dear readers, kapit lang! hehe wag po kayo mainip. cherish every moment of liam and corine... darating din tayo sa inaasam ng lahat haha :D for now, pampa good vibes lang muna haha i love you guys! pati na rin mga silent readers na di man lang mag-vote haha! peace!!!********
CHAPTER 12 - Part 1 of 2
May kung ilang araw nang hindi mapakali si Corine. Papaano naman kasi’y hindi niya nakikita si Liam. Nauunahan rin naman siya nang hiya na i-text ito sa takot na baka kung ano ang isipin sa kanya ng lalaki. Hindi naman din sila masyadong nakakapag-usap ng mga kaibigan dahil na rin sa mga tinatapos na thesis. Pero gayon pa man, nag-decide na rin siyang pumunta sa stadium para silipin ito.
“Corine!” Si Spike!
“Uy!” Agad siyang namutla lalo na nga’t hindi naman niya inaasahang makikita pa siya ng boyfriend ni Lorena! Kapag nga naman minamalas! Alam niyang uulanin siya nang tukso ng mga kaibigan kapag nagkataon.
“Have you been looking for Liam?” Nakakaloko pa itong ngumiti.
“H-hindi!” Halos magkandautal pa boses niya sa pagka-taranta.
“Don’t worry, I won’t tell your friends okay? Friends din naman tayo diba?” Kumindat pa ito.
“H-hindi... may hinahanap lang akong classmate, dito daw kami magkita!” Pagsisinungaling pa niya.
“Really?” Napakamot pa ito ng ulo. “Akala ko pa naman worried ka kay Liam.” Pilyo ulit na bitaw nang salita nito.
“W-worried? Bakit naman?” Napalunok pa siya.
“He’s been sick for three days now. Akala ko ba may cellphone number na kayo ng isa’t-isa? How come wala kang alam?” Taka pa ito.
“Busy kasi, alam mo na, may thesis kaming ipapasa next week.” Agad atang nabalot nang pag-aalala ang puso niya.
“I see…” Tumango naman ito. “We’ll visit him today, you might want to come?” Hindi siya kumbinsido sa rason nito.
“Ako sasama?!” Gulat pa siya.
“The team will be there pero mauuna naman ako kaya baka gusto mong isabay na kita? For sure, sobrang nami-miss ka na rin n'un. If there is anyone na gugustuhing makita n'un, hindi kami 'yun, ikaw…” Bahagya pa itong nagpaka-seryoso.
“P-pero--” Gusto talaga niyang sumama!
“Don’t worry, secret lang natin ‘to.” Kumindat ulit ito. “Let’s go,” Kayag na rin nito.
“Ha? Ngayon na?” Hindi na rin siya makatanggi. Gustung-gusto na rin talaga niyang makita si Liam!
“Wait for me. I’ll just get my car.” Tumalikod na nga ito at agad na binagtas ang daan patungo sa parking lot.
Hindi naman nagtagal ay pumarada na si Spike sa harapan ni Corine at kinayag na itong sumakay na. Kinakabahan man siya sa magiging reaksyon ni Liam sa pagkakita sa kanya ay tatanggapin na lang niya. Ang importante sa kanya ay ang makitang maayos lang ito.
Hindi naman din naging katagalan ang biyahe papunta kina Liam. Bitbit na rin nila ang ilang inorder na merienda na kakainin ng grupo pagdating.
BINABASA MO ANG
NO ORDINARY LOVE
Teen FictionDati ng crush ni Corine si Liam, isang sikat na football star player sa school nila. Pero hindi niya iyon ipinapaalam sa kanyang mga kaibigan dahil na rin sa hiya na pagtutuksuhin siya ng mga ito. Pero bago pa man sila magkakilanlan ng husto ni Li...