Chapter 24

14K 286 19
                                    

Published: April 17, 2013

hanggang chap 30 na lang to. now pa lang thank u po tlaga sa lahat ng nagbasa at nagtiyaga mag-vote at comment.  really appreciate po! super!  for now, let's enjoy feeling the love! God bless everyone!

<3 ate dean :)

*********

CHAPTER 24

 

          May kung ilang araw nang hindi mapakali si Corine simula nang mag-resign siya sa trabaho.  At ngayon nga ang araw na napag-usapan nila ni Andy na ipapasok siya sa company ng nobyo.

            “I heard na pumapasok na ulit si Liam dito.”  Medyo pabulong pang sabi ni Andy habang naglalakad sila papunta sa personnel’s office.

            “Ahh…”  Sa totoo lang ay kabadung-kabado siya.  Iyon kasi ang unang pagkakataon na nakapunta siya sa company ng mga Monteverde.  Dati na rin siyang kinakayag ng nobyo na pumunta doon kaya lang ay  nagkataon ding nagka-trabaho na siya agad kaya’t hindi na siya naisama pa doon.  Habang binabagtas nila ang daan patungong HR ay hindi niya maiwasan ang mamangha nang husto dahil hindi naman pala talaga basta-bastang negosyo mayroon ito.  Building pa lang kasi ay ang taas na  at ang sosyal pa!  Lahat ng mga taong nakakasalubong nila ay puro nakasuot executive lahat kaya naman pala gayon na lang din ang mahigpit na bilin sa kanya ni Andy na mag business attire siya.

            “Good morning, sir Andy!”  Masayang bati pa ng Personnel Assistant na si Kata.

            “Good morning, Kata.”  Nakangiting bati rin naman niya dito.  “By the way, she’s Ms. Corine Villegas.  She’s the one I told you about.”  Pakilala pa nito sa babae.

            “Actually sir, may problema tayo…”  Nakangiwi pang sabi nito.

            “Problem?  What is that?”  Kunot-noo pa ito.

            “Nabasa na po ni Sir Ian 'yung letter ninyo. Hindi po siya pumayag na pumasok si Ms. Corine dito.”

            “Where is he?  I wanted to talk to him personally.”  Agad na nabago ang aura nito.

            “We don’t have job openings here, Andy.”  Si Ian na agad pang sumulpot kung saan.  “And by the way, good morning to both of you.”

            “I have every right like you, Ian.  Major stockholder din kami dito.”  May parungit pang sagot lang din ni Andy.

            “Look Andy, may ibang paraan ang company para gumawa ng charity works and I am so sorry to say, not this way.”  Sarkastiko pa iyong ngumiti.

            “I don’t know what are you up to, Ian… but no.  I want Corine to work here.”  Matigas pa ring sagot niya.

            “For sure, mas maraming job openings sa Twin Flavors, bakit hindi dun mo na lang ipasok?”

            “Like I said, gusto ko dito ipasok si Corine.”  Matatag pa ring sabi niya.  “I’ll bring this up to the board, if you keep on resisting.” 

            “Be my guest.”  Patol rin naman ni Ian.

            “No need to complicate things.”  Si Liam!

            “L-liam…”  Buong pagmamahal pa siyang napatitig sa nobyo na noo’y tila blangko ang ekspresyon.  Pormal lang iyon na tila binabagayan lang din nang suot nito.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon