Chapter 23

15.1K 297 22
                                    

Published: April 13, 2013

Hold on lang... dami pa ring kaganapan na ikakakilig ninyo hehe feelingera lang hahaha God bless everyone!

#dean

*********

CHAPTER 23

 

            Mabilis na lumipas ang panahon. Noong una’y halos araw-araw na nagkakausap sina Liam at Corine sa pamamagitan ng video call.  Hanggang sa dumating ang araw na bigla na lamang hindi na tumawag si Liam.  Lumipas pa ang ilang buwan na hindi man lamang nakabalita si Corine sa nobyo.  Hindi tuloy niya naiwasan ang mag-alala nang husto at napilitan siyang tawagan ang pinsan nitong si Andy Woo.

            “Hello, sir Andy…”  Alanganin pang tawag niya sa lalaki na noo’y agad ring sumagot sa tawag niya.

            {Corine?  Hey!}  Bakas ang pagkagulat sa boses nito.  {How are you?}

            “O-okey lang naman po ako. Pasensya na po if nakakaabala ako. Mangangamusta lang po sana about kay Liam.”  Hindi na rin naman siya nagpaligoy ligoy pa.

            {About Liam?}  May himig pagtataka pa ang boses nito.  {What about him?}

            “May kung ilang buwan na po kasi siyang hindi nakakatawag sa akin. Baka lang po kako, may balita kayo sa kanya.  Nag-aalala na po kasi ako…”

            {Really?}  Hindi ito makapaniwala.  {Don’t tell me, you didn’t know?}

            “Ang alin po?”  Agad siyang kinabahan.

            {Liam had a car accident a few months ago. Didn’t he tell you?}  Taka pa ang boses nito.

            “H-hindi po…”  Agad na nabalot nang takot ang buong pagkatao niya.  “Kamusta na po siya?  Okay lang po ba siya?!”  Magkasunod pang tanong niya at agad pang tumulo ang luha niyang hindi niya namalayang naglandas sa kanyang mukha.

            {I-I think he’s okay pero hindi pa rin ako nakakarinig from him ever since the accident.  'Yung ex-girlfriend lang niya na si Sarah ang nakapagbalita sa akin.}

            “Si S-sarah po?”  Halos manginig ang boses niya.

            {Magkasama sila ni Liam sa LA, for business. Didn’t he tell you?}

            “H-hindi p-po…” 

            {Pero she’s only there for a business kaya 'wag kang mag-worry.  I knew him.  He’s faithful and he loves you.}

            “B-bakit po kaya hindi siya nakakatawag?”  Hindi pa rin niya maiwasan ang maguluhan at mag-alala at the same time.

            {I don’t know but I’ll try to call him for you.  I’ll get back to you okay?  'Wag ka na mag-alala pa.}

            “S-sige po.  Salamat, sir Andy…”

            {Just call me kuya Andy. Hindi ka na iba sa family.} 

            “Kuya Andy, thanks po.”

            {I’ll call you, okay?}  Assurance pa nito.

            “S-sige po, thank you po.” 

            {Don’t mention it, Corine.  Bye for now.}  Paalam pa nito.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon