Chapter 17

18.8K 330 12
                                    

Published: February 15, 2013

i don't feel so well this week and i dunno when will i ever feel really okay... mabuti na lang at kahit papaano updated naman ang pagkakasulat ko nito... kung hindi siguro ang daming nagalit sa akin... :(  well, i know i need to move on... in time, gagana rin ng maayos ang utak ko. 

i love you, dad... i will forever miss you.  at least kahit dito, nagagawa kong ipaalam sa ibang tao how much i appreciate you.  kaya sa lahat ng may mga father pa dito... love him with all your heart... kasi sobrang hirap kapag nawala na siya... :(  do the same thing with your moms...

oh well, i just felt sharing.  somehow, yung mga nakaka-appreacite naman nitong story ko, nakakabawas kayo sa lungkot ko... so, thank you.

#dean

********

CHAPTER 17

 

            Kinabukasan, papasok na sana si Corine ng umagang iyon nang may biglang pumaradang sasakyan sa harapan nila… si Liam!

            “Good morning, babe!”  Maluwag ang pagkakangiti ni Liam. Noon na siya bumaba ng kanyang sasakyan para salubungin ang nagulat na nobya.

            “Okay ka na ba?”  Taka pa siyang natingin sa na-injured na paa nito.

            “Completely fine…” Diretso pa siyang naglakad sa harapan nito.  “See?”  Nakangiti pa siyang kumindat  dito.  “Kaya sabay na tayong papasok today.”  Kinuha pa niya ang gamit nito at inilagay na kaagad sa kotse niya.  “Let’s go,”  Inilahad pa niya ang kamay dito.

            “Sigurado ka ba?”  Inabot rin naman niya ang kamay dito.

            “Sure, my Princess.”  Pinagbuksan pa niya iyon ng pintuan ng kotse bago bumalik ulit sa driver’s seat.

            Matapos noon ay mabilis na nga niyang pinaharurot ang sasakyan papunta sa school nila.

            At tulad nang dati, sinamahan ni Liam ang nobya patungo sa classroom nito.  Siyempre pa, takaw tingin na naman sila sa mga estudyanteng nandoroon.

            “Bro!”  Si Spike na tinapik pa sa balikat si Liam.  “Musta?  Galing ka na ba?”

            “Yeah, I think so.” Iginalaw pa niya ang paa sa harapan nito.

            “'Wag ka na magtaka!”  Si Janky na pilyo pang ngumiti.  “Ang galing na nurse ni Corine.”  Kinindatan pa nito ang nakangiti lang na babae.

            “I have to agree on that.”  Si Spike ulit.  “Kita mo ‘tong si Liam, PDA na rin!"  Malakas pa iyong tumawa.  “Kung makahawak kay Corine, parang ayaw pakawalan!” 

            “Sinabi mo pa!”  Si Janky na nakitawa na rin nang malakas.

            “Ako na naman ang nakita ninyo!”  Si Corine na sinimangutan pa ang dalawa.

            “Aba, Corine…”  Si Janky.  “Tell me, anong pinakain mo dito sa star player namin at all of a sudden e lumambot sa babae?!”

            “Aba, malay ko sa kanya!”  Nahihiya pang napatingin siya sa nakangiting nobyo.

            “Lubayan n'yo na nga si Corine.”  Bahagya pa niyang itinulak ang dalawa palayo sa nobya.  “Kita na lang tayo sa stadium later. Pupunta ko dun.”  Inakbayan pa niya ang nobya.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon