Previous Page of 3Next Page

NO ORDINARY LOVE

spinner.gif

********

So, paano?  bitin pa rin? wahaha :) enjoy lang! :)))

<3 Ate Dean :)

*********

CHAPTER 27 - Part 1 of 3

 

            Lalong naging mas mahirap ata kay Corine ang mga sumunod na araw sa opisina.  Papaano naman kasi’y lahat na ata ng pag-iwas ay ginawa na ni Liam sa kanya.  Ultimo ang pagtitimpla ng kape nito ay talagang hindi na siya ang inuutusan.  Bagay na tila wala ring nagawa si Andy para tulungan siya lalo pa nga’t wala naman ito sa opisina.

            “Ms. Corine..?”  pukaw pa sa kanya ng isang pagkagwapu-gwapong lalaki…

            “Excuse me?”  pilit pa niya itong minumukhaan.  Kasalukuyan siyang nasa Copy Room at nagxe-xerox na naman ng isang tambak na dokumento. 

            “Don’t you recognize me?”  alanganin pa ito.  “I am Gerald… your first bouquet of roses nung surprise birthday mo sa university?”

            “Ohh…”  kunwa’y tumango pa siya at unti-unting ngumiti.  “I remember!  Dito ka rin nagwo-work?!”

            “Yeah, yesterday lang.  Normally nasa IT Room lang ako.”  maluwag na maluwag ata ang pagkakangiti nito.  “So, dito ka rin pala work sa company ng boyfriend mo?”

            Mapakla lamang siyang napangiti sa sinabi nito.

            “S-something’s wrong?”  puna rin naman kaagad ni Gerald nang mapansin ang pagbabago ng aura nito.

            “W-we’re not together… it’s a long story…”  mapakla pa rin ang pagkakangiti niya.

            “Ohh…”  tumangu-tango rin naman ito.  “I still don’t make a few friends here… maybe, we can talk it out on lunch if it’s okay with you?”  lakas loob pang tanong nito.

            “S-sure…”  pumayag na rin siya.  Pakiwari ata niya’y mas makakatulong sa kanya kung meron man lang siyang makakausap sa pinagdaraanan niya.  Simula kasi ng maghiwa-hiwalay na sila ng landas nina Janine at Lorena, naging madalang na rin ang pag-uusap nila.  Dagdag pa na nasa abroad na rin ang dalawa at magkahiwalay rin ng trabaho.

            “I’ll see you at lunch then.”  kunwa’y may kung anong kinuha lang itong papel sa katabing Xerox machine.  “Naiwan ko…”  napakamot pa ito ng ulo.  “See you later.”  at kumakaway pa itong lumayo.

            Sinundan lamang niya ng tingin ang lalaki at nang mawala na iyon ay tsaka muling itinuon ang atensyon sa ginagawa.

 

            At tulad nga ng napag-usapan nila ni Gerald ay kumain sila ng lunch sa may canteen.  Karamihan naman din sa mga empleyado ng Monteverde ay doon kumakain lalo pa nga’t bukod sa masarap ay mura rin naman ang mga pagkain. 

            “Ang lungkot naman…”  si Gerald na hindi ata naiwasan ang maawa kay Corine matapos na magkwento ito sa kinauwian ng love story nila ni Liam.  Kasalukuyan rin silang nasa kalagitnaan ng pagkain.  “…kaya pala kahit ganyan lang ang trabaho mo dito, tinatyaga mo… hoping na one day babalik din ang memory ni Liam.”

            Napayuko lamang si Corine sa mga pagkakataong iyon.  Pilit na pinipigilan ang sariling maiyak pero hindi siya nagtagumpay… dahil bumalong pa rin ang luha sa kanyang mga mata.

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (29)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Cast

Kim Chiuas Corine Villegas
Xian Limas Liam Monteverde

Who's Reading

Recommended