Chapter 19 - Part 2 of 3

17.1K 339 10
                                    


Have a great weekend everyone!

#dean

********

CHAPTER 19 - Part 2 of 3

“Saan ba tayo pupunta?”  Takang tanong pa ni Corine sa nobyo na noo’y nagmamaneho ng red sports car nito.  Ang akala niya’y mag lunch date lang sila together, iyon pala’y may pupuntahan pa pala sila.

“It’s a surprise, okay?”  Kumindat pa siya dito.

“Ayos lang ba ‘tong suot ko sa pupuntahan natin?”  Curious pang tanong niya dito.

“It’s alright.”  Sinulyapan pa niya ito.  “Kahit wala nga ubra.”  Pilyong biro pa niya.

“Liam!”  Nag-init ang kanyang pisngi lalo pa nga’t ang bilis din nang takbo ng utak niya.

“I am just kidding!”  Hindi pa niya naiwasan ang mapatawa nang malakas.  “Your face is so red!” 

“Salbahe ka talaga!  Sobrang naughty mo ata, mister!”  Umirap pa siya sabay ngumuso.

“You look so cute kapag pala ganyang pulang-pula ka.”  May gigil pa sa salita nito.

“Puro kasi kalokohan 'yang nasa kukote mo.”  Inirapan pa niya iyon.

Napangiti lang siya sa sinabing iyon ng nobya at bahagyang sinilip sa front mirror ang regalong necklace ng nito.

“You have to promise me, babe.  That no matter what happens, 'wag ka sana magsasawang ipaalala sa akin na mahal mo ako. And, I’ll definitely do the same thing.”

“Hindi mo naman po kailangan sabihin.”  Matamis pa siyang ngumiti sa nobyo.  “Ipapaalala ko sa’yo kahit ayaw mo na.”

“That!”  Itinaas pa nito ang isang daliri. “… will never happen. Never kong aayawan na mahalin ka.” 

At si Corine ay para lang namang nakakakita ng mga stars kahit sa tindi nang sikat ng araw!

“Kinikilig ka 'no?”  Nakangising biro pa niya sa tulalang nobya.

“Ang sama nito…”  Sinimangutan at nginusuan pa niya iyon.

“I love you…”  Nag-peace sign pa siya.  “Do you mind if medyo bilisan ko ang pagda-drive?  Tinanghali na rin kasi tayo.”

“Sige, pero ingat ha.”  Paalala pa niya dito.

“Don’t worry, pakakasalan pa kita.”  Kumindat pa siya bago tuluyang paarangkadahin sa hi-way ang sasakyan niya.

At si Corine, ayun pa rin, 'di mapigilang ngumiti sa kawalan.


Hindi naman din nagtagal ay nakarating rin sila sa Laguna.  Agad ring sumalubong sa kanila ang mag-asawang Penny at Lindy.

“Liam, happy birthday hijo!”  Si Lindy na sinalubong pa nang mahigpit na yakap ang anak-anakan.

“Thanks, lola Lindy…”  Ginantihan rin naman niya nang yakap ang matanda sabay mano rito bago balingan naman ang asawa nito para magmano rin.  “Lolo Penny…”

“Hijo,”  Si Penny na agad ding niyakap si Liam.  “Happy birthday, hijo.”

“Thanks, lolo Penny…”  Tinapik pa niya iyon sa balikat.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon