigan.  “Sige na, baka nilalangaw na 'yun dun.”  Muli ay napabuntong-hininga siya.

            “Are you sure?  Okay lang talaga?”  Paniniguro pa niya.

            “Siguraduhin mo lang na hindi ka mai-inlove dun ha.  At lalong 'wag na 'wag kang kikiligin sa pakulo nun!”  May bahid selos pang paalala niya.

            “In love talaga?”  Ngumuso pa siya dito.  “Boyfriend na nga kita diba?  As if naman, ipagpapalit kita dito.”  Iwinagayway pa niya ang card sa mukha nito.  “First time ko lang namang makikilala ‘to.”

            “Maski na.”  Umiling pa ito.  “Ang tagal mo nang admirer 'yan.  Mahirap na.” 

            “Hay nako, babe…”  Seryoso pa niya iyong hinarap at mas inilapit nang husto ang mukha sa mukha nito.  “Sobrang love kita at never kitang ipagpapalit, okay?”

            “Talaga lang ha?”  Mas inilapit rin niya ang mukha dito.  Tipong kaunti na lang ay mahahalikan na niya ito.

            “Opo…”  Ikiniskis pa niya ang ilong niya dito.  “Ang bango mo!”  May gigil pang sabi niya dito at muling inilayo ang mukha.  “Kung gusto mo samahan mo ako.” 

            “Hindi na.”  Bahagya pa siyang umiling.  “Hindi ka naman siguro magagawan nang masama ng kolokoy na 'yun at nasa school naman tayo.  At para na rin magkausap man lang kayo.”

            “Sure ka?”  Paniniguro ulit niya dito.

            Tumango lamang siya bilang sagot.

            “Sige na, may klase pa ako.  I’ll see you at lunch okay?” Napasulyap pa siya sa kanyang pambisig na relo.

            “Sige…”  Bahagya pa siyang tumango.

            “Happy Birthday, babe.”  Muli ay bati niya dito.

            “Thank you.”

            “See you.”  Mabilis pa niya iyong hinalikan ulit sa lips.

            “See you.”  At sinundan pa niya nang tingin ang nobyo habang palayo.  At nang tuluyan na iyong mawala sa paningin niya ay tsaka siya nag-decide na pumunta na sa pool area ng school.  Talaga namang magkahalo ang nararamdaman niya sa mga pagkakataong iyon.  Kinakabahan na excited. Iyon ang tamang description sa nararamdaman niya. 

           

            Hindi naman din kalayuan ang pool sa stadium na pinaglalaruan ng nobyo kaya’t agad din niyang narating iyon.  Wala pa ring tao sa mga pagkakataong iyon lalo pa nga’t masyado pa ring maaga para sa P.E. schedule.  Karaniwan ay nagkakaroon ng swimming class doon pagsapit pa lang ng ten o’ clock ng umaga.  At gayon na lang din ang pagkamangha niya nang pagbungad pa lang niya ay agad na tumambad sa mga mata niya ang mga rose petals na nagkalat sa paligid at maging sa pool ay mayroon!  Mayroon ding maliliit na scented candles na nagpapalutang-lutang rin sa pool.  Agad din siyang napaigtad sa gulat nang bigla’y may pumasok na lalaki na matamis ang pagkakangiti sa kanya.

            “Hi Corine.”  Lumapit pa sa kanya ang may katangkaran ring lalaki na nagtatago pa sa dala nitong mga white roses. 

            “H-hi…”  Alanganin pang bati niya dito. 

            “Happy Birthday!” Noon na nito inilitaw ang gwapong mukha nito.

Hindi niya maiwasang mamangha, kasi tulad din ng nobyo, artistahin din ang mukha niyon.

            “By the way, I am Gerald.”  Pakilala pa nito sa sarili sabay abot ng kamay nito. 

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon