Chapter 12 - Part 2 of 2

18K 387 18
                                    

Sorry guys, i did not realize na maigsi na lang pala itong part 2.  My mistake at mali pala ang cut na ginawa ko! haha :D but then again, thanks pa rin sa pagsubaybay sa story nito... :D Yung next chapter... hmmnn? basta lang ba dumami ang reads at votes di ko na paabutin ng 1 week haha!   God bless everyone!

#fedejik

********

CHAPTER 12 - Part 2 of 2

Hindi yata matantiya ni Corine kung gaano siya katagal nakatulog pero ang mas ikinagulat niya ay ang pagkakita kay Liam na natutulog pala sa tagiliran niya at hawak ang kamay niyang nakadikit din sa labi nito!  Halos kumalabog nang husto ang puso niya lalo pa nga’t ramdam niya ang mainit na hininga ng lalaki sa kanyang kamay!  Maingat pa niyang hinila ang kamay niya pero kasabay na rin niyon ay pagkagising ng lalaki!

            “Sorry…”  Si Liam. “Hindi na kita ginising.”

            “K-kailangan ko na umuwi…”  Taranta pang sabi niya sa lalaki.

            “Sige, ihahatid na kita.”  Bumangon na ito at agad na naghalungkat ng damit na pamalit.

            “Pasensya ka na din, nakatulog ako.”  Nahihiya rin namang sabi pa ni Corine.

            “It’s okay, matagal din kasi kitang pinaghintay.” Saglit itong tumalikod at humarap sa closet para humugot ng isusuot.  Tangka pa sana siya maghuhubad nang maisip na nand'un ang babae at sa halip ay pumasok na muna sa banyo.  Hindi rin naman siya nagtagal lalo pa nga't mag alas nueve na noon.  “Let’s go!”  Kayag pa niya dito.

            “Yung mga kasa--”  Alala pa  siyang makita ng mga co-players nito.

            “Kanina pa sila nakauwi.”  Ginagap pa niya ang kamay nito at mahigpit na hinawakan.

            Hindi naman malaman ni Corine kung magtatanong ba siya o papaano dahil hindi kasi niya maintindihan kung ano ba ang nararamdaman ni Liam para sa kanya ganoong wala naman din itong sinasabi.

           

            Hindi naman din nagtagal ay agad rin silang nakarating sa bahay nila Corine.  Agad pang bumaba si Liam upang alalayan ulit ang babae makababa ng kanyang sasakyan.

            “Thank you for the visit.”  Mataman pa niyang tinitigan ang babae sa mukha.

            “Magpagaling ka na. Ang bilis mo nga pumayat.”  Napatitig rin naman siya sa medyo nanlalalim na mga mata nito.

            “Oo nga, wala kasing nag-aalaga kaya matagal gumaling.”  Palipad hangin pa nito.

            “Ha?”  Hindi naman niya malaman ang ire-react dito.  “Thank you nga pala sa paghahatid.”  Pagliligaw pa niya.

            “Do you need my help explaining to your parents?” 

            “N-no need…”  Bahagya naman din siyang umiling.  “Sige na, umuwi ka na. Medyo hindi pa rin maganda ang aura mo.”  Alala pang sabi niya dito.

            “Oo nga,”  Mapakla rin naman siyang ngumiti.  “Wait, can I borrow your cellphone?” 

            “S-sige,”  Hindi na rin naman siya nagtanong.

            Panandali itong natigilan sa pagtitig sa screen ng cellphone nito at agad din namang inabot dito.

            “I just memorize your number. Nakalimutan ko rin kasi 'yung phone ko.  I’ll text you later.” 

            “Ah,” Tumango pa siya.  “Sige na, ingat ka sa pag-uwi mo ha.”

            “Corine,”  Sumeryoso ang mukha ni Liam.

            “B-bakit?”  Bigla ata siyang kinabahan.

            Dahan-dahang lumapit si Liam dito at banayad na hinawakan ng dalawang kamay ang pisngi nito at malagkit na tinitigan sa mga mata.

            “I--”  Kinakabahan pang panimula nito.

            Napatitig naman nang husto si Corine sa mga mata nito pati na rin sa labi nitong ilang beses na bumuka pero wala naman salitang lumabas doon.

            “I-I need to go. Thank you ulit sa pagbisita. I really do appreciate it.”  Dinaga siya at 'di na nagawang ituloy ang gustong sabihin.

            “O-okay…”  Gusto niyang batukin ang sarili sa mga pagkakataong iyon!  Iba kasi ang inaakala niyang sasabihin nito!  “Sige na, umuwi ka na!”  Pagtataboy pa niya sa lalaki sabay layo na dito.  Hindi niya maiwasan ang mainis!

            “Are you okay?”  Taka pang tanong ni Liam dito nang mapansing tila nagluluha ito.

            “I-I’m okay!  Umuwi ka na!  at salamat din!”  Inis pa siyang tumalikod upang ikubli ang luhang nag-uunahang tumulo sa kanyang mga mata.  Naiinis siyang naguguluhan sa ikinikilos ng lalaki sa kanya.  Ayaw na nga sana niyang umasa pero kabaligtaran kasi ang nararamdaman niya sa tuwing magpapakita ito nang mabuti sa kanya.  At 'yung paghawak-hawak nito sa kanya ay hindi talaga niya maintindihan. Pakiwari ata niya’y gan'un ito kahirap na tuluyang mahalin siya!

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now