Chapter 21 - Part 3 of 4

15.1K 303 13
                                    

Published: March 23, 2013

sarap naman ng update na 'to, nagtapat na sa IKA si Liam! kilig much! oh well... early UD at baka di ko maasikaso by sat. enjoy guys! have a great vacation with God in our hearts.

Please Pa-like naman po my page sa FB :)

http://www.facebook.com/pages/fedejik-stories/432094690201815

#dean

*********

 CHAPTER 21 - Part 3 of 4

At nang maipasok na nga ni Liam lahat ng mga roses sa kanyang kotse ay tsaka ulit niya sinabihan ang nobya na bumalik na ulit sa klase.

            “Lunch na lang tayo ulit mamaya.” 

            “Sige.”  Tipid pa siyang ngumiti.  “Thanks sa surprise. Masyado ka namang gumastos at nag-effort.”  Nahihiya pang sabi niya.

            “Nagtipid pa nga ako.”  May himig pagyayabang pang biro niya.

            “Ikaw na ang mayaman,”  Wari ay sinimangutan pa niya iyon.  “Sige na po, I’ll see you later.”

            “Later, babe…” Dumukwang pa siya para i-kiss ulit iyon sa lips.  “Balikan ko lang ang mga kasama ko dun ha.”

            “Sige, babe. Thanks ulit ha.”

            “Anything for you.”

            “Bye.”

            “Bye…”  Naglakad na sila sa magkaibang direksyon habang pasimple pa ring nililingon ang isa't isa.

            At si Corine, hindi magawang palisin ang ngiti sa kanyang labi.  Hindi naman din kasi niya inaasahang si Liam lang din pala ang secret admirer niya.  Lalo tuloy siyang na-inlove dito.

            Kaya naman tulad nang inaasahan ay sinundo pa ni Liam si Corine sa huling klase nito sa tanghali.  Siyempre pa, tampulan na naman sila nang tuksuhan nila Janine at Lorena.

            “In fairness sa’yo, Liam ha,”  Si Lorena na abot-tainga pa ang ngiti.  “Kahit na sobrang cheesy mo, bagay sa’yo!”

            Umiling naman si Liam dito.  Alam naman niyang guguhit talaga ang sorpresa niyang iyon para sa nobya. 

            “Pero grabe kayong dalawa ha,”  Si Janine na pilya pang ngumiti.  “Kahit lunch talaga ayaw maghiwalay?  Hindi ba puwedeng kami muna ang kasama at mamaya na kayong dalawa?”

            Napatingin naman si Corine sa nobyo, tila hinihingi ang opinion nito.

            “I hope you don’t mind, puwedeng sa ibang araw na lang din kayo?”  Napakamot pa ng ulo si Liam. 

            “Sabi ko nga!”  Si Janine na wala na rin namang nagawa.

            “Fine! Bukas kami naman ang kasama ni Corine sa lunch.”  Si Lorena na pasimple pang dinilatan si Corine.

            “We have a deal then.”  p
Pumayag rin naman si Liam.  “For now, kami muna ha.”

            “Sa labas pa ba kayo kakain?”  Taka pa si Lorena.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon