Chapter 14 - Part 2 of 2

19.1K 444 20
                                    

Published January 27, 2013

may kontrabida na nga ba? agad-agad?!! haha chill lang, siyempre every love story, sino ba ang palaging kontra bulate? other girl diba? hehehe... :) may makakahula kaya ng itatakbo ng story nito? to be honest, this is suppose to be a short story... pero gumana ng husto ang utak ko dito.  and like the title, this is NO ORDINARY LOVE, so dapat panindigan ko ang title nito hahaha patay ako hahaha :D hopefully, matapos ko ng maayos ito, which is way far pa naman. enjoy lang muna natin ang sweetness nilang dalawa... i love my dear readers and thank you po talaga.  but please do votes po yung iba... :)))

#dean

VOTE, COMMENT & BE A FAN! ^_^

********

CHAPTER 14 - Part 2 of 2

            Samantala,  sa isang cozy restaurant naman dinala ni Liam ang nobya.  Iyon ata ang maituturing na first dinner date nila together.

            “Hindi ba masyado pang maaga para mag-dinner?”  pabiro pang sabi ni Corine sa nobyo na noo’y gwapung-gwapo pa rin sa suot na jersey nito.

            “I know…”  napakamot pa ito ng batok.  “Sabi mo kasi hindi ka pa nakakapagpaalam sa inyo… we’ll do this again next time, okay?  Pero magpaalam ka na rin in advance.”

            “Okey po…”  matamis pa siyang ngumiti dito.  “By the way…”  kunwa’y pag-iiba pa niya.  “Pwedeng magtanong?”

            “Sure…”  bahagya pang tumango si Liam makatapos na makasubo.

            “Gaano katagal mong naging girlfriend si Sarah?”  pasimple pang usisa niya.

            Kunwa’y napabuntong-hininga pa si Liam at inubos muna ang laman ng bibig bago magsalita.  “We’ve been together for two months… I guess… why did you asked?”  mataman pa niyang tinitigan ang nobya.

            “Bakit kayo nag-break?”  ni hindi ata niya pinansin ang tanong ng nobyo.

            “Do we really have to talk about her on our first dinner date?”  ngingiti-ngiti pang tanong niya dito.

            “S-sorry…”  agad ata siyang pinamulahan sa sinabing iyon ng nobyo.  Hindi kasi niya mapigil ang sariling magtanong lalo pa nga’t tila kasi may bitterness ang ex nitong si Sarah.  “Wag mo na lang pansinin…” 

            “Our parents was actually trying to pair us up…”  bawi rin naman ni Liam dito.  “I can’t actually say that I’m inlove with her…”  malalim pa itong napaisip.  “I like her… yeah… but that was it.”  kunwa’y uminom pa ito ng juice habang matamang nakatitig sa nobya.

            “P-paano naging kayo kung hindi mo naman pala love?”  kunot-noo pa siya.

            “I am a good son…”  mapakla pang sagot niya.  “I don’t want to disappoint my Mom and Dad… kaya ayun, try ko… malaking factor kasi sa business ang family nila Sarah.  Very influential din… and like I said, good for business.”

            “So?”  sumubo na rin ata siya.

            “I came into my senses that I can’t be with her…”  bahagya pa itong napailing. 

            “Ganun lang?”  kunot-noo pa siya.

            “Ni wala ngang courtship na namagitan sa aming dalawa…”  mapakla pa itong napangiti.  “Basta naging kami na lang…”

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon