Chapter 20 - Part 2 of 2

17.2K 329 26
                                    

********

Please Pa-like naman po my page sa FB :)

http://www.facebook.com/pages/fedejik-stories/432094690201815

Have a great weekend! God bless everyone!

#dean

********

CHAPTER 20 - Part 2 of 2

Mag-aalas siete na noon ng gabi nang dumating si Liam sa bahay nila Corine.

"Good evening po..." Bati pa ni Liam sa mga magulang ng nobya na noo'y nakaipon sa sala kasama si Botchok.

"Liam, hijo..." Si Aling Genova na matamis pang ngumiti. "Good evening din sa'yo..."

"Kumain na kayo ni Corine, nauna na kami sa inyo at hindi kami sanay ng nanay mo kumain sa ganitong oras. Maaga talaga kami kumain." Si Mang Andre.

"Ah ganun po ba? Si Botchok po?"

"Tapos na po ako, kuya Liam!" Nakangiti pa nang maluwag si Botchok at nanunukso pang gumawi ang tingin sa papalapit na nakakatandang kapatid. "Ate, dito na pogi boypen mo!"

"Nakita ko na po." Dinilatan pa niya iyon ng mga mata.

"Tara,"  Hinila pa niya sa braso ang nobyo.

"Huwag ka na humawak, pawisan ako." Nahihiya pang sabi niya dito.

"Sus!" Nakangiti pa siyang umirap dito. "Okay lang 'yan!" Hindi rin naman siya nagpaawat at humawak pa rin siya dito.

Pasimple namang tumango si Liam sa mga magulang ng nobya na nakatingin lang din sa kanilang dalawa.

"Nakakain na ba talaga sila?" Paniniguro pa ni Liam na noo'y nakaupo na sa mahabang bangko.

"Yup!" tumango siya at sumandok na rin ng kanin at ulam.

"Hindi ba nakakahiyang dito pa ako nakikikain?" Napakamot pa siya ng ulo.

"Ano bang nakakahiya?" Iiling-iling pa niyang inilapag ang mainit na kanin sa mesa. Kasunod noon ay ipinatong na rin niya ang sinigang na baboy na talaga namang pinagkaabalahan niya.

"Wow, amoy pa lang ang sarap na!" Agad pa siyang nakaramdam nang pangangalam ng sikmura si Liam lalo pa nga't kanina pa din siya nagugutom.

"Aba talagang masarap 'yan!" Masayang sabi pa niya sabay upo rin sa tabi nito.

"Nakakahiya, amoy pawis ako." Hindi pa niya maiwasan ang mangilag.

Lumapit pa siya dito at mabilis ngang inamoy iyon. "Hindi naman a... ang bango mo pa kaya." Kinagat niya ang labi dahil totoo lang ay turn on sa kanya ang mapula pisngi nito na bahagyang na-expose sa araw at pati na rin ang mamasa-masang buhok nito. Para kasing napaka-manly nang dating niyon sa kanya. Dagdag pa ang magandang hubog ng mga braso nitong litaw na litaw sa medyo body hugging na t-shirt nito.

"Wow, legs..." Pasimple pang sinipat  ni Liam sa legs ng nobya. Noon lang niya nakitaang naka-short iyon.

"Dukutin ko ang mata mo, mister..." Iniangat pa niya ang mukha niyon. "As if naman first time makakita ng legs? Hmm?" Umismid pa siya dito.

"You have one of the nicest legs that I've ever seen." Pilyo pang sabi niya.

"Talaga lang ha? Itong payat ko na 'to? tsss..." Umiling pa siya dito at siya pa ang nagsilbi sa nobyo at sinalinan iyon ng kanin.

"Ako na," Aagawin sana niya ang bowl ng kanin pero iniiwas naman iyon ng nobya.

"Kumain ka na nga lang diyan." Saway pa niya dito.

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now